ISANG araw ay nagtungo si Valeen sa shop kasama ang kaniyang ama. "Good morning, Maxene!" masayang bati niya matapos kong mabuksan ang pinto ng aking opisina. Bumeso pa siya sa akin na para bang walang issue sa pagitan naming dalawa. "Good morning." Niluwagan ko ang awang ng pinto para makapasok sila sa loob ng opisina ko. "Siguro naman ay naka-usap ka na ni Tyrone tungkol sa kasal nilang dalawa ng anak ko." seryosong wika ng senador. Matalim itong nakatingin sa akin. "Yes, sir." "Good." Bumaling ito sa anak. "Kunin mo na ang wedding gown mo. I'll wait for you outside." "Yes, dad." Lumabas na ang senador. Si Valeen naman ay lumapit sa manequin kung saan nakasuot ang wedding gown niya. Sumunod ako sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya ngunit wala akong magawa kundi gawin ang trabaho ko.

