"WE WILL now cut the ribbon and signify the official grand opening of The Imperial Hotel - Subic!" wika ng emcee sa mikropono. Ginupit ko na ang ribbon na nakatali sa entrada ng hotel. Pinilit kong ngumiti at itinaas ang pulang ribbon na hawak ko. Nagpalakpakan ang mga guests at ibang staff ng hotel. Nagsimula nang kumuha ng kaniya-kaniyang pictures ang media. Lumapit sa akin ang ilang reporters para sa interview ngunit wala akong sinagot ni isang tanong. Sa halip ay pinasa ko kay mommy ang hawak kong ribbon at nagpaalam na sa mga ito. "See you at dinner." iyon lang at naglakad na ako papalayo. Habang lumilipas ang mga araw ay nawawalan ako ng gana sa mga social gatherings. Mas gusto ko pang magtrabaho na lang sa hotel o kaya naman ay uminom nang mag-isa sa bar. Isang oras pa bago mag

