NANG maka-uwi ako sa bahay ay inabutan ko si Athena na nanonood ng t.v. sa sala. Tinabihan ko siya sa sofa at inakbayan. "I have a surprise for you." Tumingin siya sa akin. "What is it, mommy?" Hinaplos ko ang kaniyang buhok pababa sa kaniyang mukha. "Huwag ka nang malungkot. Makakalaya na ang Lolo Anton mo." Pinanlakihan siya ng mga mata. Ilang sandali siyang natigilan bago muling nagsalita. "Talaga, mommy?" "Yes, baby! Pinuntahan ko ang lolo mo kanina tapos inatras ko na ang case laban sa kaniya." Napangiti siya. "So, bati na tayo?" Tumango-tango si Athena. Hindi mapuknat ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Thank you, mommy." "Anything for you, baby." Hinalikan ko siya sa noo. "Naka-usap ko na rin ang lola mo. Pupunta raw sila rito one of these days." "Kasama si lolo?" excited ni

