LALO akong nilukuban ng matinding takot nang makita ko si Anton Imperial. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa harapan ko. Kinuha niya ang pitaka mula sa bulsa ng pantalon at inabutan ng sampung libong piso ang driver. "Umalis ka na. Ako na ang bahala rito." "Pero, sir, involve po ako sa aksidenteng ito. Hindi ko p'wedeng basta na lang iwan ang babaeng ito." Isang marahas na hininga ang pinakawalan ni Anton. Halatang nainis sa tinuran ng driver. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla siyang bumunot ng baril na nakasuksok sa tagiliran niya. Tinutok niya iyon sa mukha ng driver na noon ay biglang nangatog sa nangyari. "Umalis ka na kung ayaw mong paglamayan kasabay ng babaeng ito." "Sir, 'wag po. Maawa po kayo sa akin." "Alis!" Tumingin sa akin ang lalaki. Baka

