CHAPTER 74 (TYRONE'S POV)

1732 Words

LABIS akong nabigla sa mga rebelasyon ni Maxene, lalo na sa video na pinakita nito. Para akong napako sa kinatatayuan ko noon kaya hindi ko nagawang sundan si Maxene nang lumabas ito sa restaurant. Napatingin ako sa aking ama na noon ay hindi maipinta ang mukha sa kinauupuan niya. "Totoo ba ang mga sinabi ni Maxene, dad?" Kuyom ang mga palad na tanong ko sa kaniya. Nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa sobrang galit. Ang linaw ng kopya ng CCTV at kitang-kita roon ang mukha ng aking ama pati na rin ang plate number ng luma niyang sasakyan, ngunit gusto ko pa ring kumpirmahan mula sa kaniya mismo ang katotohanan. Gusto kong isipin na fabricated lang ang ebidensyang iyon dahil sa pulitika. Parang hindi ko kasi kayang paniwalaan na magagawa ng sarili kong ama na ipadukot at pagtangkaan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD