[S]hane
Kasalukuyan akong nandito sa bar section ng kusina. Nakaupo at tahimik na tinitingnan siya habang nagluluto. Nakatalukbong ang katawan at nakasuot ng sobrang kapal na jacket. Baka daw kasi lamigin ako sabi ng amo ako. Siya na concern.
Hindi ko talaga maatim yung nangyari kanina.
"Hindi ka ba talaga marunong makinig?"
Kamuntikan ko na siya mahalikan, buti nakaiwas ako agad. Sakto lang yung pagkalam ng tiyan ko sa sitwasyon at nakita ko siyang ngumiti.
Sinuotan niya ako ng sobrang kapal na jacket na hindi ko alam kung saan gawa at tinalukbungan niya pa ako ng makapal na kumot.
"Baka lamigin ka."
Bumaba kami ng sabay at pinaupo niya ako sa stool chair. Hinanda niya ang mga sangkap at gamit sa pagluluto.
Napansin kong medyo nahihirapan siya doon sa paghihiwa kaya lumapit ako.
Unexpected yung sunod na nangyari. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa tuwing naaalala ko ang nangyari.
"Sir?" lumingon siya sa akin na gulat at napasigaw. Muntik niya pa akong matutukan ng kutsilyo dahil sa gulat. Priceless kasi yung hitsura niya.
Ikaw ba naman kasi susulpot bigla sa tabi niya na ang nakapatong na kumot ay puti. Idagdag mo pa na may kaputian yung balat ko.
At nalaman ko takot pala siya sa multo. Hindi lang takot dahil takot na takot. Tumakbo kasi siya palayo sa akin at sigaw ng sigaw.
Ayun! Pinagalitan niya ako ng sobra. Bakit daw kasi pasulpot-sulpot ako bigla alam na walang ilaw ang buong paligid. Tanging gamit lang namin ay flourescent lamp.
Sa sobrang lakas kasi ng buhos ng ulan ay pinutol na ang kuryente sa buong subdivision.
Ito siya ngayon nagluluto ng tinolang manok para sa aming dalawa.
Lumapit siya sa akin habang may dalang isang mangkok.
Umupo siya sa tabi ko. Ngumiti siya ulit.
***
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami agad sa kwarto ko. Wala naman kasi kaming gagawin sa baba lalo na walang kuryente.
Ulit! Nakatitig na naman ako sa kanya. Ang hot niya kasi tingnan sa suot niyang salamin habang naglalaptop. Seryoso lang siyang nakatingin dito. Okay lang na titigan ko siya dahil busy naman siya at tipong hindi mo maiistorbo.
Napailing ako bigla nang tumingin ito sa akin at nagtanong 'okay na ba ang pakiramdam mo?' Tumango na lamang ako bilang sagot.
Woah! Muntikan na ako doon ah.
Isinara nito ang laptop at lumapit sa akin. Naki-share siya sa akin ng comforter na gamit ko at tinabig ang ulo ko papatong sa kanyang balikat.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginagawa niya. Parang kagabi lang ay nakayakap siya sa akin- ngayon naman ay nakapatong ang ulo ko sa balikat niya.
Inangat ko ang ulo ko upang tingnan siya. His eyes are close.
Naiilang ako.
Bakit ba ganito ang pakikitungo niya sa akin? Pinapagulo niya ang isip ko.
"Sir?" tawag ko sa atensyon nito. Ngunit hindi man lang ito sumagot o minulat man lang ang mata. Tinawag ko ulit siya at dito ay sumagot na siya. Tipid nga lang.
"Hmmm..."
"Sir. Pwede pong-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Next time don't call me sir. Okay?" tumango lang ako. "Sawang-sawa na ako sa sir. From now on, you'll call me master."
Master? Yun ba yung naririnig ko sa mga pelikula na tawag ng mga katulong sa kanilang mga amo- yung sobrang yaman.
Young master. Hindi naman ata siya bata pa para tawagin ko siyang ganun.
MASTER.
Wala na akong ibang nasagot kundi tango na lamang. Hanggang ngayon di ko pa rin maalis ang tingin sa kanya.
Oo! Gwapo siya. Pero iba ang mukha niya sa malapitan. Ramdam na ramdam ko ang bawat parte ng braso niyang nakayakap sa akin. Ang matigas na dibdib niya ay nakadikit sa puso kong kanina pa malakas ang kabog.
