KINAUMAGAHAN ay nagpunta ulit sina Eliza at Erica sa bahay ni Tyrone. Sabay-sabay ulit kaming nag-breakfast tapos ay nagkuwentuhan sa sala. "Daddy, 'wag ka nang pumasok sa hotel. Dito ka na lang sa bahay. 'Di ba ang sabi mo, bawal muna kayong mag-work ni mommy?" buong paglalambing na wika ni Athena habang paharap na nakakandong sa ama. "Anak, hindi p'wede. May kailangan akong gawin sa hotel. Saka kailangang mag-work ni daddy para mabili ko ang mga gusto mong toys. Promise uuwi ako agad. Anong gusto mong pasalubong?" "Wala, daddy. Basta umuwi ka agad," nakanguso nitong wika. Halatang masama pa rin ang loob nito sa pag-alis ng ama. "Ang sweet naman ng baby ko."Nanggigigil na kinurot ni Tyrone ang magkabilang pisngi ng anak. "Manang-mana ka talaga sa mommy mo! Gan'yan din ang sinasabi ng

