“SUMMER hates school,” sumbong ni Sky sa kanyang mga magulang habang sabay-sabay silang nag-uumagahan.
“Kuya Sky!” reklamo ni Summer dahil sa pambubuko ng kapatid. Nabanggit niya kasi rito kagabi na ayaw niyang pumasok. Kaya rin siya nagpunta sa kwarto ng kanilang mga magulang. Magdadahilan sana siyang masakit ang ngipin para hindi makapasok pero nakatulugan na niya ito. Iniisip sana niyang gawin ito ngayong umaga ngunit naunahan naman siya ni Sky.
“She doesn’t want to go to school,” dagdag pa ni Sky na para bang ‘di pa malinaw ang una niyang sinabi. Seryoso lang ang mukha niya pag-inom ng gatas.
Humalukipkip naman si Summer at sumibangot. “Who wants to go to school, anyway?”
“Ako. I want to learn new things. I want to be smart,” sagot agad ni Sky.
Wala nang iba pang nasabi si Summer dahil totoo namang ayaw niya sa eskwelahan. Para kay Summer, school is a place that separates her from her family. Kung pwede lang ay mas gusto niya sa bahay, kasama ang kanyang nanay, tatay… at pwede na rin pati si Sky kahit madalas silang ‘di magkasundo.
Nagkatinginan naman sina Daxon at Reign pagkatapos panuorin ang pagtatalo ng magkapatid. Pinipigilan nilang matawa dahil nakikita nila kay Sky ang pagsusungit ni Daxon at kay Summer naman ang kakulitan ni Reign. Hirap tuloy silang seryosohin ang dalawang anak lalo na’t sobrang cute ng mga ito at masarap pang ibulsa.
“Summer… totoo ba ang sinabi ng Kuya mo?” malumanay ang boses ni Reign nang tanungin ang anak. Kakaligo lang ni Summer kaya pagkatapos punasan ay sinusuklayan niya ang buhok nito habang pinapakain. Kailangan na niyang mag-multitask dahil kung hindi’y male-late ang mga bata sa unang araw nila sa eskwela.
Katulad ni Reign ay sobrang dali ring mabasa ni Summer. Hindi rin ito sanay magsinungaling kaya naman dahan-dahan itong tumango bilang sagot sa tanong niya. Nagkatinginan ulit sina Daxon at Reign dahil dito.
At para bang may telephatic ability ang dalawa, nagkaintindihan silang si Reign ang bahala kay Summer at si Daxon naman ang kay Sky.
“Ayos na ba ang gamit mo, Sky?” tanong ni Daxon. Inabutan niya ng glass of water ang anak nang makitang ubos na nito ang laman ng plato at mukhang tapos nang kumain tulad niya.
“Opo. Okay na po,” sagot naman ni Sky.
Tumango naman si Daxon at tumikhim pagkatapos. Dito na agad natapos ang usapan ng mag-ama. Wala na kasi silang kailangang gawin dahil pareho na silang tapos kumain at nakahandang pumasok. Pareho rin silang kontento sa katahimikan.
Tipid namang ngumiti si Reign kay Summer. “Bakit ayaw mong pumasok, baby? Marami kang pwedeng maging friends sa school!” Hinarap niya ang anak sa kanya at siniguradong perpekto ang pagkaka-braid niya sa buhok nito. “Ang ganda-ganda naman ng baby namin.”
“’Di po ba pwedeng kayo na lang ni Daddy ang friends ko, Mommy?” tanong din ang ibinalik ni Summer.
Naalala tuloy ni Reign ang sarili sa anak. Hindi siya ganito kabata noon pero tandang-tanda pa rin niya noong mga panahong ayaw niyang makisalamuha sa ibang tao bukod sa kanyang pamilya. Takot siyang masaktan at ma-disappoint kaya hindi niya magawang magtiwala at mapalapit sa ibang tao – kaya sinarado niya ang mundo niya.
But Summer is too young for that.
And if there’s one thing that Reign learned after everything that happened in her life… a learning that she would want her kids to perceive as well, that would be to have faith in people despite the risks. Tingin niya kasi ay dito sila matututo. Dito nila malalaman kung hanggang saan ang limitasyon nila, kung ano ang boundaries na kailangan nilang i-set sa sarili at ibang tao. Dito rin sila magiging matatag sa pagharap sa totoong mundo.
She doesn’t want her kids to stay in their comfort zones. She wants them to go out, face and overcome whatever scares them.
Hinawakan ni Reign sa braso ang anak at marahang iginiya papalapit sa kanya. Niyakap niya ito at marahang hinimas ang likod.
“We are your friends baby… but it’s also nice to have other friends your age. You can play with them, eat snacks… pwede mo rin silang dalhin dito para maging friends namin ng Daddy mo,” paliwanag ni Reign.
“Do you also have other friends?”
“Oo naman! Ang Tita Bobbie mo, Tito Migz, Tita Tiffany, Tita Quinn, Tita June, Tita Sunny, Tita Iaree, at marami pang iba!” Natawa si Reign sa sarili dahil halos maubusan siya ng hangin nang isa-isahin ang lahat ng kaibigang mayroon siya. Kahit siya ay hindi makapaniwalang ganito na pala karami ang mga kaibigan niya ngayon. At lahat sila, may importanteng lugar sa buhay niya.
She started with nothing, and now has everything.
“But Mommy… I’d rather stay at home. I just want to spend more time with you and Daddy.” Nakanguso si Summer nang magsalita. Sinusubukan pa rin niyang makatakas sa pagpasok.
Nakita rin ni Daxon ang nangyayari sa kanyang mag-ina. Ngunit may tumawag sa kanyang cellphone, importante dahil sekretarya niya ito, kaya kinailangan niyang bumalik sa master’s bedroom para sagutin ang tawag.
“But your Daddy’s not even here when you’re at school. I’m the only one at home, baby,” Reign was still trying her best to convince her daughter to go to school. Nag-aalala na siya sa oras na kinokonsumo nila.
“I know… that’s why I want to be here… I don’t want you to be alone.”
May kirot sa puso ang narinig ni Reign sa anak. Kaya naman hinigit niya ang hininga at hindi nakapagsalita. Hindi siya makapaniwalang sa murang edad ay ganito na magsalita si Summer, to think that she thought Sky was the mature one at madalas niyang makalimutang magkaedad ang dalawa.
“I don’t want you to be sad, Mommy,” sabi pa ni Summer at mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Tuloy ay parang pinipiga ang puso niya ngayon.
“Baby, I’m okay. I’m not sad.” Mabuti at magkayakap pa rin sila at ang kaharap ni Reign ngayon ay lababo. Even though her voice was shaking, no one could see the tears building up in her eyes.
“Summer, ‘wag mo nang pahirapan ang Mommy mo. You have to go to school like your Kuya Sky,” may awtoridad na saad ni Daxon paglabas na paglabas ng kwarto.
Dahil dito’y naputol ang pag-uusap ng mag-ina. Huminga nang malalim si Reign bago humiwalay sa anak. Ngumiti siya kay Summer na para bang walang nangyari ngayon lang. Sinigurado niyang maayos ang itsura ng anak.
“I’m okay, baby. You don’t have to worry about, Mommy. I want you to go to school, learn something new, and have fun with your other friends. Kapag naging good girl ka sa school, I promise we’ll go to the amusement park this weekend.”
Nagliwanag ang mukha ni Summer dahil sa sinabi ni Reign. Matagal na kasi niyang inuungot ang pagpunta sa amusement park pero palaging hindi natutuloy at naisasantabi dahil sa ibang bagay.
Dahil sa sinabi ni Reign ay nakumbinsi na si Summer pumasok sa eskwela. Nagmadali naman si Reign sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Iniwan na muna niya ang mga hugasin sa lababo dahil kailangan na nilang umalis.
Nakita naman ni Reign na nasa sala na ang mga anak niya at si Daxon. Nakahanda na sila at siya na lang ang hinihintay.
Tatanungin sana ni Reign si Daxon kung may oras pa ba para makapag-ayos siya ng sarili. Pero nalaman na niya ang sagot nang may tumawag na naman dito. Nagsimula kasi itong magbigay ng instruction sa sekretarya nitong aligaga na dahil sa pagdating ng board members sa conference room para sa kanilang meeting.
Kung tutuusin ay pwede naman talagang mauna nang umalis si Daxon.Kaya naman ni Reign ihatid ang dalawang anak sa eskwela dahil malapit lang ito sa kanila.
But Daxon wants to be there for his kids. Kahit nagkakaproblema kung minsan dahil may conflict sa kanilang schedule, ginagawa niya ang lahat para maisabay sa pagpasok ang mga bata.
And today was no exception. Lalo na’t first day nina Summer at Sky sa Grade 1.
Dahil nagmamadali na, nagpalit na lang ng damit si Reign at hindi na nag-abalang mag-ayos ng sarili. Ilang minuto lang din naman siya sa labas kaya tingin niya’y sayang lang kung mag-aabala pa siyang maglagay ng make-up.
“Naks! Iba si Ma’am, natural beauty!” Ito tuloy ang bungad sa kanya ni Harold, driver ni Daxon simula pa noong nakatira ito sa mansyon ng mga Savage.
Reign just laughed it off. She didn’t know if she should consider what he said as compliment or insult. Pero talagang masyadong maligalig si Harold at kumportable na sa kanilang pamilya.
Mabuti na lang at sanay na sanay sa pagmamaneho si Harold. Kaya naman kahit dapat ay male-late na ang mga bata sa eskwela, nagawa nilang makarating sa oras.
Unang bumaba ng sasakyan si Reign. Kasunod niya sina Summer at Sky. At dapat bababa na rin si Daxon nang isarado agad ni Reign ang pinto at humarang siya sa harapan nito. Tuloy ay ibinaba ni Daxon ang bintana ng kotse. Takang-taka sa ginawa ng kanyang asawa.
Napansin kasi ni Reign na panay ang tingin ni Daxon sa oras buong byahe nila. Ramdam niya ang pagmamadali nito kaya alam niyang hindi na nito kayang samahan siya sa loob ng eskwelahan para ihatid ang mga bata katulad ng una nilang naplano.
Hindi naman na bago kay Reign ang tagpong ito. Simula nang hayaan niyang bumalik ulit si Daxon bilang CEO ng Savage Enterprises, pakiramdam niyaý para siyang humukay ng sariling libingan.
Work used to be Daxon’s life. And now work is his life again.
But she knows he’s trying his best to balance everything. Nakikita naman niya ito sa araw-araw. And as his partner, wife, and the mother of his kids, she’s also trying her best to help him. She’s always there to support him and his dreams.
“Ako nang bahala sa mga bata,” sabi ni Reign kay Daxon sa bukas na bintana.
Nagulat naman si Daxon. “Pero gusto ko silang makitang pumasok sa unang araw nila…”
Lumiwanag ang screen ng phone ni Daxon. Tumatawag na naman ang sekretarya nito.
“Pero kailangan mo na ring umalis kasi kailangan ka ng kumpanya niyo,” balik ni Reign.
Bumuntong-hininga si Daxon dahil alam niyang tama si Reign. They have an important deal to close that day and he couldn’t risk another second.
“We’ll be fine. ‘Wag kang mag-alala. Ako nang bahala sa mga bata,” sabi pa ni Reign para makampante si Daxon. She knows Daxon hates choosing other things over their children. If possible, he wants to prioritize them all the time.
Pumikit nang mariin si Daxon, inihilamos niya ang isang kamay sa mukha bago muling tiningnan si Reign.
“Okay… please send me pictures,” bilin pa ni Daxon habang parang maiiyak kaya tuloy natawa si Reign sa asawa.
“Oo naman. Video pa,” Reign chuckled. “Kaya sige na, baka umalis na ang mga ka-meeting mo.”
Daxon’s heart just melted. Ito lang ang isa sa napakaraming beses na pakiramdam ni Daxon ay sobrang swerte niya sa asawa.
“Harold, sandali lang,” sabi ni Daxon at alam na agad ni Harold ang dapat gawin. Agad itong bumaba ng sasakyan at nilapitan sina Summer at Sky. Itinalikod nito ang mga bata sa mag-asawa.
Daxon leaned forward. He grabbed her by the neck and kissed her passionately on the lips. It was brief but sweet. Just enough to make her yearn for more.
But clock was ticking. Time just won’t stop. It hadn’t stopped for a long time. At least, for Reign.
Bumalik na si Harold sa loob ng sasakyan. Nakahanda nang umalis.
“Thank you, baby. I love you. I’ll make it up to you…,” sabi ni Daxon. At sasagot pa lang sana si Reign sa kanyang asawa nang sabihan na nito si Harold na pwede na silang umalis. Kaya naman kumaway na lang siya rito katulad ng mga bata.
“Bye, Daddy!”
Tipid siyang ngumiti at yumuko pagkatapos. Sa magkabilang gilid niya’y hawak-hawak niya ang kamay ng dalawang anak.
“Ready na kayo?” masayang tanong ni Reign.
“Yes po,” sagot ni Sky. Samantalang tahimik lang si Summer.
Huminga naman nang malalim si Reign at sabay-sabay na silang naglakad papasok ng eskwela.
Mabuti na nga lang at hindi na nagpasaway pa si Summer. Nakinig ito kay Reign at pumasok sa loob ng classroom katulad ni Sky. Binilinan naman ni Reign si Sky na alagaan ang kapatid.
Nagbilin din si Reign kay Ms. Charlotte, Grade 1 adviser ng kanyang mga anak.
At katulad ng kanyang ipinangako, Reign took photos of Summer and Sky inside the classroom and sent them to Daxon right away. Sinamahan na rin niya ito ng video kung saan nasaktuhan niyang may batang babaeng lumapit kay Summer. Reign was super excited for her daughter when she saw it. Pakiramdam niya ay nakuhanan niya sa camera ang first meeting ni Summer at ng posibleng maging best friend nito.
On the other hand, she took a video of Sky and was giggling behind the camera. Paano’y pagkaupong-pagkaupo pa lang ng anak ay para bang takot na agad ang ibang tao lapitan ito dahil mukhang masungit. Naalala niya si Daxon at una nilang pagkikita. Daxon made everyone cry.
Hinintay muna ni Reign magsimula ang klase ng mga anak bago siya nagdesisyong umuwi na para makapagligpit sa bahay.
Pagka-send ng lahat ng pictures at videos kay Daxon, napangiti siya nang makitang na-seen agad ito ni Daxon kahit alam niyang may importanteng meeting ito.
Saktong nakatanggap naman siya ng text message galing kay Kuya MJ. Agad naglaho ang ngiti sa labi niya nang mabasa ito. Kinukumbinsi pa rin kasi siya ng kapatid magpunta sa Batangas para mag-judge.
And she wants to, but can’t.