Special Chapter 1.2

2274 Words

[S]hane Ilang oras na akong naghihintay dito sa sala ng bahay. Lagpas hatinggabi na pero hindi pa din umuuwi si Greco. Ilang beses ko na ding sinubukan siyang tawagan pero ni isa ay hindi siya sumagot. Alalang-alala na ako sa kanya at baka kung ano nang hindi maganda ang nangyari sa kanya. Mabilis na din ang t***k ng puso ko at kung ano-ano nang mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Natatakot ako na baka napahamak na siya. Ayaw ko paniwalaan ang mga yun at huwag magaalala sa kanya ng ganito ngunit hindi ko talaga maiwasan. Pabalang akong napaupo sa sofa at malalim na napabuntong-hininga. Napatingin ako sa relo ko, saktong alas-tres na ng madaling araw ngunit wala pa ding Greco na dumadating. Ganitong-ganito ang senaryo ko noon sa tuwing hindi pa siya nakakauwi ng mansyon. Hinihintay siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD