MAXENE'S POV DAY OFF ngayon ni Ate Grace kaya wala akong choice kundi isama si Athena sa shop. May ocular visit kasi ako ulit ngayong umaga kaya ipapabantay ko muna kay Rani ang anak ko. Matapos kong ihinto ang sasakyan sa tapat ng shop ay agad na bumaba si Athena at patakbong pumasok sa loob. Kinuha ko sa backseat ang gamit ng anak ko sumunod na rito. "Good morning!" masayang bati ko matapos buksan ang pinto ng shop. "Rani, iiwan muna rito si -" Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko matapos makita ang dalawang babae na kausap ng anak ko. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makilala sila. At halatang nagulat din sila nang makita ako. Lumapit sa akin si Athena. "Mommy, I'd like you to meet my new friends, Tita Erica and Lola Eliza." Wala na akong nagawa pa nang hilahin nito an

