"GOOD morning, Rani!" nakangiting bati ko sa aking kaibigan nang makapasok sa shop. "Welcome back, Max! Akala ko hindi ka na babalik." Naupo ako sa sofa. Makikipagkuwentuhan muna ako sa kaniya bago simulan ang mga trabaho sa loob ng opisina ko. Tumabi siya sa kinauupuan ko. "Pasensya na kung matagal akong nawala." "Ok lang, freni. Parang mas okay nga kung hindi ka muna umuwi." "Bakit? May nangyari bang masama?" Isang buntong hininga lang ang tinugon niya sa akin. "Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagparamdam. Wala kasing signal do'n sa isla. Kagabi lang ako nakapagbukas ng cellphone pag-uwi namin. Ano bang balita?" "You mean hindi mo pa alam?" takang tanong niya. "Ang alin?" Kumunot ang noo ko. "May kailangan ba akong malaman?" "Viral ka ngayon, 'day!" "Paanong viral?" "One

