CHAPTER 84

1431 Words

ANTON'S POV MABIGAT ang aking mga hakbang habang naglalakad papasok sa silid naming mag-asawa. Agad kong nilibot ang paningin nang makapasok ako sa silid. Wala roon si Eliza. Dumako ang aking mga mata sa side table kung saan nakapatong ang three red roses na binigay sa akin ni Athena kahapon. Naglakad ako palapit sa kama at naupo sa gilid niyon. Kinuha ko ang mga rosas. Tinapat ko iyon sa aking ilong at inamoy. Mayamaya ay hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Naiinis ako kay Maxene pero natutuwa ako sa anak nito. Napakaganda ng mukha ni Athena. Para siyang isang manika. Napaka-sweet at thoughtful niya. Mukhang napalaki ni Maxene nang maayos ang bata kahit mag-isa lang ito sa buhay. Ang cute din ng boses niya. Napakasarap pakinggan ng kaniyang malambing na tinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD