MAGLALAKAD na sana ako papalayo nang bigla akong hilahin ni Tyrone at pina-upo sa kandungan niya. Bumaling ako sa kaniya. “Tara na! Matulog na tayo. Inaantok na ako.” Parang wala siyang narinig. Mula sa aking mukha ay bumaba ang mga mata niya sa cleavage ko na litaw sa suot kong sando. Nagtatagis ang kaniyang mga bagang habang buong pagnanasang nakatingin sa katawan ko. Tinanggal ko na ang suot na diamond ring at inabot iyon kay Tyrone. "Ayan na ang singsing mo." Inirapan ko siya para hindi niya mahalata na nag-enjoy ako sa parusang ginawad niya sa akin kanina. Kinuha ni Tyrone ang singsing ngunit muli niya iyong sinuot sa daliri ko. "Wala nang solian. Sinuot mo na ‘yan kaya girlfriend na kita simula ngayon.". "Anong girlfriend? Niloloko lang naman kita. Masyado ka namang seryos

