MASAYA kaming nagkukwentuhan habang naglalakad papunta sa parking lot. Hawak namin ni Tyrone sa magkabilang kamay si Athena habang ang dalawang body guards ay nakasunod sa aming likuran at bitbit ang mga pinamili namin. Nang papalapit na kami sa sasakyan ay bigla kaming sinalubong ng mga reporters. Mayroon ding mga photographer at cameramen. Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula sila sa pagkuha sa amin ng mga pictures at videos. Huminto sa paglalakad si Athena at kumapit sa laylayan ng polo ni Tyrone. "Daddy, I'm scared!" Agad na binuhat ni Tyrone ang bata. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang mga body guards naman ay hinarangan ang mga reporter para hindi masyadong makalapit sa amin. "Miss Perrera? Totoo po ba ang kumakalat na balita na pi

