"HOW was your first day at work?" tanong sa akin ni Andrew habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Napabuntong hininga ako sa tanong niya. Muli ko na naman kasing naalala ang muli naming pagtatagpo ni Tyrone kanina. "Okay naman. Kaso may malaking problema ako." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. "Huwag mong sabihin sa aking may tinarayan kang guest?" natatawang tanong ni Andrew. Kilala niya kasi ang ugali ko. Bata palang ay likas na kasi talaga sa akin ang pagiging mataray. "Sana nga guest lang 'yong natarayan ko. Kaso hindi, eh." Kumapit ako sa braso niya at hinilig ang ulo ko roon habang nakasakay kami sa elevator. Isang mahabang buntong hininga ang lumabas sa aking bibig. "Tsong, naaalala mo 'yong kinuwento ko sa 'yong mayabang na lalaking nasampal ko sa party at sa bar?"

