NAUNA pang nagising si Reign kaysa sa alarm ng kanyang cellphone. Hindi na naman kasi siya nakatulog nang maayos dahil sa paulit-ulit na panaginip.
It was a strange dream. She was running fast but was not moving out of place no matter how hard she tried. She felt trapped. Tired and stuck.
Pagbangon ni Reign, inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at huminga nang malalim. Sandali niyang tiningnan ang kanyang mag-ama na mahimbing pa ring natutulog. Bahagyang umangat ang isang dulo ng kanyang labi nang makitang pareho na naman ang pusisyon nang pagtulog ng dalawa. Nakadapa, nakaangat ang isang binti, at ang ulo’y namamahinga sa braso imbes na sa unan.
It will always be a delightful sight for her no matter how many times she had seen it.
Dahan-dahan siyang tumayo. Naging maingat sa pagkilos upang hindi magising ang dalawa. At paglabas ng kwarto ay dumiretso siya sa isa pang silid kung saan nakumpirma niyang mahimbing ding natutulog si Sky, kambal ni Summer.
Sunod na nagpunta si Regn sa kusina. Dito’y agad siyang uminom ng tubig.
Panaginip lang naman ang pagtakbo niya kaya hindi niya malaman kung bakit pinagpawisan siya. Pakiramdam niya’y pagod na pagod siya kahit kung tutuusin ay hindi pa nagsisimula ang kanyang araw.
Pagkainom ng tubig ay bahagyang sinuyod ng kanyang mga mata ang paligid ng kanilang bahay. Kakasikat pa lang ng araw kaya hindi pa ganuon kaliwanag. Sobrang payapa dahil tulog pa ang kanyang mga anak.
Ang tanging naririnig niya ang mabigat niyang paghinga. Ramdam niya maging ang bilis ng t***k ng kanyang puso.
It’s the few minutes of calmness in the morning that keeps her sane the whole day.
Kaya naman sandali siyang naupo sa kusina; tumitig sa kawalan; at hinayaang yakapin ang kanyang pagkatao ng katahimikan.
Hindi namalayan ni Reign ang oras kaya naman medyo nagulat siya sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto nila. Dito’y lumabas si Daxon. Mabilis nagtagpo ang mga mata nila nang mapatingin sa direksyon ng isa’t isa.
“Good morning… kagigising mo lang?” malumanay ang boses ni Daxon. Naalimpungatan siya at napabangon agad nang makitang wala na sa higaan si Reign. May kaba sa dibdib niya na hindi maipaliwanag. At ngayong nakita na niya ang asawa ay unti-unti na siyang kumalma.
Napatingin naman si Reign sa orasan sa pader at napagtantong halos isang oras na pala siyang nakaupo. She realized that she shouldn’t be sitting around. Sa mga oras na ito ay dapat nag-aasikaso na siya dahil unang araw ng kanilang kambal sa elementarya. May pasok pa at importanteng meeting sa umaga si Daxon.
“Ah medyo lang,” simpleng tugon ni Reign paglapit sa kanya ni Daxon. Hahawakan sana siya nito nang tumayo na siya at nagbukas ng ref. Kumuha na siya ng mga sangkap na kailangan niya para makapagluto ng breakfast.
“Okay ka lang ba?” tanong pa ni Daxon.
At ang pinakamadaling sagot ang ibinigay ni Reign habang blanko ang mukha. “Okay lang.”
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila habang si Reign ay patuloy pa rin sa pagkilos. Nagsimula na siyang magluto at walang segundong sinayang. Samantalang sandali siyang pinagmasdan ni Daxon.
His eyes were full of longing and concern. He hoped to understand how his wife’s mind works, but even after many years of being together, she’s still difficult and hard to read at times. Ilang minuto rin ang lumipas bago nagdesisyon si Daxon mag-asikaso ng sarili para hindi mahuli sa trabaho.
‘Yong dating hindi kumikilos sa kanilang bahay, ngayon ay may alam na sa pagluluto, paghuhugas, at paglilinis ng bahay. Ito ang mga bagay na natutunan ni Reign simula nang naging full-time housewife na siya. Inaral niya talaga ang mga ito dahil tingin niya’y ito ang paraan para magampanan niya nang maayos ang pagiging ilaw ng tahanan.
Dahil allergic ang kambal sa itlog ay wala nang makikitang kahit isang itlog sa bahay nila. Para makasigurado ay iniiwasan din nila ang manok. Ganito sila kaingat pagdating sa mga bata.
Kaya naman nagprito lang ng bacon strips at longganisa si Reign ngayong umaga. Gumawa rin siya ng pancakes. At kahit nagsaing na siya, nag-toast pa siya ng tinapay para may mapagpilian si Daxon sakaling ayaw nitong magkanin. Habang naghihintay maluto ang lahat ay nag-set na si Reign ng lamesa.
Tumingin ulit si Reign sa wall clock at nadismaya nang mapansing mabilis na naman ang takbo ng oras. Saktong lumabas ng banyo ang bagong ligong asawa niya.
“Pakigising na sina Summer at Sky,” pahabol ni Reign habang nakatalikod kay Daxon. Narinig na lang niya ang pagpasok nito sa kanilang kwarto.
Ginawa naman ni Daxon ang utos ng asawa. Pagpasok niya sa kwarto ay una niyang ginising si Summer.
“Baby, you have to wake up now if you don’t want to be late for school,” malambing na pagkakasabi ni Daxon sa anak habang marahang hinahaplos ang mukha nito. Nilapitan niya ito, hinalikan sa noo, at isinukbit sa tainga ang takas na buhok.
Hindi umimik si Summer. Nagpipigil ng tawa si Daxon dahil nakita na niyang nakabukas ang mga mata ni Summer pagpasok niya pero ngayon ay nagpapanggap pa rin itong nakapikit. Makikitang gumagalaw pa ang talukap ng mga mata nito.
“Alam ko may ice cream daw mamayang gabi kapag bumangon na ngayon,” panunukso niya sa anak dahil alam niyang ito ang paborito at kahinaan nito.
At mukhang tama nga ang taktika ni Daxon dahil nang marinig ni Summer ang salitang ice cream ay agad itong bumangon at naupo sa kama. Kinusot-kusot nito ang mga mata bago tuluyang dumilat. Dito ay binati si Daxon ng kulay tsokolateng mga mata nito.
“Good morning, baby,” bati ni Daxon at ibinalik din ni Summer ang kaparehong pagbati.
Tuluyan nang bumangon at tumayo si Summer katulad ng gusto ng kanyang tatay. Ngumiti pa siya kaya nakita ang lubog sa magkabilang dulo ng kanyang labi.
Sa loob-loob ni Daxon ay natutuwa siyang makitang namana ng anak ang natural na ganda ng nanay nito.
Summer is a spitting image of Reign.
Kaya lang ay namana rin yata ni Summer ang katigasan ng ulo ni Reign. Imbes kasi na dumiretso sa hapagkainan, paglabas ng kwarto ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kwarto nilang magkapatid. Nahiga siya sa kamang ‘di niya tinulugan noong nagdaang gabi at muling bumalik sa pagtulog. Sa kanila ni Sky ay siya talaga ang walang interes pumasok sa eskwela kaya ganito na lang ang pagtakas niya.
Naihanda naman na ni Reign lahat ng pagkain sa lamesa. Inaayos na lang niya ang baon pang recess ng mga anak nang mapansin niyang wala pa ring nakaupo sa hapagkainan. Nakapagtataka dahil ilang minuto na ang nakalipas mula nang ipatawag niya ang mga anak sa asawa. Kung hindi sila magmamadali ay mahuhuli sila sa klase at sa trabaho lalo na’t Lunes na Lunes. Posibleng ma-traffic sila sa daan.
Tuloy ay huminto muna si Reign sa ginagawa sa kusina at nagpunta sa kanilang kwarto para silipin ang kanyang mag-ama.
“Si Summer nasaan—”
She stopped mid-sentence when she saw her husband’s pointing finger pressed to his lips. Pinagdikit niya ang labi nang mapagtanto kung bakit siya pinatahimik ni Daxon. Nakatapat kasi sa tainga nito ang cellphone na hawak.
“Yes, Mr. Johansson. That’s a possibility,” sabi ni Daxon sa kausap sa kabilang linya. Dahil investor ang kausap, palagay ni Reign ay work-related ang tawag na ito.
Kaya naman hindi na nagsalita pa si Reign. Hinayaan na lang niya ang pakikipag-usap ng asawa kay Mr. Johansson. Samantalang tiningnan niya ang kama nila at nagtaka dahil wala na rito ang anak na babae. Aalis na sana siya nang mapatingin pa siya ulit kay Daxon habang abala ito sa kausap.
Kakasuot lang nito ng puting polo. ‘Ni hindi pa nga niya ito nabubutones pero naka-on na agad ang work mode nito. Nang magtagpo ang mga mata nila, inangat ni Daxon ang dalawang kilay para malaman kung may kailangan ba siya.
Imbes na magsalita ay tahimik na nilapitan ni Reign ang asawa. Inisa-isa niya ang pagbutones sa polo ni Daxon at tahimik na pinagmasdan ang malapad at matikas na dibdib nito.
“We’re actually planning to expand now that we’ve partnered with Valderrama Corporation,” sagot ni Daxon nang tanungin ni Mr. Johansson kung ano ang mga plano nila sa darating na taon lalo na’t matagal na nila itong investor.
Kahit abala sa kausap, hindi naman napigilan ni Daxon mapatingin kay Reign na kaharap lang niya ngayon. Pinagmasdan niya ang bawat detalye ng mukha nito habang ramdam ang pagtama ng likod ng palad nito sa kanyang dibdib. Madali nitong napabilis ang pintig ng kanyang puso.
He yearns for her. Every detail of her beauty, every touch of their skin, makes his heart flutter. Unexplainable. Unquestionable.
Pagkatapos mabutones ang polo, kinuha ni Reign ang necktie ni Daxon na nakapatong sa paanan ng kama. Siya na rin ang nagsuot nito sa asawa dahil mukhang wala na itong natitirang oras para gawin pa ito.
Nang mahigpitan na ni Reign ang necktie ni Daxon at nasiguradong maayos ang pagkakasuot nito katulad ng ilang beses niyang pagsasanay, nag-angat siya ng tingin. Dito nagtagpo ang mga mata nila ng kanyang asawa. They wavered. Her heart pounded. Sa sobrang lapit ng kanilang mukha sa isa’t isa ay halos magkapalit sila.
May kausap pa si Daxon ngunit nawala rito ang kanyang atensyon, lahat ay napunta sa kanyang asawa. Hinawakan niya sa beywang si Reign at sinakop ang labi nito. Ginawaran niya ito nang marahan at mapanuyong halik, hindi man kasing pusok ng nagdaang gabi. Nanlambot ang mga tuhod ni Reign dahil dito. Tila nagising ang buong sistema niya.
It was the proper good morning Daxon could have given Reign that morning if only she had spared him a minute.
Nang maghiwalay ang kanilang labi ay kapwa silang nangiti sa isa’t isa. Kinagat ni Reign ang kanyang ibabang labi.
“Yes, pardon?” tanong ni Daxon sa kausap. Nagtakip naman ng bibig si Reign para pigilan ang pagtawa.
Dahil sa pagiging pilyo ay hindi na narinig ni Daxon kung ano mang sinabi ng kausap sa kabilang linya. Tinapik siya ni Reign sa dibdib at nailing na lang bago siya talikuran.
It was a moment like this that keeps their marriage together. The little details. The small flutters. But what lies behind their little mischievous acts is yet to be discovered.