Kabanata 10

2425 Words
“HINDI mo dapat ginawa ‘yun kay Dex,” sabi ni Reign kay Daxon na bumasag ng katahimikan sa pagitan nila. “Tinulungan lang naman ako nung tao.” Hiyang-hiya siya kay Dex dahil nagpatulong lang naman siya rito pero ito pa ang nasaktan ngayon. Lumuwag ang pagkakayakap ni Daxon kay Reign kaya nagawa nitong talikuran siya. Dahil nakaangat ng bahagya ang suot nitong top sa likuran, nakita niya ang pasa nito na nagpakirot ng kanyang puso at lalong nagpatindi ng galit sa binatang pinagtatanggol pa nito. “Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka mapupunta sa sitwasyong ‘to,” mariing saad ni Daxon, hindi pa rin niya nakikita ang pagkakamali. Lalo pang uminit ang dugo niya kay Dex nang maalala ang pag-apply nito ng yelo sa likuran ng asawa. “Hindi ka rin niya dapat hinawakan,” dagdag pa niya. “Kailangan kasing lagyan ng yelo ‘nung pasa ko para raw mabawasan ang pamamaga. Eh hindi ko naman abot ‘yung likod ko,” paliwanag ni Reign. But she knew that trying to reason with her husband when he already had his mind set on something was impossible. “Nagmagandang-loob lang si Dex.” Lalong nadepina ang lukot sa noo ni Daxon. Nagpanting ang tainga niya nang marinig ulit ang pagtawag ni Reign sa binata. He knew it was petty, but he couldn't help feeling jealous when she mentioned another man's name, especially one that sounded similar to his. “Anong pangalan niya?” malamig ang boses ni Daxon nang magtanong. “Dex.” “Buong pangalan.” “Dexter Sandoval.” “Dexter. Iyon ang itawag mo sa kanya,” utos ni Daxon. “Bakit ba sa lahat ng pwede mong hingan ng tulong ay siya pa ang naisip mo? You don't even know that guy. What if he did something bad to you?" Muli niyang naramdaman ang takot niya noong nakita sa CCTV footage ang pagkarga ni Dexter kay Reign palabas ng kanilang bahay. Para mabilis na mahanap si Reign, pina-contact ni Daxon sa kanyang mga tauhan lahat ng ospital malapit sa kanila. Sinubukan din niyang isa-isahin ang pagpunta sa mga ito dahil hindi niya kayang maghintay at walang gawin. Halos mawalan siya ng pag-asa dahil ilang araw na siyang ganito, kung hindi anak ay asawa ang nawawala sa kanya. Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang ama at asawa. “Tinawagan kita kanina pero hindi ka sumagot. Sinabi ko naman sa ‘yo, sira ang phone ko. Hindi ko naman kabisado lahat ng number sa contacts ko. Ang mayroon lang ako, calling card ni Dex—ter,” paliwanag ni Reign, muntik pang makalimutan ang utos ng asawa. Kilala ni Reign si Daxon. Alam niyang kaya pati maliit na bagay ay binibigyang pansin nito ngayon ay dahil sa pagseselos. Ngunit wala siyang panahon para intindihin ang pagseselos nito gayong mas nangingibabaw ang hinanakit niya. “Maswerte nga ako at pinuntahan niya ‘ko. Kasi kung hindi siya dumating, baka namuti na ang mga mata ko sa bahay,” sabi pa ni Reign. Daxon clenched his jaw, feeling a wave of guilt wash over him. He knew he was partly to blame for what had happened to his wife, but hearing her say it out loud made him feel even worse. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Nag-usap pa tayo kagabi. You should have told me right away that you had an accident. Kung hindi ko pa nakausap ‘yung doktor na tumingin sa ‘yo, hindi ko malalaman ang tungkol dito,” halos mamaos ang boses niya. “Importante pa ba talaga kung anong nangyari sa ‘kin kagabi? Tumawid ako ng hindi tumitingin sa kalsada at aksidente akong nasanggi ng kotse ni Dexter. That was just it,” sobrang frustrated ni Reign dahil pakiramdam niya hindi nakukuha ng asawa ang kanyang pinupunto. “But what almost killed me, Dax, was being alone. Having no one with me when I needed someone the most.” Her voice echoed in the room like a desperate cry for help. Napapikit nga lang siya nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang likuran na sinabayan pa ng sakit ng kanyang ulo. Kinabahan naman si Daxon dahil alam na niya kung saan papunta ang kanilang pag-uusap kapag ipinagpatuloy pa nila ito. He had confirmed his recent assumption, and it turned out he was right all along. He thought she had resolved her issue about their relationship in the past, but the truth was that nothing had changed despite his efforts to help her. Oo’t gusto niyang pag-usapan nila ang matagal ng problema ni Reign sa pagsasama nila, ngunit nang makita niyang nahihirapan naman ito dahil sa kasalukuyang kundisyon, naisip niyang mas makakabuti kung hindi nito pupwersahin ang sarili. Naisip niyang may panahon pa naman para makapag-usap sila. “Magpahinga ka muna. Mag-usap tayo pagbalik ko, susunduin ko lang ang mga bata,” sabi ni Daxon imbes na bigyang pansin ang himutok ng asawa. “Tinawagan ko pala si MJ, papunta na sila rito,” dagdag pa niya bago bumangon at lumabas ng kwarto. Reign felt even colder as she tried to fall asleep. She was left with her tears and unspoken sorrows. *** "I get it. I'm sorry for having to move it again at the last minute. I'll wait for your next availability. I'm really sorry, John," binaba ni Daxon ang tawag. Kausap niya ang investor na dapat sana ay ka-meeting niya para sa bagong proyekto ng Savage Enterprises. Kung tutuusin ay siya na lang sana ang hinihintay nito para masarado na ang deal. Ngunit dahil sa nangyari sa kanyang anak at asawa, magkasunod na araw niya itong hindi napuntahan. Pagdating sa eskwelahan ng mga anak, sinalubong agad nina Sky at Summer ang kanilang tatay. Kinarga ni Daxon sa magkabilang braso ang mga bata at inikot ang mga ito. At kung masaya sina Sky at Summer makita ang kanilang tatay ganuon din ang pakiramdam ng kanilang single na teacher at ilang mga magulang na nagpunta lang naman sana para sumundo pero na love at first sight pa sa kanya. Some of them even thought that he might be a single dad because they couldn't imagine a wife letting her husband pick up their children alone. “Si Mommy?” awtomatikong tanong ni Summer pagsakay nilang magkapatid sa kotse. Akala niya ay naghihintay lang ang nanay nila sa kotse kaya nagtaka siya nang hindi ito nakita. “Is she at home?” tanong naman ni Sky, seryoso lang habang nakahalukipkip at nakatingin sa bintana ng kotse. Nang walang narinig na sagot ay tumingin ang dalawang bata kay Daxon. Nagpabalik-balik naman ang tingin ni Daxon sa kanila. Gusto man niyang sabihin ang buong nangyari, tingin niya’y masyado pang bata ang mga ito para maunawaan ang nangyayari. Ayaw din niyang pag-alalahanin ang mga ito sa bagay na hindi naman nila dapat problemahin. “Yes, baby. She’s at home. But she’s sick. Kaya kay Granny muna kayo ng ilang araw. Mommy just needs some time to rest and get better," Daxon tried to speak to his children in a calm and reassuring tone, para hindi sila mag-alala masyado. Napatingin naman si Summer kay Sky bago dahan-dahang yumuko, halatang dismayado. Ayaw sana ni Daxon iwan ang mga anak sa kanyang nanay. Ngunit alam niyang kailangan niyang bigyang halaga ang pinagdadaanan ng kanyang asawa ngayon. Kailangan nitong magpagaling at kailangan din nilang makapag-usap ng maayos. *** Pagkatapos maihatid ang mga bata sa bahay ni Mrs. Savage, babalik sana si Daxon sa ospital nang makatanggap siya ng text galing kay MJ. Ang sabi nito’y hindi na nila naabutan pa si Reign sa ospital. Umalis din ito noong umalis siya para sumundo. Kinabahan naman si Daxon kaya nagmadali siyang umuwi sa kanilang bahay. Sa loob-loob niya’y pinagdadasal niyang nandito lang ito dahil hindi na yata niya kakayanin pa kung maghahanap na naman siya buong gabi. Nakahinga naman siya ng maluwag nang sa bintana pa lang ay nakita na niyang may liwanag sa loob ng bahay. Ayon nga lang ay agad nagsalubong ang kanyang kilay nang pagpasok niya ng bahay ay naabutan niyang nagluluto sa kusina si Reign kahit na dapat ay nagpapahinga ito. Nakausap ni Daxon ang doctor kaya alam niya ang lagay ng asawa. "What are you doing?" Daxon asked, his tone was firm. “Nagluluto ako ng dinner. Nag-promise ako kay Summer na gagawan ko siya ng favorite spaghetti niya,” sagot ni Reign na para bang walang masakit sa kanya kahit na nanghihina ang buong katawan niya. Mas pinili niyang umuwi dahil alam niyang kailangan siya ng mga anak niya. Ayaw din niyang makadagdag pa sa isipin ni Daxon dahil sa pagkakaalam niya ay abala ito sa isang importanteng proyekto sa opisina. Reign may no longer be working at Savage Enterprises, but since she worked there before, she knows how big Daxon's responsibilities are, especially now that he's handling the company's affairs without his mother's inputs. “No. What are you doing here? You’re supposed to be at the hospital.” “I’m supposed to be here. Sinong gagawa rito at magaasikaso sa mga bata kung wala ako?” Huminga ng malalim si Reign bago nagpatuloy. “Nasaan na pala sila? Akala ko sinundo mo?” tanong niya nang mapansing walang kasama si Daxon at hindi rin niya naririnig ang boses ng mga bata. Kapag umuuwi kasi ang mga ito ay agad na lumalapit at yumayakap sa kanya. Daxon fell silent, watching his wife. He hadn't had the chance to observe her closely in a long time. Memories flooded back of when they used to cook together, laughing like nothing else mattered. She didn't know how to cook at first, but she learned for him and their family. Imbes na mga anak nila’y si Daxon ang lumapit kay Reign sa pagkakataong ito. Mula sa likuran, kinuha ni Daxon ang hawak niyang panghalo dahil kasalukuyan niyang ginagawa ang sauce ng pasta. Reign looked at her husband in an instant, their noses met, their lips just a few inches apart. Daxon couldn't help but gaze at her lips before looking at her eyes. And as their eyes locked in a silent exchange, Reign's gaze weakened, she pressed her lips together, a mix of weariness and longing in her eyes. “D-Dax…” nautal pa si Reign nang magsalita. Nawala na sa isip niya ang tanong na hindi pa nasasagot ng asawa. Ganito naman kasi talaga kahit noon pa ang epekto ni Daxon sa kanya. At para bang mas tumindi pa noong maging mag-asawa na sila. Her feelings for him never changed. “Mag-asikaso ka na ng sarili mo. Ako nang bahala rito,” sabi niya sa asawa. Ibinalik naman ni Reign ang tingin sa kanyang niluluto kahit na ramdam niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya dahil sa titig ng asawa. Lalo pa itong tumindi nang maramdaman niya ang pagdausdos ng mga braso nito sa kanyang beywang. Akala niya noong una’y yayakapin siya nito kaya naestatwa siya sa kinatatayuan. Iyon pala ay tatanggalin lang nito ang suot niyang apron. “Dinala ko sina Summer at Sky kay Mama—” “What?” Humarap agad si Reign kay Daxon. “Akala ko ba hindi mo gustong iniiwan sila roon? Kaya ko naman silang alagaan dito. Sunduin na lang natin sila ngayon,” sunod-sunod ang pagsasalita ni Reign. Ngunit bago pa siya makaalis, Daxon trapped her between his arms, holding her firmly against the kitchen counter where she stood. His gaze bore into hers, conveying a sense of authority that made her knees weak. Malalim at makahulugan ang tinging ipinukol ni Daxon kay Reign. “You need to rest,” sabi niya sa asawa. Ito lang talaga ng priority niya ngayon kahit may ibang importanteng bagay pa silang kailangang harapin. “And when you're better, we'll go get them. But for now, you're staying in bed. I'll bring you dinner.” Hinigit ni Reign ang kanyang hininga bago nagsalita. “Ako na rito. Patapos na rin naman ako.” Pinaiiral niya ngayon ang katigasan ng ulo. Ito rin ang madalas nilang pagtalunan noon, katigasan ng ulo niya at pagiging impulsive. But it was these same characteristics that had drawn Daxon to her in the first place. He couldn't help but feel attracted to her as she defied his orders. "Stay in bed," Daxon repeated, his tone tolerating no argument. "Or I'll make you." Sa pagkakataong ito ay nanatiling nakatayo at taas-noo sa harapan ni Daxon si Reign. Wala siyang balak umalis ng kusina at iwan ang kanyang niluluto. Hindi rin niya maisip kung anong pinaglalaban niya, at kung bakit sa lahat ng pwede nilang pag-agawan ay pagluluto pa ng spaghetti. As Reign was about to speak, she was caught off guard when Daxon suddenly leaned in and firmly pressed his lips against hers. Nanlaki ang mga mata niya. Sa lahat kasi ng pwede nitong gawin habang nakikipagpatigasan siya ng ulo, ito ang hindi niya inasahang gagawin ng asawa. The kiss was filled with an intense passion that left her breathless. It was as if the world had faded away and they were the only two people left. Reign's heart raced as she felt Daxon's warmth and strength envelop her. She savored every moment of the kiss, feeling as if time had stopped just for them. Muntik nang dumikit ang likuran ni Reign sa lababo nang manlambot ang tuhod niya pero naging maagap si Daxon at mabilis na pinagpalit ang pwesto nila dahil sa pasa niya. Si Daxon ang sumandal sa kitchen counter, samantalang si Reign ang malayang nakakakilos ngayon. Reign could have easily stopped Daxon, but in that moment, she was lost in his touch, her mind consumed by the intensity of their moment. Hinawakan niya ang mukha ni Daxon habang tumutugon sa bawat paglapat ng labi nito sa kanya, bawat pagtatagpo ay mas mapusok kaysa sa nagdaan. Nang bumaba ang kamay ni Reign sa dibdib ni Daxon ay ito naman ang nakaramdam ng panghihina. Napamura siya sa isip nang untik na niyang makalimutan ang pahingang kailangan ng asawa. And so, in just a few moments, Reign heard the sound of the stove turning off, and Daxon lifted her up in his arms, kissing her deeply as he carried her to their bedroom. Setting her down on the bed, he pulled away from the kiss, leaving Reign wanting more. "Just stay here and rest," he said, his voice soft but firm. "I'll take care of everything else." At sa pagkakataong ito, wala nang nagawa si Reign kung hindi makinig sa asawa. Lalo na’t puso na niya ang nagdikta sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD