"KUMUSTA ang occular visit mo?" tanong sa akin ni Rani nang makabalik ako sa shop kinahapunan. Wala na roon si Athena dahil nasundo na siya ng kasambahay namin. "Okay naman. Ang ganda ng venue at acommodating ang mga staff. Malawak ang parking lot. Saka maganda ang ammenities. Siguradong mag-eenjoy doon ang celebrant at ang mga guests." "Nice! Nga pala, iyong sinasabi ko sa iyong client na anak ng senator, si Valeen dela Cruz, tumawag siya kanina. P'wede ka raw ba bukas ng gabi, 8 P.M.?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalang sinambit ni Rani. "I'm sorry. What's her name again?" "Valeen dela Cruz. Siya ang kaisa-isang anak ni Senator dela Cruz." Sandali akong nag-isip. Parang familiar kasi sa akin ang pangalang iyon subalit hindi ko maalala kung saan at kailan kami nagkakilala

