TAHIMIK kami ni Athena habang umaandar ang sasakyan namin. Sinundo ko siya sa school at ngayon ay pauwi na kami ng bahay. Simula nang makulong si Anton limang araw na ang nakakalipas ay hindi na niya kami masyadong pinapansin ni Tyrone. Lagi siyang matamlay at tahimik. "Gusto mo bang mamasyal, anak? Mag-mall tayo. Ibibili kita ng bagong toys." Basag ko sa katahimikan sa pagitan naming mag-ina. Umiling-iling siya. "What about sa shop? Gusto mo bang tumambay muna sa shop? Nami-miss ka na ni Tito Rani. " "I just wanna go home, mommy." "Okay." Umusog siya sa pagkaka-upo at siniksik ang sarili sa may bandang pinto. Halatang masama pa rin ang loob niya sa akin at iniiwasan niya pa rin ako. At labis akong nasasaktan sa ginagawa niya. "Anak, bakit parang ayaw mo akong kausapin? Ilang araw

