NAGISING ako kinaumagahan nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa aking silid. Hindi na ako nagulat nang makita roon si Tyrone na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa akin. Sa hitsura niya ngayon ay siguradong alam na niya ang nangyari sa akin sa hotel kahapon. Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari kahapon? Kung hindi ko pa naka-usap si Jenny, hindi ko malalaman na na-terminate ka sa hotel." galit na galit na wika ni Tyrone habang naglalakad palapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama. "Ang sabi ni Jenny kinausap ka raw ni daddy sa opisina ko kahapon habang wala ako. Sinaktan ka ba niya?" Umiling lang ako. "Damn it Maxene! Talk to me." "Hindi niya ako sinaktan!" "Anong sinabi niya sa 'yo? Kilala ko si daddy masy

