HINDI ko alam kung ilang minuto nang nakahinto ang kotse ko sa parking lot ng Imperial Hotel. Ngayong araw naka-schedule ang ocular visit ko para sa isang event na gaganapin sa hotel na ito sa susunod na buwan. Sa totoo lang ay natatakot akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng hotel. Hangga't maaari ay gusto ko munang umiwas kay Tyrone dahil kung saan-saan nauuwi ang pagtatagpo namin. At isa pa, natatakot ako dahil baka makasalubong ko sa hotel na ito si Anton. Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa aking bibig. Patuloy na nag-iisip kung itutuloy ko pa ba ang occular visit o babalik na lang sa shop. Mayamaya ay tumunog ang cellphone ko. Patamad kong binasa ang text message. Galing iyon sa client ko at tinatanong kung nakapunta na raw ba ako sa hotel. Agad akong nag-reply at

