Kabanata 5

1989 Words
“IS there anything else that we need to discuss? Do you have other questions or concerns?” tanong ni Daxon. Inisa-isa niya ang tingin sa mga board members na kasama sa meeting. At nang mapansin niya ang pagtahimik ng lahat ay tsaka siya muling nagsalita. “Well then, thank you all for coming.” Tumayo na si Daxon at dire-diretsong naglakad palabas ng conference room. Pag-alis niya’y nagsisunuran rin ang board members. With all the projects that Savage Enterprises is planning for the whole quarter, they can’t afford to waste time. While it’s supposed to be a good problem as all these projects are beneficial for the company’s growth, they need to allot more time and resources to ensure their success. Natapos na ang meeting pero alam ni Daxon na nagsisimula pa lang ang araw niya. Naglalakad pa lang kasi pabalik sa kanyang opisina, iniisa-isa na ng kanyang sekretarya ang iba pa niyang kailangang gawin sa buong araw. Sunod-sunod na meeting ang nakaabang sa kanya ngayong Lunes na alam niyang pwede na ring gawing basehan sa mga darating pang araw. Dumiretso si Daxon sa kanyang swivel chair at pag-upo niya’y saktong natapos sa pagsasalita si Lily, ang kanyang sekretarya. “Dumating na po sa meeting room si Mr. Samaniego.” Ito na sunod niyang meeting. “Okay. Just give me five minutes,” sabi naman ni Daxon. Naintindihan ni Lily ang ibig niyang sabihin kaya naman lumabas na ito ng kanyang opisina. Nang maiwan siyang mag-isa ay tsaka lang niya inihilamos ang dalawang kamay sa mukha. Pagkatapos ay yumuko siya at bumuntong-hininga. Nang ‘di pa nakuntento’y tumayo siya at nahiga sa couch. Hinawakan niya ang kanyang sentido at bahagyang hinimas. Ramdam niya ang pagpintig nito at pagsakit ng ulo. Kahit halos buong buhay niya’y pagiging CEO na ang papel na ginagampanan niya, hindi pa rin madali para sa kanya ang araw-araw na paggawa ng malalaking desisyon. Mabigat ang responsibilidad na dala-dala niya sa kanyang mga balikat dahil maraming tao ang umaasa sa kanya. Oo’t nanatili namang advisor ng Savage Enterprises si Mrs. Savage. Ngunit malaki pa rin ang pinagbago noong hindi na ito ganuon ka-hands on sa kumpanya. Mas sinubok ang kakayahan ni Daxon mamahala. Kaya nga hindi rin lubos-maisip ni Daxon na sa pagitan ng kumpanya at pamilya, naisisingit pa niya ang ibang bagay na gusto niyang gawin – mga bagay na ipinaglaban niya noon. May pagkakataon pa siyang mag-basketball at kumuha ng magagandang litrato para sa kanyang blog na The Darkest Hour. Hindi man siya kasing aktibo ng dati dahil sa dami ng kanyang kailangang gawin bilang CEO, sinusubukan pa rin niyang isingit ang mga ito kapag nagkakaroon siya ng libreng oras. Sa lalim ng pag-iisip ni Daxon, naisipan niyang panuorin muli ang mga videos ng first day nina Summer at Sky sa eskwela. Hindi niya napigilan ang pagngiti. Para bang nakalimutan niya ang kanyang pagod. Sa totoo lang ay masayang-masaya talaga si Daxon maging ama. Pero may takot sa loob niya na hindi mawala-wala kahit ilang taon na ang nakalipas. Kaya naman hangga’t maaari, ibinibigay niya ang lahat ng pagmamahal at kailangan ng kanyang mga anak – kalayaan o materyal man na bagay. Natatakot siyang maging katulad siya ng kanyang mga magulang noon, istrikto at mapanakit, kaya talagang iniiwasan niya ito. He didn’t want to turn into the monster that they were. Nangako siya sa sariling gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang asawa at mga anak. At mukhang mabilis ang oras dahil nakarinig na si Daxon ng pagkatok sa kanyang pinto. Maswerte na siya sa limang minutong nahingi para sa sarili. Bumangon na siya, nag-ayos, at bumalik sa trabaho. Inisip na lang niyang tapusin ang lahat ng trabaho para makasama na niya ang kanyang pamilya. *** There’s a lot of pressure being a Savage, especially being in Daxon’s shoes. People always expect him to make the right decisions when he knows that he could fail at times… Pagdating ng hapon, naka-schedule ang meeting nina Daxon at Mr. Johansson. Matagal na nila itong investor at ngayon ay nakahanda itong mag-invest ng malaking halaga para sa bagong proyekto ng Savage Enterprises, in partnership with the Valderrama Corporation. Kailangan lang nilang magkasundo sa terms & conditions, higit sa lahat ay kailangan din nilang mapag-usapan ang halaga ng investment na ibibigay nito dahil gusto sana ng Savage Enterprises na mas mataasan pa ito. Pero nakadepende naman ito sa negotiation skills ni Daxon. Dahil noong unang beses na nag-invest si Mr. Johansson sa Savage Enterprises, si Daxon din ang nakausap nito. Kahit noong panahong nasangkot sa mabibigat na eskandalo ang pamilya Savage, nanatili ito dahil sa kanya. Magkikita sila sa restaurant ng Savage Hotels Manila. Ito na ang huling meeting ni Daxon ngayong Lunes bago siya umuwi. “It’s Mr. Johansson’s last night. Bukas po ng umaga naka-schedule ang kanyang flight pabalik sa Europe,” paalala ni Lily. Nakaupo ito sa front passenger’s seat katabi ni Harold. Ibig sabihin ay ito na ang huling gabi para mapapayag ni Daxon si Mr. Johansson sa gusto nilang mangyari. Kapag hindi niya ito nagawa, baka kailanganin na naman niyang personal na pumunta sa Europe para kumbinsihin ito. Mr. Johansson only deals with big matters like this in person. Abala si Daxon sa pagbabasa ng kontratang ipepresenta sa investor nang mag-ring ang cellphone niya. Balak sana niyang ipasagot ito kay Lily nang makita niyang numero ito ng teacher ng kanyang mga anak. Nagtaka naman siya kung bakit siya ang tinatawagan nito at hindi ang kanyang asawa. Dahil dito’y sinagot ni Daxon ang tawag. Magsasalita pa lang sana siya ngunit naunahan na siya ni Teacher Charlotte sa kabilang linya. “Sir Savage. Hindi ho kasi sumasagot ang asawa niyo. Urgent po ito. Nawawala si Summer. Hindi namin siya mahanap sa buong eskwelahan!” Nabagsak ni Daxon ang hawak na mga dokumento dahil sa panlalamig ng kanyang buong katawan. Napalingon sa kanya si Lily. Maging si Harold ay napatingin sa rear-view mirror. “Anong sinabi mo?” pag-uulit ni Daxon, ramdam niya ang paninikip ng dibdib. Hindi niya sigurado kung tama ba ang intindi niya sa sinabi ni Teacher Charlotte – o alam niya pero ayaw lang niya itong paniwalaan. “Pa’nong nawawala?” Dito ipinaliwanag ni Teacher Charlotte ang tingin niyang nangyari. May class activity sila nang magpaalam si Summer na gagamit lang ng palikuran. Nasa loob lang naman ito ng classroom kaya wala namang problema at pinayagan ni Teacher Charlotte. Ngunit nang ilang minuto na ang lumipas at ‘di pa rin bumabalik si Summer, nagsabi na ang kagrupo nito. Hindi kasi ito makapagsimula sa activity nang walang ka-partner. Dito nagpunta si Teacher Charlotte sa likuran ng klase. Kinatok nito ang pinto ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang buksan ito ilang sandali lang at laking gulat niya nang makitang walang tao sa loob ng banyo. Dalawa ang pinto ng classroom, isa sa harapan at isa sa likuran malapit sa palikuran. Nakita niyang bukas ang pinto sa likuran kaya naman malakas ang kutob niyang kung wala sa classroom si Summer ay lumabas ito rito nang hindi niya napapansin. Marahas na napabuntong-hininga si Daxon dahil sa mga nalaman. Kapabayaan ni Teacher Charlotte at ng eskwelahan ang nangyari. Dahil dito, pinagmadali ni Daxon ang pagmamaneho ni Harold. Ngunit pagdating nila sa Savage Hotels, si Lily lang ang pinababa niya rito. “Sir, paano kung ‘di siya pumayag?” Ito ang tanong ni Lily. Matinding kaba ang nararamdaman niya dahil bilang sekretarya, alam niyang wala pa siyang sapat na karanasan at kaalaman para makipag-usap sa isang malaking investor tulad ni Mr. Johansson. It’s not even part of her job to seal a deal. At alam naman ito ni Daxon. Gusto lang niyang sumubok ito. Inutusan din niya itong ipaliwanag ang kanyang sitwasyon. Pagkababa ni Lily, wala na silang segundo pang sinayang at halos paliparin ni Harold ang sasakyan makarating lang sa eskwelahan nina Summer at Sky sa pinakamaigsing oras. Malakas ang kabog ng dibdib ni Daxon dahil sa matinding kaba. Alam niyang ‘di niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak na babae. Sinubukan niyang tawagan si Reign ngunit panay lang ang pag-ring ng cellphone nito. At sa pang-ilang beses niyang tawag ay naging cannot be reached na ito. Hindi niya alam kung anong nangyari rito, kung nasaan ito at bakit ‘di sumasagot sa tawag ng kahit na sino. Nagtatalo tuloy ang kabang nararamdaman ni Daxon. Dalawang bagay ang kanyang ikinakabahala. Pagdating ni Daxon sa eskwelahan, sa entrance pa lang ay nandito na sina Teacher Charlotte at Sky. Niyakap ni Daxon si Sky at nag-angat siya ng tingin sa teacher nito. Nakakunot ang kanyang noo nang magsalita. “Have you checked the CCTV cameras?” Ito agad ang tanong niya dahil sa sasakyan pa lang, itinawag na rin niya sa mga pulis ang nangyari. Kasalukuyang tumutulong ang mga ito para maghanap sa anak. Nakahanda na rin siyang maglabas ng malaking halaga sakaling nawawala nga talaga si Summer. Para sa kanya’y walang kapantay na halaga ang kaligtasan ng kanyang anak. Sinilip naman nila ang CCTV footage at dito napanuod ang paglabas ni Summer sa classroom. Dire-diretso ang lakad nito palabas ng eskwelahan. Hindi man lang ito nalito at mukhang kabisado ang pasikot-sikot sa paligid. Magaling itong nakapagtago sa mga kasalubong na faculty members. Paano’y nagtatago ito sa kung saan-saan. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng manahin sa kanyang ina ay katigasan pa ng ulo, pagiging pasaway, at madiskarte pa ang ilan sa mga namana nito. “Wala ba kayong guard? Paano kayo natakasan ng bata?” Hindi na napigilan ni Daxon ilabas ang kanyang frustration dahil sa nangyari. Sa pagsunod nila sa CCTV footages, dito nila nakitang hindi napansin ng guard ang paglabas ni Summer. Dito nila nakumpirmang talaga palang wala na sa campus si Summer. Lumabas na ito at malamang sa malamang ay naliligaw na sa kalsada. Dismayado si Daxon sa nangyaring pagkawala ni Summer. Matibay na seguridad pa naman ang dahilan kung bakit ito ang napili niyang eskwelahan para sa mga anak pero mukhang kayang-kayang maglabas-masok ng kahit sino. Teacher Charlotte was on the verge of tears when she faced Daxon. “Pasensya na po kayo sa nangyari, Sir Savage—” “Hindi ko kailangan ng paghingi niyo ng tawad. Oras na may mangyari sa anak ko, pasensyahan tayo pero gagawin ko ang lahat para mapasara ang eskwelahang ‘to,” mariing saad ni Daxon, animo umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto. Binuhat na ni Daxon si Sky. Tinalikuran niya si Teacher Charlotte pati na rin ang ibang faculty at admin staff na dumating. Nagkagulo na sila dahil sa nangyari. Tulong-tulong na rin silang naghanap kay Summer sa takot na totohanin nga ni Daxon ang banta nito. “Sana okay lang po si Summer…” sabi ni Sky sa kanyang tatay pagpasok nila ng elevator. Kahit na madalas na ‘di sila magkasundo ng kanyang kambal ay nag-aalala pa rin ito nang sobra rito. Hindi naman pinahalata ni Daxon na parang pinipiga ang puso niya sa mga oras na ito. Iniisip niya si Summer at iniisip din niya si Reign na hindi na matawagan. “She’s okay. She’s strong like your mother,” sabi ni Daxon sa anak. Pati sarili niya ay sinusubukan niyang kumbinsihin para kahit papaano ay mabawasan ang takot na nararamdaman niya. “May sinabi ba sa ‘yo ang kapatid mo bago siya tumakas? May napansin ka ba?” malumanay lang ang boses niya nang magtanong. Ayaw niyang maisip ni Sky na may kasalanan siya sa nangyari. Napaisip naman si Sky. Sasabihin sana niyang wala nang may isang bagay na pumasok sa isip niya. “I’m not sure when… but she once told me that she saw Mommy crying.” Bumukas na ang pinto ng elevator pero natigilan si Daxon sa narinig kaya napirmi sa kinatatayuan. Nagpaulit-ulit sa isip niya ang sinabi ni Sky kaya mas lalo siyang nabigyan ng dahilan para matakot. It was as though Daxon’s worst nightmare is becoming a reality.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD