Kabanata 8

2515 Words
MAHAL ni Reign si Daxon, lalo na ang kanilang mga anak. Maraming pagsubok na ang dumating sa buhay nila, ngunit nakaya nilang malagpasan ang mga ito nang magkasama. However, they never expected that their biggest problem would come from within their own hearts. Magkatabing nakaupo sa sala, tahimik na nakatingin sina Reign at Daxon sa kanilang family photo na nakasabit sa pader. Malawak ang kanilang ngiti sa larawang ito, karga ni Reign si Summer, at si Daxon naman ang may dala kay Sky. “Kailangan na siguro nating i-update ‘yung family photo natin,” pagpuna ni Reign sa kanilang litrato, bagay na alam niyang hindi importante sa ngayon ngunit gusto niyang humanap ng diversion. “Magpa-schedule tayo ulit kay Quinn,” simpleng tugon naman ni Daxon. Kaibigan nila si Quinn. At photographer ito kaya ito ang nilalapitan nila pagdating sa ganitong bagay. Muli namang natahimik ang dalawa. Kapwa mabigat ang paghinga. Nag-aalangan silang balikan ang naging mainit nilang pag-uusap, natatakot sa mga sugat na maaaring mabuksan. Ininom ni Reign ang tinimplang tsokolate ni Daxon na ngayon ay malamig na. What if this is not the life I want? Napapikit nga lang siya nang biglang narinig ang sariling boses. Tanda niyang ito ang tanong na minsan niyang binitawan kay Daxon. At dahil nabanggit ito ng asawa ngayong gabi, mukhang tulad niya ay hindi pa ito nakakalimot. Hindi maipaliwanag ni Reign ang nararamdaman noong tinanong niya ito kay Daxon. Kaya bumuhos na lang bigla ang luha niya nang hindi niya inaasahan. At dahil pinangunahan ng halu-halong emosyon at takot, pinaniwala niya ang sarili na hindi rin niya alam kung anong nararamdaman niya – kung anong gusto niya. In the end, she lied to herself and to the man she vowed to love for better or for worse. Sinabi ni Reign kay Daxon noon na kaya niya naitanong ito ay dahil pagod lang siya. At anong ginagawa kapag pagod? Nagpapahinga. Binigay naman sa kanya ni Daxon noon ang pahingang kailangan niya. Nag-leave ito ng isang Linggo, tumulong sa pag-aalaga ng mga bata maging sa pag-aasikaso sa bahay, at nakailang pasyal din sila sa labas. Naging masaya naman si Reign pero hindi niya maalis ang pakiramdam na parang may kulang. But she wasn't brave enough to be honest about her feelings, so she didn't say anything. Hanggang sa isang kisapmata lang ay natapos ang isang Linggo. Gustong makuntento ni Reign sa binigay na pahinga ng asawa. Kaya sinabi niyang naayos na ang problema at bumalik lang sila sa dating setup. Ngunit sarili lang din niya ang kanyang niloko. The exhaustion and dissatisfaction that she had been feeling before had come back with a vengeance. It was like a wound that had been covered up without proper treatment, and now it was more painful than ever before. “Saan niyo nakita si Summer?” tanong ni Reign. At dito kinwento ni Daxon kung anong nangyari buong gabi sa paghahanap nila sa anak. Nangilid ang luha ni Reign dahil dito. Pakiramdam niya ay nagkulang siya ng sobra bilang nanay. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili. “Bakit hindi ka matawagan buong maghapon?” tanong naman ni Daxon pabalik. “Nag-alala ko ng sobra,” dagdag pa niya. Pero imbes na pag-aalala, sumbat ang naging dating ng tanong ni Daxon kay Reign. Pakiramdam niya, naiinis ito dahil hindi siya ma-contact noong nawawala ang anak. Pakiramdam niya, gusto nitong iparating na wala man lang siyang naitulong. “I’m sorry. Nabagsak kasi ‘yung phone ko. Ayaw magbukas,” pag-amin niya. Mabigat pa rin ang dala-dala sa dibdib. “Sorry kung tumuloy pa rin ako sa Batangas nang hindi nagsasabi sa ‘yo. Nagkamali ako,” dagdag pa niya kahit na ayaw niyang tanggapin na pagkakamali ang naging pagpili sa sarili. Daxon wanted to console Reign, to let her know that the accident wasn't entirely her fault. Ngunit hindi niya ito nagawa dahil may ibang bagay na tumatakbo sa isip niya. He couldn't shake the feeling that Reign wasn’t truly happy with their life. May kutob siyang hindi lang basta pagod ang naramdaman ng asawa noon. Pero takot siyang pilitin itong sumagot ngayon, takot siyang maungkat ang problema nila dahil baka iwan siya ng asawa katulad ng nagawa niya noon. Takot siya sa sariling multo. “Sa susunod, kung gusto mo talagang umalis. Lapitan mo na lang si Mama para tumulong sa pagbabantay sa mga bata.” Ito na lang ang nasabi ni Daxon imbes na magbigay pa ng komento sa paghingi ng tawad ni Reign. Ito ang solusyong naiisip niya kahit mabigat sa kanyang loob dahil hindi naman niya pwedeng pigilan ang asawa. Lalo nga lang bumigat ang pakiramdam ni Reign. Nakumpirma kasi niyang sinisisi siya ng asawa sa nangyari sa anak dahil hindi ito nagbigay ng kahit anong komento sa paghingi niya ng tawad. And then he suggested a compromise, which Reign knew wasn't what he truly wanted. “Pero ‘di ba ayaw mong binabantayan ng Mama mo ang mga anak natin?” pagkumpirma ni Reign. Si Daxon kasi ang nagsabi sa kanya noon na hindi ito kumportable na iniiwan nila ang anak sa nanay. At hindi man nito aminin, alam ni Reign na may kinalaman pa rin ito sa madilim na nakaraan ng mga Savage. Mr and Mrs. Savage physically abused Daxon for years as their way to discipline him. “Wala naman tayong ibang choice. Ayaw ko ring magtiwala sa ibang tao,” sagot naman ni Daxon bago bumuntong-hininga. At dahil ramdam ni Reign na mabigat para kay Daxon ang desisyon, nagdesisyon siyang magsakripisyo pa rin para sa pamilya. Tipid siyang ngumiti bago nagsalita. “Isang beses lang naman ‘yung kay Kuya. Don’t worry, hindi na ‘yun mauulit,” sabi niya na para bang wala nang problema ngayon. She had learned to mask her emotions, something that the old her would not have been able to do. Pinagmasdan ni Daxon ang mukha ni Reign. Pero agad itong nag-iwas ng tingin at tumayo. “Magpahinga ka na. May pasok ka pa ng maaga bukas. Maliligo na ‘ko,” sabi ni Reign. Kinuha niya mula sa lamesita ang ginawang inumin at pagkain ni Daxon at nilagay sa ref. She didn't dare look back at him, afraid he would see the truth. Gusto mang sabihin ni Reign ang totoong nararamdaman niya ngayong gabi ay hindi na niya alam kung saan magsisimula. Kaya mistulang umatras na naman ang kanyang dila. How could she possibly admit that sometimes she wished she wasn't a wife or a mother? How could she possibly confess that she had not experienced life to the fullest? She knew it would break his heart and make him feel like he had failed to give her the happiness he promised during their wedding. But now, Reign realized that she had failed too. She failed to trust him to carry her burden. *** Maaga pa ring nagising si Reign kinabukasan. Masakit man ang katawan at nanlalata ng sobra, pinilit pa rin niyang bumangon dahil kailangan. Nagtaka nga lang siya nang mapansing wala na si Daxon sa kanilang kwarto. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata para makasigurado. Sinilip niya ang banyo dahil naisip niyang baka naliligo lang ito. Pero bakante ito. At nang magpunta naman siya sa kwarto ng mga anak ay wala rin ang asawa rito. And then it hit her, wala si Daxon sa buong bahay nila. Kinabahan naman si Reign dahil nagkaroon sila ng pagtatalo noong nakaraang gabi. Kaya agad siyang bumalik sa kwarto at sumilip sa cabinet nilang mag-asawa. Nakahinga siya ng maluwag kahit papaano nang makitang nandito at kumpleto pa ang mga gamit ni Daxon. Takot lang si Reign maiwan ulit. Minsan kasing naglaho ng parang bula si Daxon. Napailing na lang siya nang maalala ito. It was the worst time of her life, not knowing when or if he would come back, especially because she was pregnant with their twins at that time. Kung wala ang kanyang pamilya at mga kaibigan, hindi niya alam kung paano niya malalagpasan ang yugtong iyon ng kanyang buhay. Naisip naman ni Reign tawagan si Daxon para malaman kung nasaan ito pero rito lang niya naalalang sira nga pala ang kanyang phone at kailangan pa niyang magpagawa o bumili ng bago. At dahil anong oras na, walang choice si Reign kung hindi isipin na lang na maagang pumasok ang asawa dahil sa importanteng meeting. Ito naman kasi ang palaging dahilan ni Daxon sa kanya. Sa kabila ng masamang pakiramdam, nagmadali na si Reign sa pag-aasikaso sa mga bata dahil papasok pa ang mga ito sa eskwela. Ginawa naman niya ang dating routine, nagluto, nagpaligo, at naghatid sa eskwela. Nasa harap na sila ng classroom pero kinausap muna ulit ni Reign si Summer. “What’s your promise to, mommy?” tanong niya. Nakababa siya para maging magkalebel sila. “I will behave,” mahinang sagot ni Summer. “Ano pa?” Tinaas ni Reign ang dalawang kilay, encouraging her daughter to say the right words. “I will stay close to Kuya—but he doesn’t want to!” Natawa si Reign sa agad pagbawi ni Summer sa sagot. “Stay close to your brother. Kinausap na ni Mommy si Kuya Sky, okay?” sabi pa ni Reign. Tumango-tango naman si Summer. “And I won’t go anywhere without Mommy.” Ito ang huling sinabi ni Summer bago niya niyakap si Reign at tumakbo papasok ng classroom. Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Reign. Hindi niya ito sinabi sa anak pero mukhang ito ang dahilan kung bakit tumakas sa eskwela si Summer. Gusto lang daw nitong umuwi. Pero ang tingin ni Reign ngayon, gusto nitong umuwi para samahan siya. Alam kasi ng anak na mag-isa lang siya palagi sa bahay kapag nasa eskwela silang magkapatid. May luhang tumakas sa gilid ng mata niya kaya agad naman niya ‘tong pinalis. Pagtayo niya, muntik na siyang ma-out of balance pero mabuti at may kananay siyang umalalay sa kanya. Dahil sa adrenaline rush kaya habang inaasikaso ang mga bata, parang namanhid si Reign. Hindi niya alintana ang masamang pakiramdam. Ngunit nang makabalik na siya sa bahay, dito lang niya naramdaman ang init ng buong katawan maging ang sakit ng likod. Didiretso sana siya sa mall para sa cellphone pero nagdesisyon siyang manatili na lang sa bahay at magpahinga. Naisip ni Reign na simpleng back pain lang dahil sa gawaing bahay ang nararamdaman niya. Naulanan din siya kagabi kaya nilalagnat. Kaya naman pagkatapos uminom ng gamot, nahiga na siya sa kama at itinulog ang sakit ng katawan. Ngunit mukhang nagkamali siya ng desisyon. Nagising kasi siya nang namimilipit sa sakit. Dito niya napagtantong hindi na niya kayang tiisin pa ito. Dadalhin niya sana ang sarili sa ospital pero nahirapan siyang makalakad dahil sa sobrang sakit ng likod niya. Kaya naman naisipan na niyang hingan ng tulong ang asawa. Kinuha niya ang phone niya pero wala pa rin itong silbe dahil sira. Kaya dumiretso na siya sa telepono nila sa bahay at tinawagan ang nag-iisang numero na kabisado niya. Paulit-ulit na binibigkas ni Reign sa isip niya ang pangalan ng asawa habang panay ang ring sa kabilang linya. She called three times, but no one answered. Naisip niyang baka nasa importanteng meeting ito kaya hindi siya masagot. Tinatagan na lang niya ang loob at pinilit tumayo at maglakad bitbit ang kanyang handbag. Ngunit bumigay din siya ilang minuto lang kaya nabitawan sa sahig ang hawak. Tumapon ang ilang laman nito na kinailangan pa niyang pulutin. Naiiyak na siya sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Naalala niya noong minsan din siyang nagkasakit ng malala. Mag-isa lang din niyang tiniis ang sakit… Natigilan nga lang si Reign nang makakita ng calling card. Naalala niyang galing ito sa lalaking tumulong sa kanya noong nagdaang gabi. Agad niya itong pinulot at bumalik sa telepono. Naisip niyang tawagan ito para mahingan ng tulong dahil wala na siyang ibang numerong alam. And as soon as his phone rang, Dex picked up. *** Daxon's heart raced as he rushed to his office after an important meeting. Niluwagan niya ang suot na necktie para makahinga ng maluwag. Mayroon silang nilulutong proyekto kaya abala at sobrang stress ang lahat ng department. ‘Ni hindi na nga siya nakapag-breakfast at lunch dahil marami pa siyang dokumentong kailangang i-review at pirmahan bukod sa sunod-sunod na mga meeting. As he finally reached his office, he noticed his phone had several missed calls from home. Kinutuban naman siya ng masama kaya tinawagan niya agad ang cellphone number ni Reign. Ayon nga lang, hindi pa rin niya ito ma-contact. Dito niya naalalang sira ang phone nito kaya hindi niya talaga matatawagan. Kaya naman sinubukan na lang niya itong tawagan sa landline. At agad siyang nadismaya nang ‘di pa rin pumapasok ang kanyang tawag. Nag-iisip na tuloy siyang bilhan ng napakaraming telepono at cellphone si Reign dahil ayaw niya ang pakiramdam na hindi niya ito ma-contact. Inihilamos ni Daxon ang mga kamay sa mukha, sobrang frustrated dahil sa magkahalong pag-aalala at pagod. Ano kaya ang dahilan kung bakit ako tinatawagan ni Reign? tanong niya sa sarili. Pinagdadasal niyang walang masamang nangyari... baka kasi mas malala pa ito kaysa sa nangyari sa kanilang anak. Sinubukan naman ni Daxon ituloy ang pagtatrabaho. However, as he tried to push away any negative thoughts, he failed miserably. Kaya naman ilang sandali lang, tumayo na siya at lumabas ng opisina. Dito niya nakasalubong ang kanyang sekretarya na nagulat sa pagmamadali niya. “Sir, may meeting pa po kayo na pina-move niyo kahapon—” “Move it again,” mariing pagputol ni Daxon nang walang pagdadalawang-isip. Dumiretso siya sa bahay nila. Una niyang napansin na naiwang bukas ang front door. Dito pa lang ay kinutuban na siya ng masama. Tumindi pa ito nang pagpasok niya, nakita niya ang nakakalat na gamit ni Reign maging ang teleponong nakalaylay sa sahig. Ito pala ang dahilan kung bakit ‘di pumapasok ang tawag niya. Despite his efforts to calm himself down, he couldn't help but feel anxious as he looked around the house. Kumpleto pa rin naman ang mga gamit nila, pero si Reign lang ang hindi niya makita. Tuloy ay sinilip agad ni Daxon ang cabinet nila, siniguradong nandito pa ang mga gamit ni Reign. Dahil sa kanilang pagtatalo, naisip niyang baka bumalik na naman si Reign sa Batangas, sa bahay ng mga Valderrama. Minsan na kasi itong nagawa ni Reign. Nagkulong ito sa kwarto at noon din nag-demand ng annulment. Takot siyang maulit ito. In desperation, Daxon decided to check the CCTV footage outside their gate, hoping to find any clues about Reign’s location. As he watched in agony, he saw a car pull up. Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang mapagtantong ito rin ‘yong sasakyang nakita niya kagabi. Lumabas mula rito ‘yong lalaking naghatid kay Reign kaya nakumpirma niyang tama siya. Umigting ang panga ni Daxon nang makitang pumasok sa gate nila ‘yong lalaki. At ilang minuto paglabas nito, bitbit na nito si Reign! Daxon trembled in fear and disbelief as he watched the man put his unconscious wife in the passenger seat and drive away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD