Kabanata 6

2094 Words
NANINIKIP ang dibdib ni Daxon habang nililibot ang paligid ng eskwelahan ng kanyang mga anak. Halos isang oras na rin ang nakalipas. Ngunit patuloy pa rin siya sa paghahanap kay Summer pati na rin sa walang humpay na pagtawag kay Reign. Matinding takot ang bumabalot sa buong pagkatao ni Daxon ngunit pilit siyang nagpapakatatag upang hindi ito mahalata ng katabing anak na lalaki. Inakbayan niya ito at mas inilapit pa sa kanya. Growing up, he had always been like this when it comes to his sister, Bobbie. Dahil alam niyang kailangan ng kanyang kapatid ng mapagkukuhanan ng lakas ng loob, kahit siya mismo ay takot sa kanilang mga magulang noon dahil sa kakaibang paraan ng pagdisiplina ng mga ito, pinakita niyang malakas siya at hindi naaapektuhan. Lumaki siyang tinatanggap lahat ng hirap at takot para sa mga taong mahal niya. “Idiretso mo sa bahay. Doon tayo mag-ikot,” malamig ang boses ni Daxon nang utusan si Harold. Nanayo tuloy ang buhok sa braso at batok nito. Ngunit walang tanong-tanong ay agad itong sumunod. Bumuntong-hininga si Daxon nang makita ang malakas na buhos ang ulan. Lalo lang nitong pinalala ang sitwasyon. Paano’y naging mahirap sa kanila matanaw nang malinaw ang kalsada at paligid. Dahil ‘di talaga matawagan ang numero ni Reign, sinubukan nang tawagan ni Daxon si MJ, nagbabakasakaling magkasama ang dalawa o may alam man lang ito sa kinaroroonan ng asawa. Ngunit dahil kasalukuyan itong punong abala sa event na isinasagawa ng Marahuyo Beach Resort, hindi nito napansin ang tawag niya. Dahil nakarating na malapit sa kanilang bahay, nagdesisyon silang silipin muna ito. Ngunit sa kasamaang-palad, walang bakas ni Summer dito. Sinilip na nila ang bawat sulok ng bahay pero hindi nila ito nahanap. Kaya naman nagdesisyon silang ikutin ang kanilang subdivision sa kabila ng masamang panahon. “It’s my fault, Dad… dapat kinausap ko si Summer kanina. Hindi sana niya naisipang umalis,” naiiyak na si Sky, halata ito sa panginginig ng kanyang boses. Hindi ito madalas maging emosyonal kaya nang marinig ito ni Daxon ay agad niyang niyakap ang anak. “Wala kang kasalanan… ‘wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Ako ang may pagkukulang…” parang pinipiga ang puso ni Daxon. Nakikita niya kasi ang sarili niya kay Sky. Ganito rin siya noon sa tuwing hindi niya nagagawang protektahan si Bobbie sa kanilang mga magulang. Sinisisi niya ang sarili niya. Pakiramdam niya’y siya ang may kasalanan kahit ginawa naman niya ang lahat para iligtas ito. Bukod pa rito, alam niya sa sarili niyang hindi niya natupad ang ipinangako niya sa sarili sa pagdating ng dalawang anak. Ipinangako niyang ‘di niya hahayaang may mangyaring masama sa kanyang mga anak kahit anong mangyari. Ipinangako niyang ibibigay niya ang proteksyong hindi niya nakuha sa kanyang sariling mga magulang noon. Gusto niyang maging mabuting ama. Gusto niyang maging mabuting magulang. Ngunit ngayon niya napatunayan kung gaano ito kahirap bilang isang Savage. Naiisip pa lang ni Daxon na nasa panganib ang kanyang anak na babae sa mga oras na ito ay para bang gusto niyang magalit sa buong mundo. Kung anu-anong bagay na ang pumapasok sa isip niya. Summer could have been kidnapped. She could have been wounded. She could be lost, in tears, and desperate to find her way home. Sa loob-loob niya’y nakahanda siyang ibigay ang lahat ng mayroon siya kapalit ng kaligtasan ni Summer. He gave up everything years ago for the woman he loves, he was willing to do it again for their children, he thought. Wala sa buong subdivision si Summer. Kaya nilawakan pa nila ang paghahanap. Labas naman nito ang kanilang sinuyod. Hindi maisip ni Daxon kung sana pwedeng magpunta ang kanyang anak. Hindi rin naman kasi ito madalas nakakalabas ng bahay para malaman ang pasikot-sikot sa kanilang lugar. At ito nga ang pinakainaalala niya ngayon. Katulad din ito ni Reign noong una silang nagkakilala, hangga’t maaari ay mas gustong nakakulong sa bahay kaysa maglalalabas. Kapag kasama ang buong pamilya ay doon lang niya kinagigiliwan ang pagpunta sa kung saan-saan. Sumasakit na ang ulo ni Daxon. Alam niyang kailangan niya si Reign sa mga oras na ito. Pero hindi rin niya alam kung saan ito hahanapin. Sa lahat ng pinuntahan nila, hindi nila nagawang makita kahit anino man lang nina Reign at Summer. Naisip nga niyang sana magkasama na lang ang dalawa. Pero mahirap umasa rito lalo na’t ‘di naman niya ito magawang kumpirmahin ngayong ‘di niya ma-contact si Reign. Dahil alam ni Daxon kung gaano kahalaga ang takbo ng oras sa pagkawala ni Summer, naisipan niyang bukod sa mga pulis at tao niyang tumutulong na sa kanila, mas maganda kung makakapagpadala si PJ ng dagdag na tauhan. Si PJ ay kapatid ni Reign na dating namamahala sa pagbibigay seguridad sa Valderrama family. Ngunit bago pa man niya mai-dial ang numero nito, may itinuro si Sky sa bintana ng sasakyan. “Look, dad!” Inihinto agad ni Harold ang sasakyan. Pagtingin nila ni Daxon sa bintana, kahit malakas ang buhos ng ulan ay malinaw nilang nakita ang batang babaeng naglalakad sa tabing kalsada. Suot nito ang kaparehong uniporme ng anak. Hawak-hawak ito sa kamay ng isang lalaki. Hindi kita ang mukha dahil bukod sa nakatalikod sa kanila ay naka-itim na payong ito. Nalaglag ang puso ni Daxon nang maisip na si Summer ito. Kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang bumaba ng kotse bago pa makalayo ang dalawa. Naligo siya sa ulan nang humabol sa mga ito. At nang sa wakas ay naharangan na niya ang daan nito, nagdilim ang paningin niya nang salubungin ng suntok ‘yong lalaki. Tumumba ito nang walang kalaban-laban sa malamig na semento. “Lolo!” sigaw ng batang babae. Dito napagtanto ni Daxon na hindi si Summer ang batang babaeng iniligtas niya. Pareho lang sila ng uniporme. Nakita niya kasi ang mukha nito at nakumpirma. Daxon felt so sorry for the old man. Nakasakit siya ng inosenteng tao dahil lang sa kanyang pagiging desperado. Agad niyang tinulungan ang matanda. Humingi siya nang tawad at pinaliwanag ang buong nangyari. Mabuti na lang at naunawaan siya nito. Kung ibang tao ito’y baka lumala pa ang sitwasyon. Daxon offered to take the old man to the hospital, but he declined. Hindi rin niya tinanggap nang aabutan sana siya ng pera ni Daxon para may pampaospital sakaling magbago ang isip niya. “Sana mahanap mo na ang anak mo iho—teka. Kanina noong papunta ako sa eskwelahan para sunduin ang apo ko, may nakasalubong akong batang babae. Lalapitan ko sana pero tinakbuhan ako.” Animo nagliwanag ang mundo ni Daxon sa sinabi ng matanda. Nanlamig ang bung katawan niya. He immediately described how Summer looks. At karamihan dito’y sinang-ayunan nito. Mukhang nagkita nga talaga sila ni Summer! “Saan po siya tumakbo?” tanong ni Daxon. At dito naman itinuro ng matanda ang direksyon papunta sa isang malaking parke kung saan may playground. Dahil malapit naman na ito sa pwesto nila, hindi na nag-abala pang bumalik si Daxon sa kanilang kotse. Diniretso na niya ang pagpunta sa parkeng itinuro ng matanda. Sumunod naman si Harold nang makita ang paglayo ng kanyang amo. Hangga’t maaari ay inilapit na niya ang sasakyan dito. Daxon felt hopeless when from a distance, he noticed that the park was empty. Paano’y sa lakas ba naman ng ulan, malamang ay wala nang taong mananatili pa rito. Naisip niyang malaki ang chance na naghanap ng masisilungan ang kanyang anak. Kung saan ay malaking misteryo pa rin. Kaya naman bagsak-balikat siyang tumalikod. Nakayuko siya nang maglakad pabalik sa tabing kalsada. “DADDY!” Lumingon agad si Daxon sa direksyong pinanggalingan ng boses. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil umaasa siyang ‘di lang ito guni-guni. Basang-basa ang mukha dahil sa ulan, inihilamos niya ang dalawang kamay dito para makita nang maayos ang paligid. Nilabas niya ang kanyang phone para ilawan ang paligid. Pinagmasdan niyang muli nang mabuti ang playground. At ilang sandali lang, may nakita na nga siyang paggalaw sa ilalim ng slide! “Daddy! I’m here!” Animo nabunutan ng tinik sa lalamunan si Daxon nang makita ang pagkaway ni Summer. May mabigat siyang pasan-pasan na agad naglaho. Nagtatago pala ito sa ilalim ng slide kaya naman hindi rin nila ito madaling nakita. Mabilis niyang nilapitan ang anak para malaman ang lagay nito. Dahil madilim ay hinayaan niyang nakabukas ang flashlight ng kanyang phone. Dito niya agad nakita ang mga galos sa tuhod ni Summer. “What happened to you, baby?” Daxon could feel his heart breaking for his child. Kagat nga lang ng lamok ay nag-aalala na siya, mga sugat at galos pa kaya? “May humabol kasi sa ‘kin kaninang bad guy, Daddy. I ran away and fell. Natakot ako kaya dito na lang po ako nagpunta. Dito tayo naglaro nina Mommy one time ‘di ba? Sabi mo babalik tayo rito pero you’re too busy pa e.” Hindi na nagawang sagutin pa ni Daxon ang anak dahil kinuha na niya ito sa ilalim ng slide at niyakap nang mahigpit. He couldn’t imagine the fear and pain that his child felt. And he plans to make sure that this will never happen again. “I’m sorry, baby… Daddy’s here.” *** Madilim na nang makarating si Reign sa Maynila galing Batangas. Matindi ang traffic kaya naman walang pag-usad ang taxi na sinasakyan niya. Hindi siya mapakali habang hawak-hawak ang kanyang cell phone na basag ang screen at ayaw nang magbukas ngayon. Dahil kasi sa pagmamadali ay naibagsak niya ito sa pila ng bus. Sinubukan naman niyang pulutin agad ngunit sa dami ng tao ay naapakan ito at nabasa pa ng ulan. Tuloy ay hindi niya alam kung ano nang update sa pagkawala ni Summer. Nang makatakas sa traffic, dumiretso pa rin si Reign sa eskwelahan para makausap ang teacher ng kanyang anak. Ngunit katulad ng inaasahan, dahil anong oras na siyang nakarating dito ay naabutan niyang sarado na ito. Nahuli na siya ng dating. Kung ‘di pa niya nakausap ang guard ng eskwelahan, hindi niya malalamang nagpunta na ang asawa niya rito. Nabuhayan naman siya ng loob. Kahit kabado dahil sa kanyang pagkakamali, mas matimbang sa kanya ang kagustuhang malamang magkasama na ang kanyang mag-ama sa mga oras na ito. Pero hindi niya ito makumpirma dahil sira ang kanyang phone. Kaya naman nagdesisyon siyang umuwi na sa kanila. Ngunit kung minsan talaga’y mapang-asar ang pagkakataon. Paano’y nagmamadali na nga siya pero naging pahirapan pa ang pagsakay ng taxi mula sa eskwelahan. Tuloy ay kinailangan niyang maglakad sa ilalim ng ulan. Mabuti na lang at nakapagdala siya ng payong. Gulong-gulo ang isip ni Reign sa mga oras na ito. Hindi siya makapag-isip nang maayos dahil inaalala niya ang kanyang anak. Natatakot siya nang sobra dahil iniisip niyang baka may nangyaring masama rito. Wala siyang ibang sinisisi ngayon kung hindi ang kanyang sarili. Tingin niya’y kung hindi siya nagpunta sa Batangas, kung binantayan na lang niya ang mga anak, baka hindi tumakas si Summer. She kept blaming herself while tears flowed like a river down her cheeks. Hinampas niya nang hinampas ang kanyang dibdib dahil sa pananakit nito. Bakit nga ba niya naisip kumilos katulad ng dati? She should be a responsible parent, not the impulsive woman that she was years ago. Ito ang ilan lang sa mga bagay na naisip niya. At habang naglalakad siya sa ilalim ng ulan, naagaw ang pansin niya nang makakita ng tumatakbong batang babae sa kabilang kalsada. Thinking it was Summer, napatawid siya agad nang wala sa oras para maabutan ito. Ayon lang ay hindi niya napansin ang sasakyang kasalubong niya. Nahinto siya sa gitna ng kalsada at napalingon dito. Nasilaw siya sa liwanag nito, nabitawan niya ang kanyang payong, naramdaman niya ang pagbagsak ng malakas na ulan kasabay nang pagtama ng kotse sa kanyang balakang. Reign’s whole life flashed before her eyes when she fell to the ground. Her friends, career, and family. She knew she had accomplished a lot of things, and her greatest accomplishment is being a mother. But there’s this void inside her that wouldn’t disappear. And no matter how hard she tries to fill this void it just keeps on growing. Hindi ganuon kalakas ang naging pagtama ng sasakyan kay Reign. Ngunit dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod kaya siya tuluyang bumagsak sa sahig. Agad namang bumaba ang driver ng kotseng nakabangga sa kanya upang rumesponde. Nilapitan siya nito at mabilis na tinulungan. Gusto sana siyang dalhin ng lalaking nakabangga sa kanya sa ospital pero mas pinili niyang umuwi sa bahay. Mas pinili niya ang kanyang pamilya kaysa sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD