[S]hane Maaga akong nagising ngayon. Ngiting-ngiti habang naghuhumming ng kanta. Wala eh. Masaya ako. Yung paghawak niya sa kamay ko kagabi, ang hirap kalimutan. Kaya yung ending, hindi na naman ako nakatulog. Kaya nga ang aga ko gumising eh. Ang dating takot ay napalitan ng kilig. Ano ba itong nararamdaman ko? Ito na ba ang tinatawag nilang pagmamahal? Kung oo. Hindi pwede. Dahil amo ko siya higit sa lahat may girlfriend siya. Ayaw ko namang sirain ang maganda nilang relasyon. Kahit ganito ang tingin ko sa kanya, hanggang dito na lang ako at wala nang iuusbong pa ito. Pangako. Malapit sa pool ay nakita ko si master na nakabathrobe. Sa tingin ko maliligo siya. Dahan-dahan niyang hinubad ito. Napaiwas ako ng tingin nang mapadako ang mata niya sa akin. Parang ang init ata? Hindi pa na

