MABIBIGAT ang aking mga yabag habang naglalakad papunta sa locker room. Masyado akong nabalisa sa mga nangyari ngayong araw kaya pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko, lalo na ang puso ko. Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Nang magsawa ang teynga ko sa tunog ay tila wala sa sarili na pinatay ko iyon para iwasan ang tawag ni Tyrone. Ayoko muna siyang maka-usap dahil gusto ko munang makapag-isip. Alam kong umpisa palang ito ng matinding problemang kakaharapin namin ni Tyrone. Sana lang ay totoo ngang mahal niya ako. At sana ay maging sapat ang pagmamahal namin sa isa't isa para malampasan ang matinding pagsubok na ito. Inabutan ko si Andrew sa locker room na noon ay naghahanda na rin sa pag-uwi. Ngumiti lang siya at tumango sa akin na siyang pinagtaka

