“YES, I’ve seen the report. Our financials this month have seen a dip compared to last year. That’s why I want to emphasize that our current project should be our top priority.”
Malalim na ang gabi nang matapos ang meeting ni Daxon at ng ilang empleyado ng Savage Enterprises. Kinailangan nilang mag overtime para masiguradong maayos ang presentation at ilang dokumento para sa pag-uusap nina Daxon at John kinabukasan.
Si John ang main business partner ng Savage Enterprises. Ilang beses itong hindi nasipot ni Daxon kaya tuloy imbes na pirmahan na ng kontrata, kailangan pa itong pakiusapang hindi mag back out ngayon. Ito ang dahilan kaya si Daxon mismo ang nagpunta sa Singapore para makaharap ito.
At dahil anong oras na silang natapos, sa sobrang pagod ay pabagsak na nahiga si Daxon sa kama. Balak pa sana niyang mag-chat kay Reign pero nakatulugan na niya ito. Parang kumurap lang siya at pagdilat niya’y umaga na.
Nagising naman si Daxon sa alarm ng cellphone niya. May sapat siyang oras para makapag-ayos ng sarili bago makipagkita kay John. Ayon lang ay bigla siyang nakarinig ng phone notification. Pagtingin niya’y may email pala si John.
“F*ck,” bulong niya sa sarili nang mabasa ang email.
John’s asking him to meet earlier than they had originally set at a coffee shop that's half an hour away from the hotel. May nag overlap daw kasi itong importanteng meeting sa oras na una nilang napag-usapan.
At dahil si Daxon ang animo nanliligaw ngayon sa kanyang business partner, alam niyang siya ang kailangang mag-adjust sa schedule nito ngayon.
Tuloy ay kinailangan ni Daxon magmadali. Sinubukan niyang makipagkita kay John sa oras na gusto nito kahit imposible. At tulad ng inaasahan, hindi na niya ito naabutan pa sa coffee shop.
“No worries, I have time this afternoon to meet with you,” sabi ni Daxon kay John nang tawagan niya ito para makipagkita sa ibang oras ng araw din na ‘yon.
Ang sabi ni John ay may libreng oras siya sa hapon. Tinanggap na ito nni Daxon dahil gabi pa naman ang flight niya pabalik ng Pilipinas. Naisip niyang makakahabol naman siya rito pagkatapos ng kanilang meeting.
Sa coffee shop na naisipang maghintay si Daxon. Nilabas niya ang folder na naglalaman ng papeles na dapat pirmahan ni John para i-review nang maisip niya ang naiwang pamilya.
Naalala rin niya ‘yong naging pag-uusap nila ni Reign noong gabi. Napahawak siya sa labi bago unti-unting umangat ang magkabilang dulo nito. Napailing na lang siya bago binaba ang hawak at kinuha ang kanyang cellphone.
Naisipan niyang tingnan ang CCTV camera na pina-install niya sa loob ng bahay bago umalis. Pagbukas ng app na gamit, nag-umpisa siyang tumingin sa sala. Nang makitang walang tao rito ay sinilip naman niya ‘yong kwarto ni Reign, kasunod ay kwarto ng mga bata.
Kumunot ang noo ni Daxon bago siya naupo ng maayos. Nagtaka siya dahil wala siyang nakitang tao sa bahay. Sa oras kasing iyon, alam niyang dapat ay nag-aasikaso pa lang ang mga anak niya papasok sa eskwela.
Tatawagan na sana niya si Reign nang makatanggap siya ng chat galing dito.
REIGN: Hi baby, kumusta ang meeting mo?
Mga dalawang beses pang binasa ni Daxon ang message ni Reign. At kahit simpleng chat lang ito, pakiramdam niya may mali rito dahil sa smiley face na ginamit nito. Mayroon din kasing emoji na madalas gamitin si Reign pero hindi ito ang ginamit niya ngayon.
DAXON: I’m just on my way to the meeting. Okay lang ba kayo ng mga bata?
Nakapag-chat naman si Daxon sa asawa pero natagalan bago siya nasagot nito pabalik. Nauna pang tumawag si John kaya sinagot muna niya ito.
"Good morning, Mr. Savage. I can free up some time now. My secretary will send you the address for our meeting after this call."
Dahil sa tawag ni John, napunta na rito ang atensyon ni Daxon. Umalis na siya sa coffee shop at nagpunta sa address na natanggap. Noong nasa byahe na siya ay tsaka lang niya nagawang buksan ang chat ni Reign.
REIGN: Yes, we’re good. Goodluck!
Lalong nadepina ang lukot sa noo ni Daxon nang mabasa ang sagot ni Reign. Masyado kasi itong pormal, para bang hindi ang asawa niya ang kausap niya.
Noong una ay hinayaan na lang niya ang chat ni Reign. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay muli niyang binisita ang chatbox nila. Nagtaka siya lalo nang ma-unsend ang chat nito.
Tuloy ay naisipan niyang tawagan na ito imbes na mag-usap sila sa chat.
Ayon lang ay panay ring lang ang narinig niya sa kabilang linya. Naisip niyang tawagan naman ito online kaya lang ay huminto na ang sasakyan niya. Bumaba na siya at nagpunta sa building kung saan gustong makipagkita ni John.
Papasok na sana siya rito nang makatanggap naman siya ng text galing sa sekretarya ni John. Hapon na lang daw itutuloy ang meeting nila dahil kinailangan nang umalis ni John.
Niluwagan ni Daxon ang necktie niya. Nauubos na ang pasensya niya pero alam niyang kasalanan din naman niya kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Kaya kahit nababastos na siya ay nilunok niya ang pride niya at pumayag makipagkita ng hapon.
Binuksan niya ang bag niya para sana tingnan ang dokumentong kailangang pirmahan ni John. Ayon lang ay hindi niya ito mahanap.
Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naalalang naiwan niya ito sa coffee shop na pinanggalingan dahil sa pagmamadali. Tuloy ay bumalik pa siya rito kahit na mapapalayo siya sa meeting place sana nila ni John!
“Damn it, Daxon! What the f*ck is wrong with you head?”
***
Tigdas.
Ito pala ang sakit nina Summer at Sky. Sabay na nagkaroon ang dalawa kahit na nabakunahan naman sila. Posible pa rin pala itong mangyari dahil hindi 100% foolproof ang vaccines sa tigdas. Ito ang pinaliwanag ng doktor ng mga bata na kapatid din ni Dexter.
“Thank you talaga sa tulong niyo. Pasabi na lang din ulit sa ate mo ah,” sabi ni Reign kay Dexter.
Nasa ospital pa rin sila, sa loob ng kwarto ng mga bata na mahimbing pa ring natutulog. Magkatabi silang nakaupo sa couch dito. Kakatapos lang kasing tingnan ng doktor ang mga ito. Mabuti at lumabas na ang mga rashes nila kaya agad nalamang tigdas ang sanhi ng lagnat ng mga ito.
"It's not a big deal. I'm just really glad I stayed in the hospital long enough to see you,” sabi ni Dexter. Ngunit nang makita niyang nailang si Reign sa kanyang sinabi ay agad niya itong binawi, “I mean to help you and your children.”
Tipid na ngumiti si Reign. “Salamat pa rin. Pwede mo na kaming iwan dito. Kaya ko na,” sabi niya dahil inumaga na sila sa ospital. Masyado nang malaki ang utang na loob niya kay Dexter dahil halos ito ang nag-asikaso sa lahat. Napagkamalan pa itong asawa niya noong nasa cashier sila para magbayad.
Malaki naman ang pasasalamat ni Reign sa mga Sandoval dahil mas napadali lahat ng proseso sa ospital sa tulong nila.
“Hintayin ko na rin magising ang mga anak mo. Para kung may problema, matawag ko agad ang kapatid ko,” sabi naman ni Dexter. Ngunit ang totoo’y hindi pa niya gustong iwan si Reign.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago muling nagsalita si Reign.
“So, you’re a marketing professional?” pagkumpirma niya dahil sa naudlot nilang pag-uusap.
Tumango naman agad si Dexter. "Yeah, I am. We're just a startup right now, but I've been grinding in the corporate world for years, so I think I can call myself a pro in this field," he chuckled. "How about you? What gets you fired up? What's your passion?"
Binukas-sara ni Reign ang mga mata niya. Hindi makapaniwala sa tanong ni Dexter sa kanya. It’s been a while since she’s been asked that question. Kadalasan kasi ay kung hindi tungkol sa asawa ang tanong ng mga tao sa kanya ay tungkol naman sa mga anak. Kung tutuusin ay mas madalas nga siyang matawag na Mrs. Savage, mommy, mama, at nanay.
It’s been a while since she felt seen.
Nakaramdam ng kakaibang excitement si Reign nang sagutin ang tanong ni Dexter. "I love marketing and if given the opportunity, I would like to explore digital marketing, specifically social media— wait. Sorry, ang pormal ko masyado. Para akong nasa interview.” Natawa si Reign sa sarili pero lalo lang naging interesado si Dexter sa kanya.
Ngayon lang din kasi nakita ni Dexter ngumiti at tumawa ng ganito si Reign. Mas lalo siyang gumanda sa kanyang paningin, dumagdag pa ang paglitaw ng dimples sa gilid ng mga labi nito.
Dexter has been with many women in the past, but there's something about Reign that makes his heart race and his palms sweat. Despite his past experiences, he can't help feeling drawn to her in a way that he's never felt.
"No, it's okay. Pwede rin kitang ma-interview ngayon. May opening kami for a digital marketing position kung interesado ka," sabi ni Dexter kahit hindi naman talaga sila hiring. Humahanap lang siya ng paraan para mas magkaroon ng dahilan makita at makasama si Reign kahit papaano.
Oo’t interesado si Reign sa trabaho. Pero nang mapatingin siya sa kama kung saan nakahiga ang mga anak ay napailing siya. “Siguro kapag malalaki na ang mga anak ko tsaka ako babalik sa trabaho. Pero sa ngayon, malabo eh,” pag-amin niya. Ayaw niyang paasahin si Dexter dahil alam niyang ‘di niya kayang mag-commit.
“Bakit kailangan mo pang maghintay? You're a mother, but you're also a woman first,” pag-engganyo pa ni Dexter kay Reign. “Sa amin, parehong nagtatrabaho ang parents namin kahit mga bata pa lang kami. May mga katulong at yaya naman kasi sa bahay. Bakit hindi ganuon ang gawin niyo?”
Huminga ng malalim si Reign bago nagsalita. "It's actually a long story, but the point is that I have to be the one taking care of our children." Ayaw ni Reign ikwento ang nakaraan nila ni Daxon kay Dexter. Masyadong malaki ang respeto niya sa asawa para gawin ito.
“Then you can work part time with us, whenever and however you want to.”
“Hindi pa nga ako nagsisimulang magtrabaho, demanding agad?” pabirong tanong ni Reign dahil parang nakukumbinsi na siya ni Dexter sa inaalok nito.
Kumpara kasi sa alok ng kanyang kapatid na trabaho, mas may focus sa interes ni Reign ang alok ni Dexter.
"I'm the one personally recruiting you to join my company," he said, shifting a little on the couch beside her. Tipid siyang ngumiti kay Reign para pagtakpan ang kaba niya sa pagtitig nito sa kanyang mukha. "You can be as demanding as you want, and it won't matter to me,” dagdag pa niya. Napatingin siya sa suot nitong singsing at nakaramdam ng pagkadismaya bago nagpatuloy. "Just say yes, and I can draft a contract right here, right now."
Hindi maipagkakaila ni Reign na gusto niyang pumayag sa alok ni Dexter na trabaho. Pero umiling pa rin siya. “I’m sorry, I really can’t. But thank you sa pag offer ng trabaho sa ‘kin. For sure may mahahanap kang mas deserving sa posisyon na ‘yan,” sabi ni Reign.
Ayaw niyang mas maging kumplikado hindi lang ang setup nila ni Daxon pagdating sa bahay at mga anak kung hindi lalo na ang relasyon nila. Alam niyang umpisa pa lang ay ayaw na ni Daxon kay Dexter. Hindi naman kasi katulad ni Dexter si Miguel na naging best friend ni Reign ng ilang taon.
Napatingin si Reign sa orasan sa pader. Alam niyang maaga ang meeting ng asawa kaya malamang ay gising na ‘to.
“Pwede ko bang hiramin ‘yung phone mo? Naiwan ko kasi sa bahay ‘yung akin dahil sa taranta ko,” sabi ni Reign. Isinukbit niya ang ilang hibla ng buhok sa tainga gamit ang kamay kung saan kitang-kita ang singsing niya.
Agad namang kinuha ni Dexter ang kanyang cellphone at inabot kay Reign. “Sure, here you go.”
Tahimik silang naupo sa tabi ng isa’t isa habang nagta-type si Reign ng message kay Daxon. Naisip muna niyang kumustahin ito dahil alam niyang may meeting ito ng maaga. Ayaw naman kasi niyang biglain ito tungkol sa mga anak nila.
Kinumusta niya si Daxon at napangiti siya nang sumagot ito kaagad sa kanya. Papunta pa lang daw ito sa meeting niya.
Alam ni Reign na gugustuhin ni Daxon malaman ang sitwasyon ng mga bata kahit na may importante siyang meeting ng araw na ‘yon. At dahil alam naman na ni Reign ngayon na mas stable na ang mga ito, naisipan niyang sabihin sa asawa ang nangyari.
Nagta-type pa lang si Reign nang sa gilid ng mga mata niya’y nakita niyang gumalaw si Summer sa kama. Tuloy ay binalik na niya agad ang cellphone ni Dexter. Tumayo siya at lumapit sa mga anak.
“Baby, how are you feeling?” tanong ni Reign kay Summer. Nakita niyang nagising na rin si Sky sa tabi nito. Parang mababasag ang puso niya dahil hindi niya kayang nakikitang nanghihina ang mga anak.
“I’m sick, mommy,” mangiyak-ngiyak na saad ni Summer.
Tumango naman si Reign, hinalikan niya sa noo ang mga ito at bahagyang hinaplos ang mga ulo.
“Yes, baby. But you and Sky will get better soon. Mommy’s here, so you don’t have to worry, okay?”
Kahit hindi nagsasalita si Sky, magkapareho lang sila ng naiisip at nararamdaman ni Summer sa mga oras na ito. Napatingin nga lang siya sa bisita nila at dito naalala ni Reign si Dexter nang sundan ang tingin nito.
“Ah he’s tito Dexter, a friend of mommy. He’s the one who helped me take care of both of you last night,” pakilala niya kay Dexter.
Nag-angat naman ng tingin si Dexter na kasalukuyang nakatitig sa cellphone niya. “Hello!” masayang bati nito sa mga anak ni Reign. Kumaway pa siya, tumayo at lumapit sa kama.
“Ay pa-logout na lang pala muna,” sabi ni Reign nang maalala na nagbukas siya ng social media account sa cellphone ni Dexter.
“Ah tapos na. Na-send pala ‘yung tina-type mo kanina. Pero inunsend ko na tapos ni-logout ko ‘yung account mo,” casual na paliwanag ni Dexter.
Hinawakan naman ni Sky ang kamay ni Reign. Agad siyang nilingon ng kanyang nanay. “Where’s daddy?” tanong nito imbes na pansinin si Dexter.
“He’ll come home tonight,” sagot ni Reign dahil nasabi naman sa kanya ni Daxon ang schedule nito.
***
At nagbago ang schedule ni Daxon.
Paano’y mukhang nananadya talaga si John. Dahil sa ilang beses na pagkansela ni Daxon ng dapat sana’y meeting nila noon sa Pilipinas, ngayon ay ilang beses din niyang pinaikot-ikot si Daxon sa Singapore at pinagmukhang tanga.
At ‘yung dapat sana’y hapon na meeting ay inabot ng gabi. Inabot sa oras ng flight ni Daxon. Mabuti na lang at sa dami ng pinagdaanan ni Daxon ay nauwi pa rin sila sa pirmahan ng kontrata.
Kahit gusto nang sapakin ni Daxon si John ay ginamit niya ang natitirang pasensya para hindi ito gawin. Ayaw niya kasing bigyan pa ng dahilan ang board of directors para mapagbotohan na naman ang pagtanggal sa kanya bilang CEO ng Savage Enterprises.
He barely got their support after the scandal that the Savage family had in the past.
Sinubukan siyang tawagan ni Reign noong gabi dahil ang alam nga nito ay pauwi na siya. Ilang beses din siyang tinawagan nito pero hindi niya nasagot dahil sa meeting nila ni John.
Kaya naman pabalik na si Daxon sa hotel nang subukan niyang tawagan si Reign pabalik. Ayon lang ay hindi na ma-contact ang cellphone nito. At mas lalong hindi ito matawagan online.
Nang silipin niya ang CCTV cameras sa bahay ay madilim dito. Wala si Reign maging ang mga bata.
Tuloy ay kinutuban siya ng masama. Kahit na dapat ay kinabukasan na siya uuwi dahil sa nakanselang flight, tinawagan niya ang sekretarya niya at inutusang mag-book ng panibagong ticket pabalik ng Pilipinas kahit magkano pa ang halaga nito.
"Take me to the airport, now."