Kabanata 12

3258 Words
NAPAILING na lang si Reign dahil sa pangungulit ng nakatatandang kapatid na si MJ. Pagkatapos siyang kumustahin ng mga kapatid at kaibigan sa isang video call, tumawag pa ito ulit sa kanya. “Come on, babe! Hindi mo ba talaga ‘ko pwedeng tulungan sa T&M Fashion? Pagbigyan mo na ‘ko. You were born to be our marketing manager! Si TJ nga tinutulungan ko sa kumpanya natin paminsan-minsan. That's what… siblings are for!” Natawa si Reign dahil kahit kasal na’y hindi pa rin nagbago ang pagiging maligalig ng kapatid. Hindi tulad niya na malaki na ang pinagbago sa dating siya. Kahit pinakabata sa magkakapatid na Valderrama, pakiramdam niya ang tanda-tanda na niya. “I’m sorry, Kuya MJ. Alam mo namang priority ko ngayon ang pamilya ko. Gusto man kitang tulungan, hindi ko talaga kayang isabay ang pagtatrabaho,” sagot ni Reign, mahahalata ang lungkot sa tono. Sa totoo lang, gusto niyang tanggapin ang inaalok na trabaho ni MJ. Matagal na rin kasi siyang kinukumbinsi nito lalo na’t tumulong siya noon sa pagbuo ng T&M Fashion. Ngunit ayaw na niyang maulit ang nangyari noong huling beses niyang sinunod ang gusto. It almost cost her a child. “Just think about it, babe. Maybe you and Daxon could find a workaround. Kung gusto mo, ako pa ang maghanap ng katulong o yaya para sa mga pamangkin ko. I'll find the best one. Sayang naman kasi kung itatago mo lang ‘yang marketing skills mo sa bahay,” sabi pa ni MJ. Huminga ng malalim si Reign. Naalala niyang mag-uusap sila ni Daxon pagbalik nito kinabukasan kaya pwede niyang banggitin ang tungkol sa trabahong inaalok ni MJ. “Kakausapin ko si Dax—” “Yes! You’re the best!” “Hindi pa ‘ko pumapayag kuya.” “Siguradong hindi ako matitiis ni Daxon. Malakas ako dun eh!” Humalakhak si Reign, natawa sa kayabangan ng kapatid. “Sige na. Alam kong may flight pa kayo ni Tiffany. Ingat!” Dito na nila binaba ang tawag kaya naman muling binalot ng katahimikan ang buong bahay. Nakapag-umagahan pa ang mag-asawa bago umalis si Daxon para sa biglaang flight nito papuntang Singapore. Kinabukasan pa ng umaga ang balik nito at hindi na makapaghintay pa si Reign dito. Tinawagan naman ni Reign si Mrs. Savage. Sinabihan niya itong siya na ang susundo sa mga anak na nasa eskwelahan ng mga oras na iyon. Dito niya nalamang pinabaunan na sina Summer at Sky ng tanghalian kaya hindi na niya kailangan pang magluto at magdala ng pagkain sa mga ito. Dahil dito, tulad ng bilin ni Daxon, ay nakapagpahinga pa ulit si Reign. Hapon na nang bumangon siya at nag-asikaso ng sarili. Bahagya rin siyang naglinis ng bahay bago umalis para sunduin ang mga bata. “Blooming ka ngayon, Ma’am ah!” komento ni Harold pagsakay ni Reign sa sasakyan. At totoo naman ang napansin nito. Maganda ang mood ni Reign kaya nakapag-apply siya ng light make-up. Isinuot din niya ang puting long-sleeve polo ni Daxon na ipinares niya sa denim jeans. ‘Yong ayos niya ay halos katulad lang noong unang beses silang nagkita. Mas magaan ang pakiramdam ni Reign ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. Ayon nga lang ay maisip pa lang niya ang mainit na umagang pinagsaluhan nilang mag-asawa ay parang lalagnatin na naman siya. It's been ages since they had passionate s*x without any interruptions. Kaya ganito na lang kalaking bagay ang nangyari sa kanila. Pagdating sa eskwelahan ng mga bata, napalingon kay Reign ang ibang mga magulang na susundo rin sa kanilang mga anak. Napansin din kasi nila ang kakaibang awra nito na iba sa karaniwan. “Baby!” bulalas ni Reign pagkakita pa lang kay Summer na palabas ng classroom. Nakayuko lang si Summer noong una at mukhang matamlay. Pero nang makita ang kanyang nanay ay agad nagliwanag ang kanyang mukha. Tumakbo siya palapit kay Reign at sinalubong ito ng yakap. “Mommy!” Ilang beses niyang tawag dito. Parang matutunaw ang puso ni Reign dahil sa pagmamahal ng kanyang anak sa kanya. Kahit anong pagod at bigat na dala-dala ay awtomatikong naglaho dahil dito. Hindi pa rin humihiwalay kay Reign si Summer nang makita niyang lumabas ng classroom si Sky. Ayon nga lang ay hindi tulad ni Summer, nanatili itong matamlay pagkakita sa kanya. Niyakap naman ni Reign si Sky pero wala itong reaksyon. Tahimik lang ito at para bang may malalim na iniisip. Nagkibit-balikat na lang si Reign dahil ganito naman talaga si Sky. Kaya nga kahit kambal ang dalawa, magkaibang-magkaiba sila ugali pa lang. Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa isang restaurant. Ang bilin kasi ni Daxon ay kumain na sila sa labas bago umuwi para hindi na kailanganin pa ni Reign magluto. Paminsan-minsan lang naman ito kaya ayos lang. “How’s school?” tanong ni Reign sa mga anak na magkatabing nakaupo sa harapan niya. Nakangiti si Summer sa kanya habang si Sky naman ay nakatulala lang sa plato sa kanyang harapan. Agad pinakita ni Summer ang likod ng palad niya. “Teacher gave me a star!” pagmamalaki niya. Naubo pa ito kaya pinainom agad ni Reign ng tubig. Pagkatapos ay dito niya hinaplos sa ulo ang anak. “Very good naman pala! Bibigyan ka rin ni Mommy ng star later kapag natapos na natin ang assignment mo,” sabi ni Reign at tumango agad si Summer na halatang na-excite sa sinabi ng nanay. “Are you okay na ba, Mommy? Can we come home na?” tanong pa ni Summer para makasigurado. “Daddy said you’re sick. What hurts ba, Mommy? I can kiss it for you.” Matamis na ngiti ang pinukol ni Summer sa kanya. Nangiti naman pabalik si Reign. She just felt so proud that her daughter learned to be this affectionate. “Yes, baby. Uuwi na kayo ni Sky. Mommy’s better now. Nothing hurts,” sagot ni Reign. Naisip na naman niya ang nangyari noong umaga at agad nag-init ang pisngi niya. Uminom na rin siya tuloy ng tubig. “Are you sure, Mommy? But why do you look red?” Nakakunot-noong tanong ni Summer. Nanlaki ang mga mata ni Reign. Pinagdikit niya ang labi. Hindi niya inasahang makikita agad ni Summer ang pamumula ng kanyang mukha. Kahit maliliit na bagay talaga ay napapansin nito. “Yes. Don’t worry about it, baby,” sabi pa ni Reign. Tumikhim siya bago binalingan ng tingin ang anak na lalaki. “Eh si Sky? Baby, how are you? Are you okay?” tanong niya kay Sky na kanina pa tahimik. Tumango naman si Sky, suminghot dahil sa sipon, pero walang sinabi. Binukas-sara tuloy ni Reign ang mga mata. Napaisip siya kung ayos lang ba talaga ito pero naalala niyang ganito naman talaga katahimik si Sky. Hindi niya alam kung namamana ba ang ugali dahil parang pinagbiyak na bato sina Sky at Daxon. Tumikhim si Reign at muling nagsalita. Iniba na niya ang topic para sa lahat. “We’re having a big party for your birthday next month. Tutulungan tayo ng ninang Tiffany niyo.” Lumawak ang ngiti sa labi ni Summer. Napahampas pa ito sa lamesa sa sobrang saya at excitement. “Yey! A party! I want to be a princess!” bulalas pa niya. Dito na umikot ang pag-uusap nila habang kumakain ng hapunan. Nakakain naman silang tatlo ng maayos at pagkatapos ay dumiretso na rin pauwi sa bahay. Masaya sir Reign na naiuwi na niya ang mga bata. Sa totoo lang kasi ay hindi rin siya kumportableng mahiwalay sa mga ito lalo na’t nasanay siyang araw-araw silang magkakasama. Dahil nakakain na sa labas, una nang inasikaso ni Reign ang mga bata. Pinaligo niya ang mga ito at dito niya napansin na mainit ang dalawa. Para makasigurado ay ginamitan na niya ito ng thermometer. Kaya nalaman niyang may lagnat ang mga ito. Kaya pala mukhang matamlay sina Summer at Sky noong sunduin niya sa eskwelahan. Magkakasakit pala ang mga ito. Napaisip tuloy siya kung nilalagnat ba ang mga ito dahil nabasa ng ulan tulad niya. May mga gamot naman sila sa bahay kaya pagkatapos maghilamos ay agad niyang pinainom ng gamot para sa lagnat ang mga ito at pinagpahinga ng maaga sa kwarto. “Where’s daddy?” tanong ni Sky noong patulog na sana siya. Tahimik lang siya pero siya ang unang naghanap kay Daxon. Mas malapit din kasi siya sa tatay. Hinaplos naman ni Reign ang noo nito pataas sa buhok. Mainit pa rito ito kaya may kirot siyang naramdaman sa dibdib. “Daddy’s still at work. Pero bukas uuwi na rin siya. Kaya dapat magpagaling na kayo para makapasyal tayo,” sabi ni Reign. Umaasa siyang tulad ng dati ay tumalab agad ang gamot na pinainom niya. Nang mapatulog na niya ang mga bata ay dito siya lumabas ng kwarto nila. Naupo siya sa sala at dito tinawagan si Daxon. Isang ring pa lang ay sumagot na agad ito sa kanya. Kaya tuloy napangiti siya. “Hello, baby. How are you?” bungad ni Daxon. Reign’s heart skipped a beat. She didn’t expect his voice to have such effect on her. Phone call lang ang ginawa ni Reign pero ginawang video call ni Daxon. Binuksan kasi nito ang camera ng cellphone bago ito pinatong sa phone holder sa lamesa. She was put on loud speaker. Base sa background, pansin ni Reign na nasa hotel ang asawa. Gabi rin kasi roon. Pero as usual, nakaharap pa rin ito sa screen ng laptop at mukhang nagtatrabaho pa kahit gabi na. “I feel better now. Nasundo ko na rin sina Summer at Sky—” "That's good to know, but remember how I asked you not to clean the house?” Pinagdikit ni Reign ang labi niya. Naalala siya ang bilin ng asawa pero hindi sinunod. “Ayaw kong mabinat ka. Why didn't you listen?" dagdag pa ni Daxon na ikinagulat niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ng asawa ang kanyang ginawa. Inilibot ni Reign ang mga mata sa sala at dito may napansing kakaiba sa isang sulok. “Did you install security cameras inside our house?” Naningkit ang mga mata ni Reign. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Daxon sa screen ng laptop at sa cellphone niya. Halatang guilty siya sa tanong ni Reign. "Well, after what happened to you, I made sure to install one in the living room, our bedroom, and the kids' room," pag-amin niya at dito lalong nanlaki ang mga mata ni Reign nang maalala ang nangyari sa kanila noong umaga! “That means you recorded us doing it?!” Nakita ni Reign na kitang-kita ang sala nila sa posisyon ng camera. Daxon noticed Reign’s quick flashback and knew that she was remembering every position they had tried. Tuloy ay niluwagan niya ang necktie na suot. Tumingin siya sa screen ng phone nang magsalita. “It wasn’t intentional. But rest assured I deleted it.” “Deleted it… right away?” Nagtaas ng isang kilay si Reign. Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng isang dulo ng labi ni Daxon bago nito hinawakan ang labi. “After I watched it a few times.” Kumindat si Daxon ng pilyo. Bumilog naman ang bibig ni Reign. Agad uminit ang buong mukha. Hindi siya makapaniwalang nakagawa na sila ng entry para sa isang p*rn site nang ‘di niya alam! Dahil natahimik si Reign. Nag-alala naman si Daxon kaagad. Naisip niyang baka nabastos niya ang asawa. “Sorry, baby—I just—” “I want to watch it too!” Napahalakhak si Daxon. Hindi niya inasahang ito ang magiging reaksyon ng asawa. “I was… actually… I lied.” Isinapo ni Daxon ang isang kamay sa mukha at napailing. Muli niyang tiningnan si Reign pagkatapos. “I was just about to delete it. But we could