ISANG malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Reign pagpasok sa loob ng kanilang bahay.
Paano’y bumungad sa kanya ang mga nagkalat na gamit at damit sa paligid. Hindi na nila ito naiayos pa bago umalis dahil sa pagmamadali.
At dahil alam ni Reign na wala namang ibang mag-aayos sa kanilang bahay bukod sa kanya, bagsak-balikat niyang iniligpit ang kanilang mga gamit.
Pinulot din niya ang mga damit at inilagay sa laundry basket. Nagulat pa siya nang makitang umaapaw na ito. Sinubukan niyang alalahanin kung kailan ba siya huling naglaba at bakit puno na naman ito.
Dumiretso si Reign sa kusina at uminom muna ng tubig. Dito niya sinilip ang laman ng kanilang refrigerator. Sa unang tingin ay parang puno pa ito. Ngunit kapag inisa-isa ang laman ay halos puro mga natirang pagkain ang makikita rito – itinabi para sana kainin hanggang sa lumipas ang mga araw at nakalimutan na.
Kaya rin pala nilagay ni Daxon sa ice cream container ang isdang nabili nila. Lahat ng storage organizers nila ay may laman pa. Karamihan dito ay matagal na noong nabili pero nandito pa rin. Hindi pa nagagalaw dahil madalas walang ganang magluto si Reign. Ang sabi ni Daxon ay siya na ang maglilinis at mag-aayos ng ref noong weekend pero hindi na niya ito naasikaso pa.
“Sabi ko nga, ako na rin ang gagawa nito…” bulong ni Reign sa sarili.
At alam niyang panibagong araw na talaga ito dahil pagharap niya sa lababo, panibagong tambak na naman ng hugasin ang kailangan niyang hugasan.
Hindi naman ito ang unang beses na nakita niya ang lahat ng ito kaya ‘di niya alam kung bakit parang hapong-hapo siya ngayong araw. Bumuntong-hininga pa siya nang maisip na ‘di pa siya nakakasilip sa mga kwarto. Paniguradong may mga kailangan pa siyang ayusin dito.
Kung pwede lang na sa isang pitik maging malinis na ang lahat ng ito, magiging masaya talaga si Reign.
Magsisimula na sanang maghugas si Reign nang may naisip siyang mas magandang ideya. Naisip niyang tawagan ang kakilala para makapagpapunta ng pwede niyang makatulong sa kanilang bahay.
Ayon lang, ida-dial pa lang sana niya ang numero sa kanyang cellphone nang may naalala siya kaya hindi na niya ito naituloy.
Naalala niya ang kasunduan nila ni Daxon.
They agreed not to hire anyone to clean their house or care for their children. As much as possible, they don’t want a stranger in their house.
Tatlong beses na kasi silang sumubok mag-hire ng katulong. At tatlong beses din silang nagkamali sa pagpili.
‘Yong una’y nagnakaw sa kanila ng malaking halaga, ‘yong pangalawa ay muntik nang gapangin si Daxon, ‘yong pangatlo naman ay muntik nang sunugin ang kanilang bahay.
At dahil gusto nilang protektahan ang kanilang pamilya lalo na sina Summer at Sky, napagdesisyunan ng mag-asawang ‘wag nang mag-hire ng ibang tao. Nag full-time mom na si Reign. Siya ang nakatokang mag-asikaso sa bahay at sa mga bata.
Wala namang kaso noong umpisa kay Reign ang desisyong ginawa nila. Masaya siyang pagsilbihan ang kanyang asawa at mga anak. Nakakatuwa ring mag-mature at matuto ng iba’t ibang gawaing bahay.
But that was when she had no idea what it truly meant to be a full-time mom; when she was unaware of all the sacrifices… and hardships.
Kung tutuusin ay hindi naman kalakihan ang bahay nila. Hindi ito mansyon. Hindi rin naman sila ganuon karami sa bahay. Kaya hindi rin maintindiha ni Reign ngayon kung bakit parang hirap na hirap siya palagi kapag naiiwan na siyang mag-isa sa bahay.
At dahil gusto pa ni Reign magkaroon ng oras sa ibang bagay, imbes na masayang ang oras kakaisip niya ng kung-anu-ano, tinapos na lang niya lahat ng gawaing bahay katulad ng palagi niyang ginagawa.
Ayon lang ay dahil mag-isa lang siya, kinain nito ang buong umaga niya even though she was already multi-tasking.
Nang matapos kasi siya sa paglilinis ay nagluto naman siya ng tanghalian ng mga bata. Imbes na bumili sa labas, mas gusto ni Daxon na homemade ang kinakain nina Summer at Sky. Sang-ayon naman si Reign dito dahil mas healthy din talaga ito.
Pero imbes na ipabaon na ang pagkain, dinadalhan na lang sila ni Reign para mainit pa ang kakainin nila. Kaya naman babalik pa siya sa eskwelahan at maghahatid ng pagkain ngayong tanghalian.
Mabuti na nga lang at may natira pang ilang minuto nang matapos siya sa lahat ng kailangang gawin. Nagkaroon pa siya ng oras para makaligo at makapag-ayos ng sarili bago maghatid ng lunch sa eskwelahan ng mga anak.
Ilang minuto rin siyang naupo sa kanilang sofa. She started browsing on her social media feed. Dito’y nakita niya ang mga posts ng kanyang mga kaibigan na karamihan ay nagpangiti sa kanya.
Ayon lang, kakatingin niya online ay nakita rin niya ang posts ng mga dati niyang kaklase at katrabaho. Kanya-kanyang post sila ng mga achievements pati na rin ng mga pamamasyal nila kung saan-saan. Karamihan dito ay mga lugar na gusto ring puntahan ni Reign kung ‘di lang masyadong busy ang asawa niya.
Ayaw niya ‘yong pakiramdam na naiinggit siya. Ayaw din niyang ikinukumpara ang buhay niya sa ibang tao. Alam naman kasi niyang dapat niyang ipagpasalamat kung anong mayroon siya.
Kaya naman sinarado niya ang kanyang phone at kumuha na lang ng libro. Sinubukan niyang magbasa kahit ilang pahina lang. Ito ‘yong librong ilang buwan na niyang binabasa pero hindi niya matapos-tapos dahil palagi siyang tumitigil. Malayong-malayo ito sa dating siya na sa isang upuan lang ay kayang matapos ang pagbabasa ng isang libro.
It’s probably because her heart no longer beats the same for the things she used to love.
Paalis na sana si Reign nang may tumawag sa kanya. Pagtingin niya’y kapatid pala niya ito kaya agad niyang sinagot.
“Hello, Kuya MJ?” bungad ni Reign sa kabilang linya. It seems like there’s a lot going on in the background.
Si MJ ay pangalawa sa kanilang apat na magkakapatid. Bunso si Reign, kasunod niya si PJ, at panganay naman si TJ. Lahat sila ay may kanya-kanya nang pamilya.
“Babe! How are you?” Nangiti si Reign dahil sa endearment ng kanyang mga kapatid sa kanya na ‘di nagbago kahit ilang taon na ang nakalipas.
“Okay naman. Wala namang bago,” simpleng sagot ni Reign. Tingin niya’y baka mapahaba ang pag-uusap nila kapag dinetalye niya ito.
“Miss ka na ng marketing. Mag-hi nga kayo!” Narinig ni Reign ang boses ng mga dati niyang tauhan. Matagal din kasi siyang nagtrabaho bilang Marketing Manager ng Valderrama Corporation. Nagtrabaho rin siya sa Savage Enterprises sa kaparehong pusisyon.
“Miss ko na rin sila katrabaho.”
“Kailan ka ba babalik?”
“Si Kuya naman. Parang ‘di mo naman alam ang sagot sa tanong mo.”
Nagsabi naman si Reign sa buong pamilya niya bago siya nagdesisyong mag-resign sa trabaho at maging full-time mom. Pagkatapos kasi niyang magtrabaho sa Savage Enterprises ay bumalik pa siya sa Valderrama Corporation. She tried working remotely. Hindi nga lang ito nagtagal dahil buntis siya noong mga panahong iyon.
“Kahit remote lang tulad ng dati wala na ba talagang pag-asa, babe?”
“I can be a consultant but I can’t manage a team, Kuya. Pag-aasikaso pa lang sa mga bata, punong-puno na ako, idagdag mo pa ang mga gawaing bahay.”
Kalahati pa lang ng araw ay pagod na pagod na si Reign. Hindi niya maisip kung saan pa niya isisiksik ang ibang bagay. Dahil din sa mga karanasan niya ngayon kaya hangang-hanga siya sa mga nanay.
Hindi biro maging ina.
“Bakit kasi hindi kayo mag-hire ng katulong? Ang yaman-yaman niyong mag-asawa.”
“After everything that we experienced, I don’t want to make the same mistake. Dax and I already had an agreement before. We will not allow a stranger to take care of our children nor do we want one to roam around our house. It’s hard for us to trust other people lalo na pagdating sa mga bata.”
“Akala ko ba tinutulungan ka ng biyenan mo?”
“Oo. Pero syempre hindi naman palagi. Nakakahiya rin sa nanay ni Dax.”
“Parang nakakapagod naman maging Savage. Were you really hired as his wife or were you hired as his maid?”
Reign felt a sharp and stabbing chest pain because of what her brother said. Bumalik sa alaala niya kung paano sila nagsimula ni Daxon at kung paano ito unti-unting nagbago sa paglipas ng panahon.
“Kuya naman eh. Pinapasama mo lang ang loob ko.”
“No, Babe. I’m just telling the truth. Alam mo bang nakakasama ka na lang namin kapag may special occasion? It felt like you can’t leave the house unless there’s a prior approval from your husband. Nasaan na ‘yung Reign na kilala ko? ‘Yung Reign na kapag may ginusto, ginagawa ang lahat para makuha ito? Nasaan na ang pagiging Valderrama mo?”
Ayaw nang makinig pa ni Reign sa kanyang kapatid. Alam kasi niyang naaapektuhan siya ng mga sinasabi nito. Tumatagos ito sa kaibuturan niya.
“Sige na, Kuya. Dadalhan ko pa ng lunch sina Summer at Sky…” Ibababa na sana ni Reign ang tawag nang magsalita pa si MJ.
“I’m sorry, babe that I had to break this to you. I’m just worried about you… Gusto ko lang isipin mo rin ang sarili mo. Pero kung okay ka naman, walang problema.”
Pagkatapos mag-usap ng magkapatid, sumandal si Reign at napatingin sa bintana. Pansin niya ang pagkulimlim sa labas.
Para hindi abutan ng ulan ay tumayo na siya at naghandang umalis. Nagdala na rin siya ng payong sakaling biglang bumuhos ang ulan habang papunta siya sa eskwelahan ng mga bata.
Sumakay na ng tricycle si Reign para makarating agad dito. Ngunit habang pilit niyang inaalis sa isip ang mga napag-usapan nila ni MJ, ay mas lalo naman siyang iniinis ng pagkakataon.
May nadaanan kasi siyang grupo ng mga babae na mukhang corporate employees base sa kanilang ayos. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan. Mukhang masayang-masaya sila. Nakita ni Reign ang sarili niya sa mga ito more than five years ago.
‘Yung ayaw sana niyang gawin ay nagawa niya. Naikumpara niya ang kasalukuyang sarili sa dating siya.
Isa lang ito sa nakapagpabago ng kanyang isip.
Kaya naman pagkatapos ihatid ang lunch ng mga bata, nakisuyo si Reign kay Ms. Charlotte na bantayan ang kanyang mga anak at ipapasundo na lang niya ang mga ito kay Harold. Ginawa niya ito dahil pupunta siya ng Batangas.
She accepted being one of the judges in their company’s event without her husband’s approval.
***
Isa sa pagmamay-ari ng mga Valderrama ang pinakasikat na beach resort sa Batangas, ang Marahuyo Beach Resort. Kung noon ay si TJ Valderrama ang mismong namamahala rito, ngayon ay nag-hire na lang ang mga Valderrama ng business manager dahil mas dumami na ang kanilang properties na dapat bigyang pansin.
Si MJ naman ang punong-abala pagdating sa mga events at iba pang promotions ng kanilang properties kahit noon pa man. Katulong niya si Reign pagdating sa pag-market ng mga ito.
Kaya nga isinagawa ni MJ ang annual talent competition sa Marahuyo kung saan isa sa mga judges si Reign.
Reign may no longer be working in their company, but she’s still a Valderrama. Nothing and no one could change this fact.
Umuulan na nang makarating si Reign sa resort. Dumiretso siya sa lobby at dito’y sinalubong siya ni MJ ng yakap. Nagsabi naman siya rito na pupunta siya kaya iniintay siya talaga ng kapatid.
“Ang galing talaga ng convincing power ko!” bulalas ni MJ,.halatang masayang-masaya makita nang personal si Reign.
Inirapan naman siya ni Reign. “Ewan sa ‘yo. Kuya. Tara na nga! Sa tabing-dagat ba ang venue?”
“Mukhang uulan kaya buti na lang sa function room ko pinaset-up lahat.”
“Magsisimula na ba?”
“Oo pero dinelay ko muna. Syempre hinintay ka namin.”
Nanaba ang puso ni Reign sa sinabi ng kapatid. At dahil ayaw naman niyang paghintayin pa nang matagal ang lahat, nanghingi na lang siya ng ilang minuto para ayusin ang sarili.
She was wearing a black long-sleeve top and white skirt. Her large pearl diamond gold earrings accentuated her beauty. Simple lang ang ayos niya dahil mas gusto niyang magmukhang elegante. Ipinuyod niya ng isa ang buhok at naglagay ng kaunting make-up sa mukha.
Nang tingnan niya ang sariling repleksyon sa salamin, unang tingin ay nakuntento naman siya sa nakita. Katulad lang ito ng ayos niya palagi kapag may okasyon siyang pinupuntahan. Ito ang nakasanayan niya.
Ayon nga lang ay paglipas ng ilang minuto. Nakulangan na siya sa kanyang itsura.
She found her look too safe. And she didn’t like it.
Kaya naman last minute ay pinalitan niya ang kulay ng kanyang lipstick. She used a red one, making her look bolder and stronger.
Kinuha niya ang kanyang phone at lumabas na ng kwarto. Ramdam niya ang pag-vibrate ng kanyang phone pero hindi na niya ito nagawa pang pansinin dahil may nag-escort na sa kanya papunta sa function room. Pinapaliwanag nito sa kanya ang mangyayari sa event at may pinabasa pa.
Pagpasok sa function room, pansin ni Reign ang paglingon sa kanya ng mga tao. She felt intimidated at first because of the attention she was getting. Mainit ang tingin sa kanya ng mga tao. Madalas naman na itong mangyari noon lalo na kapag nalalaman ng mga taong Valderrama at Savage siya. Pero hirap pa rin siyang masanay.
Kaya naman hinigit niya ang kanyang hininga hanggang sa makaupo na sa judges table. Binati siya ng mga makakasama niya at ganuon din ang ginawa niya.
Reign was pretty pleased with herself so far. Natuwa siya dahil kaya pa rin pala niyang dalhin ang sarili sa harap ng maraming tao kahit madalas siyang nakakulong sa bahay.
Magsisimula na ang event nang tingnan ni Reign nang isang beses ang phone niya. Saktong nag-vibrate na naman ito.
Nanlamig ang buong katawan niya nang makitang si Teacher Charlotte ito. Ito ang kanina pang tumatawag sa kanya pero masyado siyang preoccupied para sagutin.
“I’m sorry, I have to take this call,” sabi ni Reign at tumayo siyang muli.
Haharangin sana siya ni MJ dahil magsisimula na ang event pero sinagot na niya ang tawag habang naglalakad palabas ng function room.
“Ma'am, tumakas po ng eskwelahan si Summer!”
Reign’s heart dropped to the floor. Her surrounding was suddenly in slow motion.
It was at this moment that she felt like her whole world just fell apart.