HINDI rin ako nagtagal sa event ni Ma'am Jhossa. Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin agad ako. Kailangan ko munang dumistansya sa kaniya para hindi na siya madamay sa problema ko. Sobrang bigat na ng dibdib ko at ng mga sandaling iyon ay isang tao lang ang naisip kong puntahan, si Andrew. Pagkatapos naming mag-dinner ay umakyat kami sa k'warto niya at nanood ng movie. Ayokong munang umuwi sa bahay at mapag-isa dahil baka lalo lang akong malungkot. Rom-com ang napiling panoorin ng kaibigan ko. Tawa siya nang tawa habang nanonood habang ako naman ay tahimik lang at tila wala sa sariling nakatingin sa screen. Ni hindi ko man lang namalayan ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko. "Maxene, sagutin mo nga 'yang phone mo. Kanina pa ako naiirita sa tunog ng ringtone mo." reklamo n

