REIGN woke up to the strong scent of cleaning products and soap. It was a harsh, sterile smell that lingered in the air and left a bitter taste in her mouth.
Nang imulat niya ang mga mata’y kulay puting kisame ang una niyang nakita. Nasilaw siya sa liwanag galing sa kwarto kung nasaan siya at muling napapikit ng mariin. Sinubukan niyang alalahanin ang nangyari bago siya napunta sa kasalukuyang sitwasyon.
Ang huling natatandaan ni Reign ay nasa bahay siya, nasa sahig at namimilipit sa sakit. Hindi niya matawagan si Daxon, at dahil wala siyang numero ng mga kaibigan at kamag-anak nila ay wala siyang mahingan ng tulong sa kanila. Napilitan siyang tawagan si Dex gamit ang business card na binigay nito.
Alam ni Reign na nagawa niyang tawagan si Dex. Nakahingi siya ng tulong dito bago nawalan ng malay. At ngayon nga’y pagdilat niya, nakumpirma niyang nasa ospital siya. May kutob siyang si Dex ang nagdala sa kanya rito. She couldn’t have teleported here, she thought.
Napalingon si Reign sa pinto ng kwarto nang bumukas ito. Kahit alam niyang malabo, may parte sa loob niyang umasang si Daxon ang papasok dito. Kaya naman nadismaya siya nang makitang si Dex pala ito.
Nakita ni Dex na gising na si Reign kaya nagmadali siyang umalis. Ilang sandali lang ay may mga nurses at doktor nang nagpunta sa kwarto. Tiningnan ng mga ito ang lagay ni Reign at pagkatapos ay nagbigay ng ilang paalala.
Kailangang magpahinga ni Reign dahil hindi lang dahil sa ulan kaya siya nagkaroon ng mataas na lagnat. The doctor also attributed it to stress and overfatigue.
Nakita rin nila ang malaking pasa sa bandang likuran ni Reign, malapit sa beywang. Dahil ito sa aksidenteng ‘di niya binigyang pansin. Ito ang sanhi ng pagkakaroon niya ng severe back pain.
A thorough examination was conducted to assess the extent of the damage. Several tests were performed, but fortunately, no fractures or more serious complications were found.
“Salamat po, Dok. Ano na pong kailangan kong gawin ngayon?” tanong ni Reign. Masama pa rin ang kanyang pakiramdam pero mas maayos na siya kumpara noong nasa bahay siya.
“Ang kailangan mo talaga ngayon ay pahinga. Your ligaments need to heal. Kaya kailangan mo rin munang limitahan ang kahit anong physical activity, lalo na ang pagbubuhat ng mabibigat,” sabi ng doktor bago binalingan ng tingin si Dex na tahimik lang na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Nag-iisip kung ano pang pwede niyang maitulong kay Reign. “Mukhang malaki naman ang pangangatawan ng mister mo kaya wala kang dapat ipag-alala,” the doctor joked. Despite being in his late fifties, he seemed lively and cheerful.
Nanlaki naman ang mga mata ni Reign. “Ay hindi ko po siya asawa,” paglilinaw niya kaagad.
“Ah eh ‘di boyfriend?” pangalawang subok ng doktor.
“Hindi rin po,” balik ni Reign na magsasalita na sana para linawin ang relasyon nila nang maunahan pa ng maligalig na doktor.
“Kaibigan?” Inayos ng doktor ang pagkakasuot ng kanyang salamin habang nagpapabalik-balik ang tingin sa dalawa. He was obviously hoping he got it right this time.
Sabay na pinuno nina Reign at Dex ang kanilang bibig nang ‘di namamalayan bago napatingin sa isa’t isa. Hindi tuloy nila napigilan ang pagtawa nang makitang pareho sila ng reaksyon sa doktor. It was a habit that Reign would often do whenever she felt frustrated, lost in thought, or needed to process things. Nagulat siya nang makitang katulad niya rin si Dex.
“Magkaibigan nga,” nangingiting pagkumpirma ng doktor dahil sa nasaksikhan. “I hope your friend can help you out. May mga gamot kang kailangang inumin para maibsan ang sakit ng likod mo.” At dahil tapos na ang pag-check nila kay Reign ay umalis na rin sila pagkatapos ng huling bilin.
Naiwan muli ang dalawa sa kwarto, hindi nalinaw ang kanilang relasyon.
“We can be friends, right?” paglilinaw ni Dex, nagbabakasakaling hindi na tatanggihan pa ni Reign ang pakikipagkaibigan sa kanya gayong ito na ang tingin ng ibang tao.
Dito naman naging seryoso si Reign. Naalala niya ang naging engkwentro nina Dex at Daxon noong nakaraang gabi. Gusto man niyang makipagkaibigan kay Dex dahil para sa kanya ay wala itong malisya, mas inalala niya ang iisipin ng asawa oras na malaman nito na magkaibigan sila.
Noon pa nga lang ay nagkaroon na sila ng minsang pagtatalo dahil sa pakikipagkaibigan niya kay Migz, na ngayon ay asawa na ni Bobbie. Paano pa kaya kung maging kaibigan niya ang isang estrangherong tulad ni Dex?
“Thank you sa pagtulong sa ‘kin.” Ito na lang ang sinabi ni Reign. Naisip niyang sapat na siguro ito para ipaintindi kay Dex na wala siyang intensyong makipagkaibigan. Malaki ang pasasalamat niya sa tulong nito at hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay. She respects her husband so much that she wouldn't even want to give him something to worry about.
Matalino si Dex kaya naintindihan niya ang gustong iparating ni Reign sa kanya. Tinanggap naman niya ito dahil alam niyang wala siya sa pusisyon para mag-demand ng pagkakaibigan sa taong naperwisyo niya.
“Hindi mo naman kailangang magpasalamat. Ako ang may kasalanan kaya nandito ka sa ospital ngayon,” balik ni Dex, may pagsisisi sa boses. He felt that he was the one to blame. He could have insisted on taking her to the hospital on the night of the accident, but he didn't push the matter. Tingin niya’y kung pinilit niya si Reign, hindi na umabot pa sa ganito.
“Pero tinulungan mo naman ako. Iyon ang mahalaga,” sabi ni Reign dahil alam niyang siya rin ang may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nag-offer naman si Dex na dalhin siya sa ospital pero hindi niya inintindi ang sariling katawan. Alam na niyang masama ang pakiramdam niya ay hindi pa siya agad nagsabi. “Mabuti nga sinagot mo agad ang tawag ko,” dagdag pa niya para mapagaan ang loob ni Dex.
Tipid na ngumiti si Dex. “Papunta na talaga ako sa inyo noong tumawag ka. I just wanted to make sure you were okay. Kaya mabuti na lang malapit na ‘ko sa inyo at napuntahan agad kita.”
Nagulat naman si Reign sa nalaman. She didn't expect Dex to make such an effort to check on her after the accident. Kadalasan kasi ‘yung mga nakakaaksidente ay nagtatago at umiiwas sa abala. This made her realize that he was probably a good person.
Dito nagawang pagmasdan ni Reign si Dex ng mabuti na hindi niya nagawa noong nakaraang gabi.
He has an athletic build, with a clean-shaven face and well-styled hair. His complexion is naturally tan and his height is striking. Mukhang may lahi itong kastila. Kaya para sa iba, siya ang upgraded version ng timeless phrase na “tall, dark, and handsome”.
“Oo nga pala! Bago ang lahat, i-apply na natin ‘to. Baka matunaw na,” sabi ni Dex sabay pakita ng hawak niyang yelo na nakabalot ng tela. “Ang sabi ng doktor, kailangang applyan ng yelo ‘yung pasa mo para mabawasan ang pamamaga,” paliwanag pa niya.
Balak sanang tulungan ni Dex si Reign dahil alam niyang mahihirapan ito. Pero nilahad nito ang kamay sa kanya. Binigay naman ni Dex ang hawak at bahagyang tumalikod para bigyan ito ng privacy.
While Reign was figuring out how to apply ice to the affected area, Dex decided to sit down and appear occupied on his phone. He wasn't really busy all day since he had set aside the entire day for Reign.
Ilang minuto rin ang lumipas habang sinusubukan ni Reign abutin ang kanyang likuran. Pero nang makita ni Dex na nahihirapan talaga ito at baka mas lalo lang masaktan, tumayo na siya at lumapit dito.
“Kaya ko na—”
“Please let me help you. Matutunaw na ‘yung yelo bago mo pa magamit,” pagputol ni Dex kay Reign dahil alam niyang tatanggihan siya agad nito. “Don't worry, I've done this for my sisters before. You can trust me, there's no ulterior motive,” pagkumbinsi niya.
At dahil alam ni Reign na kailangan talaga niya ng tulong dahil sumasakit na ang braso niya, huminga siya ng malalim bago binalik ang yelo kay Dex.
“May kapatid kang babae?” casual niyang tanong, sinubukan niyang ibaling sa iba ang atensyon nang tumalikod siya kay Dex. Naramdaman niya kasi ang dahan-dahan nitong pag-angat sa laylayan ng kanyang blouse. Huminto naman ito nang makita ang parte sa kanyang likod na kailangang lagyan ng yelo.
“Mga kapatid na babae,” paglilinaw ni Dex, a smile tugging at the corner of his lips. “I have three older sisters,” he revealed.
Unang dampi pa lang ng yelo ay napangiwi na si Reign – ‘di niya malaman kung dahil ba sa kirot ba o sa lamig.
“Talaga? May tatlo rin akong Kuya,” pag-amin ni Reign. Lalo niyang napagtanto ang pagkakapareho nila kaya magaan ang loob niya sa binata.
“Pwede bang makipag-trade kahit isa?” tanong ni Dex na nagpatawa kay Reign dahil ito rin ang pakiramdam niya kung minsan kapag naiinis siya sa mga kapatid.
“Kung pwede lang eh. Ano bang feeling ng may ate?” Dahil sa tanong ni Reign ay dito na nagsimulang gumaan ang mood sa pagitan nila. Hindi na niya alintana ang sakit na dulot ng pagdampi ng yelo sa kanyang pasa.
Pinag-usapan pa nila sandali ang tungkol sa mga kapatid nila bago naging seryoso ang topic.
“Bakit pala mag-isa ka lang sa inyo?” tanong ni Dex. Nag-alala talaga siya noong naabutan niya si Reign sa bahay nito na walang malay. Mag-isa ito at hindi naka-lock ang gate at pinto ng bahay. Naisip niyang kung hindi siya dumating, posibleng may mas malala pang nangyari.
“Nasa eskwelahan ang mga anak ko. Nasa trabaho ang asawa ko,” simpleng sagot ni Reign.
“Wala kayong katulong? Wala kang malapit na kamag-anak o kakilala?” tanong pa ni Dex. “How could your husband leave you all alone? Paano kung may emergency katulad ng nangyari ngayon?”
Dahil sa tanong ni Dex ay naalala ni Reign na kailangan niyang masabihan agad si Daxon sa nangyari sa kanya. Baka kasi mag-uwian na ang mga anak nila at hindi na naman niya masundo.
Manghihiram sana ng cellphone si Reign kay Dex nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nahinto si Dex sa pag-apply ng yelo sa kanyang likod. Paglingon ni Reign kung bakit, napasinghap siya nang makita ang pagsalubong ng kamao ni Daxon sa mukha ni Dex. Halos matumba sa sahig si Dex sa lakas ng impact nito, natapon sa sahig ang mga yelo.
“Dax!” saway ni Reign. Hindi siya makapaniwala sa sinapit ng lalaking gusto lang naman tumulong sa kanya. “He was just trying to help me apply ice!”
“Now, he needs to apply it to himself,” madilim ang ekspresyon ng mukha ni Daxon nang sabihin ito.
Dex was pissed off now. Kung noong nakaraang gabi ay nagawa pa niyang intindihin ang tingin niyang kayabangan ni Daxon, ngayon ay pakiramdam niya sumobra na ito.
“Ano bang problema mo?” Hindi na napigilan pang magtanong ni Dex, naglakad siya palapit kay Daxon. Mas matangkad ng kaunti si Daxon sa kanya pero hindi ito naging dahilan para ma-intimidate siya.
"You hit my wife with your damn car, trespassed on our property, and now you have the audacity to lay your hands on her?" Daxon growled, clenching his fists tightly. He took a menacing step forward, his jaw locked in anger. "Let me make myself clear: If I ever see your face around my wife again, you'll regret it.”
Dahil sa madilim na ekspresyon ng mukha ni Daxon, kahit ayaw niya’y nakaramdam ng takot si Dex.
"I'll pay for any damages—”
"You don't have to pay for anything. You just have to leave. Now," pagputol ni Daxon. Ayaw na niyang marinig pa ang boses ni Dex.
Dex looked at Reign, who gave him an apologetic look. Alam niyang sumobra si Daxon sa pagkakataong ito pero gusto niyang silang mag-asawa na lang ang mag-usap tungkol dito. Tumango na lang siya kay Dex para i-acknowledge ang pagtulong nito sa kanya. At dito na umalis si Dex sa kwarto.
Nang maiwan sina Daxon at Reign sa kwarto, natahimik lang silang dalawa ng ilang minuto.
Nakatayo si Daxon, nakatalikod kay Reign. Huminga siya ng malalim, mga ilang beses din, bago niluwagan ang suot na necktie na para bang hindi makahinga.
Napalunok naman si Reign, naninikip ang dibdib. Sinubukan na niyang ihanda ang mga sasabihin. Gusto niyang ipaliwanag ng mabuti ang mga nangyari para wala na itong maging pagdududa pa.
Nang humarap si Daxon kay Reign ay kapwa lumakas ang kabog ng dibdib nila. Bakas ang pamumuo ng luha sa kanilang mga mata.
Akmang magsasalita na si Reign para depensahan ang sarili nang magulat siya sa paglapit ng asawa sa kama niya. Ilang sandali lang ay hinalikan ni Daxon ang kanyang noo. Nagdala ito ng kakaibang init sa kanyang katawan. Suddenly, he lay down beside her, pulling her close and wrapping his arms around her.
"I've searched for you everywhere, I almost lost my mind," Daxon murmured, his voice filled with relief.
Reign was stunned, but she couldn't help but feel a sense of comfort in his warm embrace. She rested her head on his arm, and he held her close, silently reassuring her that everything would be alright.
At iyon naman ang gusto niyang mangyari. Ang maayos nila kung ano man ang kanilang problema bilang mag-asawa. Wala na siyang mahihiling pa kung magagawa nila ito hindi lang para sa isa’t isa kung hindi lalo na para sa kanilang mga anak.