watch it—” “Uhm, Sir Daxon, I’m sorry but you’re not on mute.” Namutla si Daxon nang marinig ang boses ng isa sa mga empleyado niya. Napatakip naman ng bibig si Reign nang mapagtanto ang nangyari. Galing ‘yong boses sa laptop ni Daxon. Hindi sinabi ng asawa niya na nasa kalagitnaan pala ito ng virtual meeting! Daxon cleared his throat. “I’m sorry. Please continue,” sabi niya bago siniguradong naka-mute na siya sa pagkakataong ito. Nanatili pa ring naka-off ang camera niya. Napatakbo tuloy si Reign sa master’s bedroom at dito humagalpak ng tawa. Baka kasi magising pa niya ang mga natutulog na bata. “Oh my God, Philip Daxon Savage! Nakakahiya ka!” tawang-tawa si Reign dahil pulang-pula ngayon ang mukha ni Daxon. Sinusubukan nitong maging seryoso pero umaangat ang magkabilang dulo ng labi habang umiiling. Napainom pa tuloy ito ng tubig. “Damn! That was so embarrassing,” nasabi na lang ni Daxon maya-maya at pagkatapos ay bumuntong-hininga. Nangingiti siya habang pinapanuod ang pagpunas ni Reign sa gilid ng mga mata nito. Naiyak na kasi ito kakatawa. “Do you have anything else to tell me?” tanong pa ni Daxon. “Mukhang kailangan ko nang bumalik sa meeting bago pa nila mahalatang wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila,” he chuckled. Umiling naman si Reign. “Sige na. Nakakaabala na ‘ko. I love you!” At dito na natapos ang tawag. Ayon lang ay nang mawala na si Daxon sa kabilang linya, naalala ni Reign ang dahilan ng pagtawag niya. Sasabihin sana niya ang tungkol sa sakit ng mga bata. Naisip niyang i-chat na lang ito kay Daxon pero nagbago ang isip niya. Tingin niya kasi’y mag-aalala lang ito. Daxon was in Singapore and he wouldn’t be able to do anything about their children’s health. Nangyari na rin naman ito noon at gumaling ang mga bata dahil naagapan ng gamot. Naisip niyang baka ganuon lang din ang mangyari ngayon. At dahil gusto ni Reign ma-monitor ang lagay ng mga bata, tulad din ng lagi niyang ginagawa, imbes na matulog sa master’s bedroom ay minabuti niyang matulog sa kwarto ng mga ito. Ayon nga lang ay hindi rin siya pinatulog ng pag-ubo at pagsinghot ng mga ito. Bilang nanay ay ayaw na ayaw ni Reign na nagkakasakit ang mga anak niya. Mas mabuti pang siya ang magkasakit kaysa ang mga ito. At dahil dito, hindi siya mapakali. Minu-minuto ay tinitingnan niya kung bumaba na ba ang lagnat ng mga ito. Ngunit taas-baba ang lagnat nina Sky at Summer kaya kinabahan na siya. Noong halos umabot na ng 40C ang lagnat ni Sky ay dito na siya naalarma. Gumising din kasi ito at naiiyak na yumakap sa kanya. Sky refuses to show any emotion kaya ngayong nagkakaganito ito, alam ni Reign na sobrang sama talaga ng pakiramdam nito. Dahil dito’y nagdesisyon si Reign na itakbo na sa ospital ang mga bata sa kalagitnaan ng gabi. Tumawag na lang siya ng taxi at sinugod ang mga ito sa ospital kung saan din siya isinugod noon dahil ito ang pinakamalapit na unang pumasok sa isip niya. Pagdating sa ospital, karga niya si Sky at naglalakad naman si Summer habang hawak niya. Pero dahil nanghihina rin si Summer ay nagsimula itong umiyak. Napilitan si Reign buhatin ang dalawa kahit hirap siya. Hindi kasi nakisama ang sakit ng kanyang balakang sa sitwasyon. Nagdadasal na lang si Reign sa loob-loob niya. Nagdasal siyang kayanin niya hanggang sa mapagamot ang mga bata. Nang makapasok sa loob ng ospital, dito’y saktong nakasalubong niya ang taong ‘di niya inaasahang makikita pang muli. “Reign?” tanong ni Dexter. “Hi! Sorry, I can’t talk right now,” Reign immediately dismissed him. Naghahabol kasi siya ng hininga, hindi malaman kung saan unang pupunta dala ang mga anak. Nakita naman ito ni Dexter kaya agad niyang kinuha si Sky. “Let me help you,” sabi niya. Kukuhanin din sana niya si Summer pero kinarga na ito ng maayos ni Reign. “Salamat!” mangiyak-ngiyak na saad ni Reign. Saktong may dumaang nurse at tinawag ito ni Dexter para tulungan sila. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ramdam ni Reign ang matinding takot dahil ngayon lang ito nangyari sa mga anak. Kaya kung hindi dahil sa tulong ni Dexter, malamang ay nawala na siya sa sarili. Nang matingnan na sina Sky at Summer at madala sa isang kwarto, dito kahit papaano nakahinga si Reign. Inoobserbahan pa ng doctor ang mga bata at may mga tests pang gagawin para malaman ang sanhi ng mataas na lagnat ng mga ito. Naupo muna sa labas ng kwarto si Reign. Inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha bago napasabunot sa buhok. Nagsisisi siya dahil mukhang seryosong bagay pala ang nangyari sa mga anak pero hindi niya agad binigyang pansin. Sinarili rin niya ito. She thought she had it under control, and now she realized she was wrong. Pakiramdam niya tuloy ay pumalpak siya bilang ina ng mga anak niya. Natigilan si Reign sa pag-iisip nang makita niyang may bottled water sa harapan niya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang si Dexter pala ang nag-aabot nito. Akala niya’y umalis na ito pagkatapos silang tulungan. “Thank you,” sabi ni Reign sabay kuha sa tubig. Bukas na ang takip nito kaya uminom na siya kaagad. “Nag-panic ako ng sobra kanina. Kung hindi dahil sa ‘yo hindi ko alam ang gagawin. Thank you talaga,” sabi pa niya kay Dexter. “You’re welcome. Normal lang naman na mataranta ka. Ibig sabihin, mahal na mahal mo ang mga anak mo. Ganuon sila kahalaga sa ‘yo,” sabi ni Dexter na kahit papaano ay nagpagaan ng loob niya. “Bakit pala mag-isa ka na naman? Nasaan ang asawa mo?” “I’m sorry for what he said to you yesterday,” sabi ni Reign dahil naalala niya ang hindi magandang engkwentro ng dalawa. “Nasa trabaho siya ngayon. He’s a busy man.” "He may be a busy man, but being a father and a husband should always come first," mariing balik ni Dexter. Hindi niya alam kung anong setup ng mag-asawa pero naiinis siya dahil sa kayabangan ni Daxon gayong hindi naman nito kayang mapanindigan ang papel sa buhay ni Reign. Alam naman ni Reign ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang bagay na ito ay hindi na niya dapat pang sabihin sa taong labas sa relasyon nila. Kaya rito na niya iniba ang topic. “Bakit pala nandito ka na naman sa ospital? Don’t tell me may nabangga ka na naman,” biro ni Reign na nagpangiti kay Dexter. “Well, fortunately, that’s not the case,” sabi ni Dexter. “Pinuntahan ko lang ‘yung mga kapatid ko.” “Nasa ospital sila? Anong sakit?” Nag-alala naman si Reign. Naisip niyang pasyente sa ospital ang mga kapatid ni Dexter. Magsasalita pa lang si Dexter nang may tumawag sa kanya. Napatingin sila ni Reign sa hallway. “Dexter! Akala ko umuwi ka na?” tanong ng babaeng malaki ang pagkakahawig kay Dexter. Kayumanggi ito at matangkad. Posibleng isali sa mga beauty pageant at maging representative ng Pilipinas. Ayon lang ay nakasuot ito ng white coat. “That’s one of them.” Bumilog naman ang bibig ni Reign. “Doktor ang mga kapatid mo?” “Oo. Pati mga magulang namin. Ako lang ang nalihis ng landas.” Natawa si Dexter sa sarili. "I used to have a regular job, but now I run my own digital marketing agency. It's not as heroic as saving lives, but at least I can use my skills to show people why important things matter through ads," dagdag pa ni Dexter na akala niya’y boring pakinggan pero dito nagsimulang maging interesado si Reign sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD