Kabanata 7

2456 Words
PAG-UWI sa bahay, agad inasikaso ni Daxon ang mga anak – pinaliguan at pinakain niya sina Summer at Sky na ngayon ay mahimbing nang natutulog sa kanilang kwarto. Inihilamos ni Daxon ang mga kamay sa mukha bago pabagsak na naupo sa sofa. Ramdam niya ang matinding pagod dahil sa trabaho at paghahanap kay Summer ng halos buong gabi. Dumagdag pa rito ang pag-aasikaso niya sa mga bata kasabay ng ilang gawain sa bahay tulad ng pagluluto, paghuhugas ng mga pinagkainan, at paglilinis. Hindi niya tuloy maisip ngayon kung paano kinakaya ni Reign gawin ang mga ito araw-araw. After just a few hours of taking on Reign's role as a mother, he already felt exhausted. Paano pa kaya si Reign? Ito ang naitanong niya sa sarili. Hindi naging maganda ang unang reaksyon niya noong nalaman mula kay MJ ang tungkol sa pagpunta ni Reign sa Batangas sa kabila ng kanyang pagtutol. Ngunit dahil sa kanyang naranasan ngayon, unti-unti niyang naunawaan ang pinanggagalingan nito. As he reflected on the events of that night, he came to a realization: maybe his wife just wanted to take a break. Maybe she just wanted to breathe, to have some time to herself. And he felt guilty for being so selfish and not allowing her to have that. Tuloy ay napaisip din siya kung tama nga kaya ang naging desisyon nilang hindi mag-hire ng katulong pati na rin ang hindi paghingi ng tulong sa kanyang nanay. Pakiramdam niya kasi dahil sa pagiging overprotective niya kaya umabot sila sa ganitong sitwasyon – Reign left secretly and they put Summer’s life in danger. Ang mga bagay na ito ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Daxon ngayon imbes na problema sa Savage Enterprises. Nakaupo sa dilim, tanging liwanag galing sa ilaw sa labas ng bahay ang nagbibigay liwanag sa kanyang pwesto. Kahit maaga pa ang pasok kinabukasan dahil sa importanteng client meeting, hindi niya balak matulog hangga’t ‘di nakakauwi si Reign. Hindi pa rin niya ito matawagan hanggang ngayon. Pero nang tanungin niya si MJ, nalaman niyang nagmadali nang bumalik si Reign sa Maynila. Inasahan niyang kanina pa dapat nakauwi ang asawa. Pero ngayon ay kinakabahan na siya dahil wala pa rin ito sa bahay nila hanggang ngayon. Wala rin siyang tawag o text na natatanggap. Pakiramdam niya ay may masama nang nangyari rito. Mas inaalala niya ang kaligtasan nito ngayon higit pa sa kahit anong bagay. And just as he was about to leave the house to search for her, Daxon's eyes caught a glimpse of movement outside. He rushed to the window and saw a car pulling up to their gate. He quickly grabbed his phone and checked the live feed from the CCTV camera installed in front of their gate. On the screen, he saw his wife stepping out of the car with a man he didn't recognize. Inalalayan ng lalaking estranghero si Reign pababa ng sasakyan at pinayungan pa. Daxon's emotions were a swirling mix of fear, anger, and worry as he watched the man walk Reign to their gate. He gritted his teeth and clenched his fists, not knowing who this stranger was or what his intentions were. Kaya naman wala na siyang segundo pang sinayang. Kinuha niya ang payong nila at nagmadali palabas ng bahay. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib habang naglalakad palapit sa dalawa, nakatitig ng malamig sa lalaking kasama ng asawa. At bago pa man lumingon si Reign sa kanyang direksyon, dumausdos ang braso ni Daxon sa beywang nito, pilit hinila palapit sa kanya – palayo sa lalaking estranghero. *** The rain poured relentlessly as Reign gazed out the car window. Her heart raced as she mentally counted the minutes until she could be home with her children. “I’m so sorry. I didn’t see you running. Are you sure you don’t want me to bring you to the hospital?” tanong ng lalaking nakabangga sa kanya, bakas ang pag-aalala sa mukha. Dahil sa pagkakamali nito ay pumayag itong ihatid pauwi si Reign. At mabuti na lang din ito dahil sa lakas ng ulan, malabong makahanap pa siya ng masasakyan. “Okay lang. Pakibilisan mo na lang, please. Nagmamadali kasi talaga ako,” sagot ni Reign, lumilipad pa rin ang isip. “I’m Dexter Sandoval. Dex for short. And you’re?” the man spoke again. “Reign,” simpleng sagot niya. Medyo kinabahan si Reign nang marinig ang pangalan ng lalaki. Paano’y katunog ito ng pangalan ng asawa. At kinakabahan siyang makita ito ngayon dahil sa pagkakamaling nagawa. Sinubukan ulit ni Reign buksan ang phone niya. Pero hindi talaga nagliliwanag ang basag na screen nito. Kaya nang mapagtantong wala na talaga itong pag-asa ay hindi na siya nakatiis pa. She turned to Dex and asked, “Pwedeng manghiram ng phone?” “Ah sure. Here.” Inabot ni Dex ang kanyang phone. Nalagay na ni Reign ang numero ni Daxon para tawagan. Ngunit bago pa niya ito tuluyang ma-dial ay nagdalawang-isip siya. Palagay niya kasi’y galit ito dahil sa nangyari sa kanilang anak. Siguradong alam na nito ang pagpunta niya sa Batangas. Tingin niya’y sinisisi siya ngayon nito dahil sa pagkawala ni Summer. Dahil mas gusto ni Reign kausapin ng harapan si Daxon ay binalik na lang niya ang phone ni Dex. “Tapos na?” nagtatakang tanong ni Dex dahil parang wala namang ginawa si Reign sa phone niya. “Ah oo. Hindi ko pala kabisado ‘yung number,” pagsisinungaling ni Reign. Pagtingin ni Dex sa phone niya, nakita pa niya ang kumpletong numero ng dapat sana’y tatawagan nito. Gusto man niyang tanungin kung bakit hindi nito tinuloy ang pag-contact dito ay hindi na niya ginawa pa dahil baka ‘di ito maging kumportable. Tumingin na lang ulit si Reign sa bintana ng kotse. Tumitig lang siya rito buong byahe, hindi iniisip kung sino ang kasama niya o kung ano man ang nangyari sa kanya. Ang importante lang sa kanya ay makauwi kaagad. Tuloy ay lingid sa kanyang kaalaman, nakailang sulyap na si Dex sa kanya. He was both curious and in awe of her. He wondered why she suddenly appeared in the middle of the road while it was raining, looking lost and helpless. Hindi rin niya mapigilang humanga dahil kahit basa ito ngayon ng ulan, makikita pa rin sa mukha nito ang natural na ganda. Nang mapansin ang paghawak ni Reign sa braso dahil sa lamig, agad na kinuha ni Dex ang jacket niya at inabot dito. Hindi na sana ito tatanggapin pa ni Reign pero kinuha na lang niya ito at pinatong sa ibabaw ng kanyang hita. Nirespeto naman ni Dex ang katahimikang kailangan niya at nagpatuloy lang sa nagmaneho. Pagdating sa address na binigay ni Reign, unang bumaba si Dex para buksan ang pinto. Inalalayan niya ito pababa lalo nan ang makitang medyo iika-ika itong maglakad. Lalo nga lang siyang na-guilty dahil dito. Naisip niyang sana’y dinala na lang niya ito sa ospital para makasiguradong hindi masama ang tama nito. “If you decide to go to the hospital, here’s my calling card,” sabi ni Dex sabay abot ng kanyang calling card. Kinuha naman ito ni Reign at basta nilagay sa bag na dala sabay balik ng jacket ni Dex. “Salamat. Okay na ‘ko—” To her surprise, Daxon appeared beside them, wrapping his arm around her waist and pulling her close to him. She winced in pain as his grip touched the spot on her hip where Dex’ car had hit her earlier, but she tried to hide it. Nakita ni Dex ang bahagyang pagkunot ng noo ni Reign. Nag-alala siya lalo rito kaya hindi napigilang magsalita. “Good evening, I’m Dexter Sandoval. Dex na lang,” pakilala niya sa sarili kay Daxon. “I think you shouldn’t touch her there—” “Thanks for bringing my wife home, Mr. Sandoval. But you don't have to tell me how I should touch my wife,” Daxon interrupted him. Bumilog ang bibig ni Dex. Magkahalong dismaya at pagtataka ang naramdaman niya. Dismayado dahil pamilyado na ang babaeng gusto pa sana niyang mas makilala; nagtataka dahil kung may asawa siyang tulad ni Reign, he would never let her venture out alone in such harsh weather, especially not at night. “No need to thank me. I actually—” Dex tried to say. “Thank you ulit, Dex. Masyado na kitang naabala. Okay na kami rito,” pagputol ni Reign kay Dex. Ayaw na niyang palakihin pa ang nangyari ngayong gabi. Mas importante sa kanyang malaman kung anong nangyari sa kanyang mga anak. Panay naman ang pag-igting ng panga ni Daxon habang pinapanuod mag-usap ang dalawa. Hindi niya mapigilan ang sariling emosyon. Oo’t nagseselos siya. Naranasan na niya ito noon ng maraming beses. But he always tried to keep it under control. He was afraid that his jealousy would scare Reign, but he couldn't help the possessive thoughts creeping into his mind. “You know your way out,” sabi ni Daxon kay Dex nang hindi pa ito umalis sa harapan nilang mag-asawa. Sensing that he was no longer welcome to stay, Dex knew he had to leave. "Just contact me if you need any help," he said to Reign. As he walked away, part of him wished he had asked for her number instead of giving his. Pag-alis ni Dex ay dito na hinarap ni Reign si Daxon. Hinawakan niya ang asawa sa braso. “Si Summer? Nahanap niyo na ba siya?” Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Nangingilid na naman ang luha sa mga mata. Nakita naman ito ni Daxon. Alam niyang nag-aalala ng sobra ang asawa para sa mga anak. Pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya para rito. Napansin niya kasing basang-basa ito, marahil ng ulan. “Pumasok na muna tayo sa loob,” sabi ni Daxon. Hindi niya alam kung anong nangyari rito pero mas importante para sa kanya na hindi ito magkasakit. Ngunit bago pa man makapaglakad, hinigpitan ni Reign ang hawak sa braso ni Daxon. “Please, just let me know that she’s safe,” pakiusap nito. Bumuntong-hininga si Daxon bago siya tuluyang sinagot. “Yes. She’s safe. We found her.” Malaking bigat sa dibdib ang nawala kay Reign dahil sa nalaman. Dito lang niya naramdaman ng tuluyan ang kirot na dulot ng pagkabangga sa kanya kanina. Ngunit hindi niya ito ipinahalata kay Daxon nang maglakad na sila papasok sa bahay. Tahimik lang ang dalawa sa pagpasok sa loob. Para bang pinapakiramdaman ang isa’t isa. Dito lang din binuksan ni Daxon ang ilaw na nagbigay liwanag sa buong sala. Bumungad sa kanila ang wedding picture nila na unang-unang makikita pagpasok sa bahay. Masaya sila sa tuwing nakikita ito noon, pero ngayon ay parehong may bigat sa kanilang dibdib. It was as if every step they took towards it brought them further apart. Pinaupo muna ni Daxon si Reign sa sala. Dumiretso siya sa kwarto nila at kumuha ng towel. Inabot niya ito rito bago nagpunta sa kusina kung saan pinagtimpla naman niya ito ng mainit na tsokolate. Hindi naman napigilan ni Reign ang sarili at nagpunta sa kwarto ng mga anak. Sinilip niya ang mga ito at nakahinga ng maluwag pagkakitang mahimbing nang natutulog ang dalawa. Rito na bumagsak ang luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan. “Kumain na ba sila?” nag-aalangang tanong ni Reign kay Daxon. She was aware that he wouldn't leave their kids hungry before bedtime, but as a mother, she felt the need to double-check. “Oo. Pinagprito ko na lang sila,” simpleng sagot ni Daxon. “Kumain ka na ba?” tanong naman niya pabalik. Bakit nagpunta ka sa Batangas? Bakit hindi ka nakinig sa ‘kin? Sabi ko naman sa ‘yo alagaan mo ang mga bata. Tingnan mo ang nangyari kay Summer. Ikaw ang may kasalanan. – ilan lang ito sa mga bagay na inasahan ni Reign na maririnig mula kay Daxon. Kaya naman mas nakonsensya siya nang tanungin nito kung kumain na siya. Dapat ay makahinga siya ng maluwag dahil iniisip siya ng asawa, pero may parte sa kanyang umaasang magagalit ito para masabi na niya ang lahat ng nararamdaman niya. She wanted him to give her a reason to lay her heart bare. Dahil hindi nakasagot si Reign, ginawan na lang siya ng sandwich ni Daxon. Nasa sala si Reign at nasa kusina siya nang casual niyang kumustahin ito. “Tumuloy ka sa Batangas?” panimula ni Daxon. G “Oo. Kailangan kasi talaga ng tulong ni Kuya,” balik ni Reign at pinagsisihan niya nang magbigay pa siya ng paliwanag dahil pakiramdam niya’y naging defensive siya. “Wala bang ibang pwedeng mag-judge bukod sa ‘yo?” Nagtuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap nila. Reign was taken a back. Alam niyang may punto kasi ang asawa. “Siguro. Pero minsan lang kasi mag-request ang kapatid ko kaya pinagbigyan ko na.” “Iyon lang ba talaga ang dahilan?” Gustong marinig ni Daxon na gusto ni Reign makahinga. He wanted her to be honest about her feelings. Pero iba ang naging dating ng tanong niya sa asawa. At lumihis na rin ang pag-uusap nila dahil dito. “Look, Dax… I’m sorry that I left without telling you. Babalik naman ako kaagad pagkatapos para sunduin sina Summer—” “Look what time it is. Sa tingin mo ba mahihintay ka ng mga anak natin sa eskwelahan ng ganitong oras? Ano bang nangyari sa ‘yo?” Lumapit si Daxon kay Reign dala ang inumin at pagkaing inihanda. Pagdating sa sala ay binaba niya ang mga ito sa lamesita at naupo katabi ng asawa. Reign felt like he was finally blaming her for what happened. Hindi niya naisip na mas nag-aalala sa kanya ang asawa. “Hindi ko naman inasahang uulan at mata-traffic ako ng sobra…” Marami pang gustong sabihin si Reign but she didn’t want them to sound like mere excuses. “Akala ko ba nagkasundo na tayong ‘di ka pupunta?” nakakunot-noong tanong ni Daxon. “Ikaw lang ang may gustong hindi ako pumunta,” mariing saad ni Reign. At hindi niya alam kung saan nanggaling ang sunod niyang sinabi kay Daxon. “Ilang beses ko bang kailangang tanggihan ang mga personal na bagay sa buhay ko para lang mapanatili kong buo ang buhay mo?” Natigilan si Daxon sa matalim na tanong ni Reign. Bumalik sa kanya ang araw kung kailan muntik na silang magkahiwalay dalawa. Akala niya ay phase lang iyon na kailangan nilang lagpasan bilang mag-asawa pero ngayon ay pakiramdam niya, bumalik na naman sila sa puntong iyon. "Is this still not the life you want, Reign?" Daxon asked, feeling his heart shatter into a million pieces.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD