Kabanata 14

3128 Words
“KUYA, relax ka lang. Maayos na ang mga bata. Nakausap ko na si Reign kanina. Baka mapano ka pa sa pagmamadali mo,” sabi ni Bobbie sa kapatid niyang si Daxon. Pagdating kasi ni Daxon sa airport, napilitan na siyang tumawag sa ibang tao para malaman kung napano na si Reign pati ang kanilang mga anak. Hindi pa rin kasi matawagan ang numero nito. At sa CCTV camera ay wala pa ring tao sa kanilang bahay. Nalaman naman ni Daxon sa kapatid ang tungkol sa nangyari sa mga bata. Nakisuyo pala si Reign kay Bobbie na sakaling tumawag siya ay sabihing nasa ospital sila dahil may tigdas sina Summer at Sky. Hindi kasi nila matawagan ang isa’t isa. Hindi naman maiwan ni Reign ang mga bata para kuhanin ang kanyang cellphone na naiwan niya sa bahay dahil sa pagmamadali. Natapos naman ang tawag at pagbaba ni Daxon sa kanyang cellphone, agad niyang binalingan ng tingin ang kanyang driver. “Wala na bang ibibilis ‘tong sasakyan?” tanong niya kay Harold, halata sa tono ang labis na pagkabalisa. Napalunok si Harold bago nakapagsalita. “Sige, Sir. Akong bahala. Kapit ka lang,” aniya bago mas binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Pagkagaling sa airport, sa ospital dumiretso si Daxon dahil sa kanyang nalaman. Ayaw niyang may masayang na oras kaya naman halos paliparin ni Harold ang sasakyan. Pagdating sa ospital, patakbong pumasok si Daxon dito. Agad niyang hinanap ang kwarto kung saan naka-confine ang mga anak niya. Ayon lang ay pagdating sa isang hallway sa ikalawang palapag ng ospital, natigilan siya nang makita si Reign. Nagtiim-bagang siya dahil kasama na naman nito ang lalaking minsan niyang pinagselosan. At ngayon ay mukhang magkasundo pa ang dalawa dahil bukod sa magkausap ay nagtatawanan pa sila. Napilitan si Daxon buksan ang butones ng kanyang polo para makahinga ng maayos. Niluwagan din niya ang kanyang necktie. At dahil nanatili siya sa kinatatayuan, bumangga sa kanya si Harold na patakbo palang sumunod. Hindi ito nakahinto agad. “Sorry, Sir! Nasaan na ‘yung kambal? Nasaan na si Ma’am?” sunod-sunod na tanong ni Harold, halatang kahit siya ay kabado para sa pamilyang matagal na rin niyang pinagsisilbihan. Hindi sumagot si Daxon. Kaya rito napilitan si Daxon tingnan ang direksyon ng matalim nitong tingin. Napatingin si Harold sa dulo ng hallway kung saan makikita si Reign kasama ang isang lalaki, papasok sa hospital room. Napangiwi si Harold nang maintindihan ang seryosong ekspresyon ni Daxon. “Patay,” bulong niya at dito tuloy siya tiningnan ng masama ni Daxon. “Don’t worry, Sir. Be happy! ‘Di hamak na mas pogi ka dun. Lamang ka ng ilang paligo,” nag thumbs up pa siya pero nang makita niyang walang pagbabago sa mukha ni Daxon ay binaba niya agad ang kanyang kamay. Pinagdikit din niya ang labi at napayuko. Alam niya kasing hindi mabibiro si Daxon ng mga oras na iyon. Naglakad na si Daxon papunta sa kwartong pinuntahan ng dalawa. Huminga siya ng malalim para kumalma bago binuksan ang pinto. Naabutan niyang nakatayo si Reign sa pagitan ng kama ng mga bata. Napatingin naman ito kaagad sa kanya. Tuloy-tuloy na naglakad si Daxon papunta kay Reign, kahit sa gilid ng mga mata ay nakita niya si Dexter. “Dax!” tawag ni Reign, nakahinga siya ng maluwag pagkakita sa asawa. Nagmadali din siyang maglakad papalapit dito para salubungin ito ng yakap. Ayon lang ay hindi niya inasahan nang iba pala ang nasa isip nitong gawin. Ipulupot ni Daxon ang braso nito sa kanyang beywang at pagkatapos ay hinagkan siya nito sa labi. Maging sina Summer at Sky na parehong gising ay napatakip ng mga mata sa nasaksihan. Humalik si Reign pabalik ngunit mabilis din itong natapos. Umawang ang labi niya, nagtatanong ang mga mata. Muntik na niyang makalimutan si Dexter na tumayo pagkatapos harap-harapang mapanuod ang paghahalikan ng mag-asawa. “Ah una na ‘ko, Reign,” sabi ni Dexter na mabilis na nakaramdam. Alam niyang sinadya ni Daxon ang ginawa nito para makita niya. And he’s right, Daxon wanted to punch him in a way that would have a greater impact on him. Alam niyang pagtatalunan lang kasi nilang mag-asawa kapag sinapak niya si Dexter pagkapasok pa lang ng kwarto. “Ah okay. Sige, Dexter…” Walang sinabi si Daxon pabalik pero nang lalapitan sana ni Reign si Dexter para samahan palabas, tsaka siya pumagitna. “Daxon, tinulungan niya ang mga bata,” sabi ni Reign dahil naalala niya ang huling engkwentro ng dalawa. “Ako na ang sasama sa kanya palabas. Kakausapin ko lang din siya,” sabi naman ni Daxon, mapait pa rin ang timpla ng mukha. Duda si Reign na ito lang ang gagawin nito pero hindi na niya ito pinigilan pa. Nauna nang lumabas si Dexter pero sinundan pa rin siya ni Daxon. Tuloy ay napilitan si Dexter magpaliwanag. “Nagkataon lang na nandito ako. Tinulungan ko si Reign dahil mag-isa siya—” “Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko,” pagputol ni Daxon, mariin ang bigkas sa bawat salita. Ilang segundo pa lang ang lumipas na kaharap niya si Dexter ay gusto na niya itong suntukin sa mukha. Pero sinusubukan niyang pigilan ang sarili. “Sa susunod. Hindi mo kailangang magtagal, kung pagtulong lang ang habol mo,” sabi pa ni Daxon. Kinuyom niya ang kanyang mga palad. Lalong naging malalim at malamig ang kanyang boses. “I know what you're after. Back off before you get hurt,” dagdag pa niya. Umigting ang panga ni Dexter matapos siyang diretsuhin ni Daxon. At tatalikuran na sana siya nito nang magsalita pa siya. “Kailangan ni Reign ng katulong sa mga bata,” sabi niya na lalong nagpainit ng ulo ni Daxon. “Siguro naman kaya mo ‘yon ibigay. Hindi ‘yung puro ka lang salita.” Muling hinarap ni Daxon si Dexter, sa pagkakataong ito ay kaunting pasensya na lang ang natitira sa kanya. “Huwag mong problemahin ang pangangailangan ng asawa ko. Stay the f*ck away from her, or I'll make your life a living hell,” nagtaas na ng boses si Daxon. Dito niya iniwan si Dexter na kinilabutan sa kanyang mga sinabi. *** Nilapitan agad ni Reign ang asawa pagbalik nito sa loob ng kwarto. Sinapo niya ang mukha nito bago ito niyakap ng mahigpit. “Mabuti nandito ka na,” sabi pa niya bago bumuntong-hininga. Malaking bigat ang nawala sa kanyang balikat. Nakahinga rin naman ng maluwag si Daxon dahil kasama na niya ang pamilya niya. Niyakap niya pabalik si Reign bago hinaplos ang buhok nito. “Pasensya ka na. Ngayon lang ako nakarating. Hindi ko nasagot ‘yung mga tawag mo kasi nausod ng nausod ‘yung meeting namin. Gabi na kami natapos,” paliwanag ni Daxon. Mas nakaramdam siya ng inis kay John ngayon. Humiwalay naman sa kanya si Reign, halatang nabigla sa nalaman. “Gabi na? Ibig sabihin kakatapos lang ng meeting niyo? Buti nakaabot ka sa flight mo?” Umiling si Daxon. “Hindi ako nakaabot. Nagpa-book lang ako ulit ng ibang oras,” bumilog ang bibig ni Reign. Lumapit naman si Daxon sa mga bata at dito niya hinaplos ang ulo ng mga ito. “Kumusta na ang pakiramdam niyo?” tanong niya. “I feel better na, daddy. Last night I thought I’ll see Papa Jesus na,” sagot ni Summer na nagpakirot ng puso ni Daxon pero tinawanan niya ng mahina. “I’m okay, daddy,” simpleng tugon ni Sky sabay hawak ng mahigpit sa isang kamay ni Daxon. Lumapit naman si Reign kay Daxon. “Dapat pala kinabukasan ka na umuwi. Pagod ka galing trabaho tapos sa flight. Dumiretso ka ba rito galing airport?” Tumango si Daxon. “I was worried. Nakita ko sa CCTV na wala kayo sa bahay kahit alanganing oras na. Kaya pinilit kong makauwi. Kanina ko lang nalaman kay Bobbie ang nangyari.” Naantig naman ang puso ni Reign. She knew he was capable of going the extra mile for her and their children. Pero matagal-tagal na rin noong huli niya itong naramdaman. Nanatili naman muna ang mag-asawa sa tabi ng mga anak nila. At nang makatulog na ang mga ito ay tsaka sila lumabas ng kwarto para bumili ng kape. Naupo sila sa labas ng kwarto at dito mas nakapag-usap. “Bakit nandito ulit ang lalaking ‘yon?” Ito agad ang itinanong ni Daxon kay Reign dahil hindi pa rin nawawala ang inis niya sa pangingielam ni Dexter sa pamilya nila. Pinaliwanag naman ni Reign ang buong nangyari hanggang sa kaliit-liitang detalye, mula sa bahay hanggang sa ospital kung saan sila aksidenteng nagkatagpo ni Dexter. “He’s just trying to help,” pagtatapos ni Reign sa kanyang kwento. Ngunit umiling si Daxon, hindi sang-ayon sa kanyang sinabi. “Lalaki rin ako Reign. Hindi lang pagtulong ang habol niya. Kaya umiwas ka na sa kanya,” sabi ni Daxon. Pagkatapos niyang makita si Dexter kasama si Reign, kahit noong una’y hindi siya gaanong nag-aalala, nabigyan siya ngayon ng rason para maramdaman ito. Gusto pa ring paniwalaan ni Reign na kaibigan lang ang tingin ni Dexter sa kanya. Pero alam niyang walang point makipagtalo sa asawa pagdating sa bagay na ito. Kaya naman huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Hindi naman na kami magkikita pa. Pwede na ring lumabas ang mga bata bukas ng umaga. Kahit sa bahay na sila magpahinga. May pasok ka pa ba niyan bukas?” Hindi na niya gusto pang pag-usapan si Dexter dahil hindi naman ito big deal para sa kanya. “Oo. May meeting kami ng board of directors bukas ng umaga,” sagot naman ni Daxon. Alam naman ni Reign kung gaano kaimportante ito hindi man ibahagi ni Daxon ang meeting agenda. “Umuwi ka na sa bahay para makapagpahinga ka ng maayos. Kaya ko na rito,” kaya ito ang sinabi niya, kahit ang totoo’y ayaw niyang umalis ang asawa. Sinabi lang niya kung anong tingin niyang dapat sabihin. Imbes na umalis, hinawakan ni Daxon ang kamay ni Reign bago humilig sa balikat nito at pumikit. “Thank you for always being there for me and our children,” sabi ni Daxon, ngayon ay unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod at antok. “And I'm sorry for not always being there for you when you needed me…” Pakiramdam ni Reign ay kumikirot ang bawat piraso ng kanyang puso. Alam niyang sinusubukan naman ni Daxon gawin lahat para maparamdam sa kanya na hindi siya mag-isa. But then, she couldn't help but feel alone at times. And now, she felt even more guilty for feeling this way. *** Natulog man sa ospital si Daxon kasama si Reign, kinabukasan ay nauna siyang umalis ng ospital dahil kailangan niyang pumasok sa opisina ng maaga. Hindi na niya nagawang hintayin ang paggising ng mga bata. Naiwan si Reign at siya lang ang kasama ng mga ito pauwi. Palabas na sila ng ospital nang maabutan ni Reign na naghihintay si Dexter sa labas ng ospital. Masaya itong kumaway sa kanya pero naalala niya ang bilin ni Daxon. Tipid siyang ngumiti bago lumapit dito, hawak sa magkabilang kamay ang mga bata. Hinawakan ni Dexter ang buhok ni Sky, bahagyang ginulo bilang pagbati. Pero nainis lang si Sky at napasibangot. Sinubukan nitong ibalik sa ayos ang nagulong buhok. Tumikhim naman si Dexter at binalik ang tingin kay Reign na ngayon ay kaharap na niya. “Naisip kong baka mag-isa ka na namang uuwi. Since on the way naman ang bahay niyo kaya dinaanan ko na kayo. Sabay na kayo sa ‘kin,” alok ni Dexter sabay bukas ng pinto sa passenger’s seat ng kanyang kotse. “Ah thank you, Dexter. Pero pinasundo na kami ng asawa ko sa driver namin,” mabilis na tumanggi si Reign. Saktong huminto na rin sa harap ng ospital si Harold. Bumaba pa ito at nagpakita kay Dexter. Tiningnan niya ito ng masama, animo ginagaya ang matalim na tingin ni Daxon. Agad namang bumitaw ang mga bata kay Reign at nagmadali pasakay ng kanilang kotse. Naiwan si Reign kaharap si Dexter. “Sige, mauna na kami ah. Salamat ulit sa inyo ng kapatid mo,” sabi pa niya. Paalis na sana si Reign nang hawakan ni Dexter ang kamay niya para sana pigilan siya. Dito niya mabilis na binawi ang kamay niya. Napatunayan na niyang tama ang kutob ng asawa. “I’m sorry—” “Dexter,” tawag ni Reign, seryoso ang kanyang mukha at malamig ang boses. Malayo ito sa kung paano niya kausapin si Dexter noong nagdaang gabi. "I know I might come off as easy, but let me set the record straight. I'm happily married and love my husband and kids more than anything. I appreciate your help, but I need you to respect my boundaries. Don't even think about crossing the line." Bago pa makapagpaliwanag si Dexter, tinalikuran na siya ni Reign. Sumakay na ito sa sasakyang dala ni Harold. At wala siyang nagawa kung hindi panuorin ang pagharurot nito papalayo. *** “Anong gusto niyong color sa birthday niyo?” tanong ni Reign sa mga anak. “Yellow,” sagot ni Summer. Si Sky naman ang sunod na nagsalita. “Black.” “Sky, birthday nga eh. Bakit naman black? Do you have other color that you like?” “White.” “Then let’s do yellow and white? Okay ba ‘yon sa inyo?” Masayang naglilista si Reign ng mga kailangang ihanda para sa nalalapit na 7th birthday ng mga anak at sinusubukan niyang hingin ang opinyon ng mga ito habang nasa hapagkainan sila. “Can we call daddy and ask him too?” tanong naman ni Sky. At natuwa si Reign nang maisip ito ng anak. “Of course, we can. I think it’s his lunch time now too,” sabi ni Reign dahil kakatapos lang din naman nilang mananghaliang tatlo. Tinawagan ni Reign si Daxon at ilang ring din bago ito sumagot. Tinapat agad ni Reign ang camera sa dalawa. “Nami-miss ka na ng mga bata,” aniya. “Hello!” masaya naman ang bungad ni Daxon. Nakangiti si Summer at kumaway pa sa tatay. Pero nakasibangot naman si Sky. “Are you okay, Daddy?” tanong ni Sky. “Yes, baby. Why?” “Your eyes. You look sad,” balik nito. Hinarap tuloy ni Reign ang screen ng cellphone sa kanya at dito niya nakitang may kakaiba nga sa mga mata nito. “Kulang lang ako sa tulog tsaka pagod,” paliwanag ni Daxon sabay pikit ng mariin, sinubukan niyang kusutin ang mga mata. Huminga naman ng malalim si Reign. Hindi niya mapigilang mag-alala para sa asawa. Minsan na rin kasi itong na-overwork sa trabaho. Noong mga panahong kailangan nitong patunayan ang sarili sa board of directors at ilang investors pagkatapos ng mga iskandalong kinasangkutan ng mga Savage. “Uwi ka ng maaga. Ipagluluto kita. Tsaka para makapagpahinga ka rin ng mahaba,” sabi ni Reign. Tipid na ngumiti si Daxon. “Anong ginagawa niyo ngayon?” “Kakatapos lang namin kumain. Nagpaplano kami para sa birthday nila—teka, kumain ka na ba? Anong kinain mo?” “Oo, tapos na—” “Hi, Sir. Magla-lunch lang po kami. Kayo po ba?” Narinig ni Reign ang boses ng secretarya ni Daxon sa kabilang linya. Tuloy ay pinaningkitan niya ng tingin si Daxon. Halata namang guilty si Daxon nang lumawak ang ngiti sa labi niya. “Pababaunan na rin kita simula bukas,” sabi tuloy ni Reign. Nahuli na naman niya kasing ‘di ito kumakain ng tama. “Don’t worry. Aayusin ko na ang luto ko,” sabi pa niya dahil baka nag-aalala ito sa luto niya. Tumikhim si Daxon bago nagsalita. “Kakain na rin ako. Kakatapos lang kasi ng meeting namin. Ano nang napag-usapan niyo sa birthday nila?” pag-iiba niya ng topic. Dito naman nila excited na pinag-usapan ang theme ng birthday ng kambal. Masayang sinabi nina Summer at Sky ang gusto nila at halatang hindi na makapaghintay sa malaking selebrasyon. *** Nakailang tingin na si Reign sa orasan. Panay din ang silip niya sa bintana. Pero wala pa rin si Daxon. Tinanong na niya si Harold kung nasaan na ito. At nalaman niyang hindi pala ito nagpasundo. Pinauwi ito ng maaga at si Daxon ang nag-drive ng kanyang kotse. Hindi tuloy mapakali si Reign dahil may usapan silang maaga itong uuwi. Lumamig na ang pagkaing niluto niya dahil sa tagal ng paghihintay. Pinauna na nga niya ang mga batang kumain at ngayon ay mahimbing nang natutulog ang mga ito. Sinusubukang tawagan ni Reign si Daxon pero panay ring lang ang cellphone nito. At siguro’y halos madaling-araw na nang may humintong sasakyan sa labas ng gate nila. Nagmadali si Reign palabas ng bahay at dito niya nakitang pumasok ng gate si Daxon. “Saan ka ba galing? Anong oras na ah,” sabi ni Reign pero nang magkaharap sila ay kinailangan niyang saluhin si Daxon dahil sa pagkalango nito sa alak. Muntik na silang matumba pareho. Mabuti na lang at nabalanse niya ang sarili. Hinigit niya ang hininga nang maamoy ito. “Anong nangyari sa ‘yo?” bulalas ni Reign kahit alam niyang hindi siya masasagot ni Daxon dahil wala ito sa sarili. Inalalayan na lang niya ang asawa papasok sa bahay nila. Kahit hirap ay nagawa niyang madala ito hanggang sa loob ng kwarto nila. Ayaw naman niyang maabutang ng mga bata na ganito ang tatay nila. Ngayon lang din kasi naglasing ng ganito si Daxon na halos hindi na makalakad. Inihiga ni Reign si Daxon sa kama nila at bumagsak din siya kasama nito. Naghahabol tuloy siya ng hininga sa pagod dahil hindi naman biro ang bigat nito. "Do you know that I still dream about what my parents used to do to me?" tanong ni Daxon, halos hindi siya makapagsalita ng maayos, pero naintindihan ito ni Reign. Nagulat naman si Reign sa nalaman. Hindi kasi ito nagsasabi sa kanya noon. Pagkatapos ng mga pinagdaanan ni Daxon, noong bumuo na sila ng sarili nilang pamilya, buong akala niya ay umayos na ito. Akala niya ay nalagpasan na nito ang madilim nitong nakaraan. Gusto pa sanang kausapin ni Reign si Daxon pero nang tingnan niya ito, nakapikit na ito at mukhang nakatulog na. Naisip niyang bukas na ito tanungin para makakuha ng mas maayos na sagot. Hinubad na lang niya at sapatos nito, at inasikaso para makatulog ito ng maayos. Reign had hoped to find answers from her husband the next day, but the news she received from Bobbie was not what she expected. Her heart sank as she learned that Mrs. Savage had been found dead in her own home the night before. And to make matters worse, Daxon's car had been discovered parked in front of the house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD