[S]hane Hinang-hina ako sa mga oras na 'to. Gusto kong isipin na guni-guni ko lamang ang nakikita ko ngayong bakas sa long sleeves ni Greco pero hindi. Totoong-totoo ang nakikita ko. Halos kapusin na ako sa paghinga kakaiyak at kakahikbi. Parang dinurog ang puso ko na ilang ulit hanggang sa maging pino ito. Bakit kailangang mangyari 'to lahat ngayon? Bakit ngayon pa kung okay na sana ang lahat? Maayos na sana ang lahat. "Shane?" nanunuot ang sobrang galit sa akin nang madinig ko ang boses ng taong ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon ng ganito. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko pabaling sa kanya. Nagtataka itong nakatingin sa akin. Balak pa sana nitong lumapit sa'kin ngunit agad ko siyang pinigilan. "H-huwag kang la-lalapit sa'kin." ang mga salitang yun ay sobrang nagpaguho
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


