NANG makarating kami sa Imperial Hotel ay naiwan sina Rani at Athena sa sasakyan. Sinamahan ako ni Dra. Torres at ng dalawang body guards dahil natatakot ito sa p'wedeng gawin sa akin ni Anton kapag nagkaharap kami. Nang makapasok kami sa restaurant ay agad na hinanap ng mga mata ko ang lamesang inuukopa ng pamilya ni Tyrone. Biglang sumiklab ang matanding galit sa dibdib ko nang makita si Anton na noon ay masayang nakikipagk'wentuhan kina Eliza at Erica. Si Tyrone ay tahimik lang noong kumakain. Dali-dali akong naglakad palapit sa lamesa nila. "Hayop ka talagang matanda ka!" galit na galit kong wika. Nang makalapit ako sa kaniya ay kinuha ko ang baso na nasa tapat niya at binuhos iyon sa mukha niya. Nagulat silang lahat sa ginawa ko, lalo na si Anton. Napatayo ito sa kinauupuan at nan

