PASADO ala-una na ng madaling araw nang maka-uwi ako ng bahay. Nanlaki ang aking mga mata nang makapasok sa loob ng aking silid. Paano ba naman ay sumalubong sa paningin ko ang mga petals ng red roses at scented gel candles na nagkalat sa sahig. Sa tabi ng bintana ay may naka-set up ding lamesa kung saan nakapatong ang dalawang set ng nakataob na puting pinggan, mga kubyertos at wine glasses. Mayroon ding malaking ice bucket kung saan nakalagay ang isang bote ng wine at apat na malalaking plates na tinatakpan ng stainless food cover. Nahihilo man dahil sa kalasingan ay lumapit ako sa lamesa at isa-isang inangat ang food cover para makita ang laman niyon. Lasagna, barbecue pork ribs, chicken pastel at ang pinaka-huli ay isang white gold infinity ring. Tila wala sa sariling kinuha ko ang s

