PAGKATAPOS kong sunduin si Athena ay dumerecho kami sa shop. Doon namin hihintayin si Tyrone. Birthday niya kasi ngayon at pinapapunta kami ni Eliza sa bahay ng mga Imperial para sama-sama kaming mag-lunch. Noong una ay nag-aalangan akong pumayag dahil ayokong makita si Anton. Pero sabi ni Tyrone ay nasa business trip daw ang kaniyang ama at baka sa isang linggo pa ito naka-uwi. "Talaga, mommy? Pupunta tayo sa bahay nina lola?" excited na tanong ni Athena habang binibihisan ko ito sa loob ng opisina ko. "Yes, baby. Doon natin ice-celebrate ang birthday ng daddy mo. Huwag kang malikot do'n ah." "Opo!" tumango-tango ito. "Yes! Makikita ko na si lolo." "W-Wala raw doon ang lolo mo. May business meeting kasi siya sa ibang lugar." "Ay! Sayang! Gusto ko pa namang makilala si lolo." biglan

