LAKING pasasalamat ko kay Rani nang mapakiusapan niya si Valeen na ibahin ang meeting place namin. Imbes na sa Imperial Hotel ay nag-dinner kami sa isang Italian restaurant sa bayan. Quarter to seven pa lang ay nasa loob na ako ng restaurant. Nang maka-upo ako sa naka-reserve na table para sa aming tatlo ay agad akong nag-text kay Valeen para ipaalam na nakarating na ako. Agad naman siyang nag-reply at sinabing kadarating lang din nila at kasalukuyang nagpa-park na ng sasakyan. Habang hinihintay ang magkasintahan ay nag-check muna ako ng inbox at nag-reply sa inquiries ng iba ko pang mga kliyente. Sa sobrang abala ay hindi ko napansin ang paglapit ng isang babae sa kinauupuan ko. Natigilan lang ako sa ginagawa nang magsalita siya. "You must be Maxene Perrera." Nag-angat ako ng mukha at