Ramdam ko hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko at maliwanag na ang buong paligid. Hindi na rin ako nahihilo. Tinanggal ko ang suot kong jacket dahil medyo mainit na.
Pinihit ko ang doorknob at lumabas. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni sir- master ay may narinig akong ingay mula sa loob. Inilapit ko ang tenga ko dito. Parang may kaaway si master?
"What's wrong with you?" boses ng isang babae ang narinig ko. Kasunod nun ay isang tunog ng malakas na sampal.
Anong nangyayari?
Sa hindi inaasahang pangyayari ay bumukas bigla ang pintuan at naging dahilan yun upang masubsob ako sa sahig. Tumingin ako sa taong nasa harapan ko at nagtatakang babaeng nakatingin sa akin.
Natanaw ko rin ang aking amo na nakatakip ang palad sa mukha at tahimik na nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
Nag-away ba sila? Teka. Kung hindi ako nagkakamali, itong babaeng nasa harapan ko ay yung babaeng kahalikan ni master ng gabing yun.
Hindi ako pwede magkamali.
"B*tch*s" tinabig ako nito at mabilis na lumabas sa kwarto. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni master.
Hindi ata ako nito napansin dahil hindi man lang ito tumingin sa akin. Hahawakan ko sana siya sa balikat para icomfort nang bigla niya akong sigawan.
"Don't touch me!!" sigaw niya sa akin. Ito na naman ang talagang siya. Ang masamang Greco. Mga nanlilisik na mga matang nakatingin sa akin. "Get out!!" hindi ako agad nakakilos. "I said get out!!" mabilis akong lumabas at sinarado ang pinto.
Napasandig na lamang ako sa pintuan ng kanyang kwarto. Nagaalala ako sa kanya.
Napalingon ako ng kasunod na nangyari ay ang pagkabasag ng mga kagamitan sa loob ng kwarto niya.
Napatingin na lang ako sa orasan na nasa harapan ko.
9:47 AM
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya. Nanatili lang akong nakaupo dito sa hagdan at tahimik siyang hinihintay na lumabas.
Nag-aalala na talaga ako sa kanya?
Sino ba naman kasi yung babaeng yun, bakit nagkaganun si master. Masyado ba siyang mahalaga sa buhay niya para magwala siya ng ganun. Tsaka ano ang pinag-awayan nila? Hindi naman sa nakikialam ako. Concern lang ako sa kanya.
Parang kahapon lang ang alaga niya sa akin but look at him now. He looks fragile.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin ako mapalagay dito sa kinauupuan ko. Malapit ng mag-alas dose kaya baka nagugutom na yun.
Paano pag di niya ako pansinin?
Aish! Bahala na. Kung kakainin niya, kainin niya! Bakit ba naaapektuhan ako sa ginagawa niya sa buhay niya? Master ko lang siya diba?
I shrugged the thoughts away as I stand up. Magluluto ako pero kapag hindi niya kinain, ako kakain! Sayang effort no!
Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng makakain. Naghihiwa na ako ng rekados nang biglang may mainit na hiningang dumantay sa leeg ko.
I shivered as the idea strucked me. It must be him. My breathing stopped when he whispered.
Mabilis ako humarap sa kanya at buti na lang ay hindi ko siya nahalikan. Bakit siya nandito?
"Si- Master?" gulat kong sabi.
"What are you doing?" malambing niyang tanong. Ipinatong niya ang pareho niyang kamay sa lababo. Hindi ako makagalaw. Pinagsisisihan kong humarap pa ako sa kanya.
Nang-aakit ba siya?
"M-magluluto po sana."
"What?" sh*t. Napapamura tuloy ako sa isip dahil sa muling pag-iba niya ng ugali. Siya na ang dakilang bipolar. Ano na namang gagawin ko ngayon? Ito na naman siya at inuulit ang ginawa niya sa akin dati.
Inilapit niya ng dahan-dahan ang mukha niya sa akin. Ayaw ko ng huminga. Ayoko na. Napapikit na lamang ako sa hindi inaasahan ay bigla siyang lumayo sa akin at nagsisigaw na parang may nakitang nakakatakot.
"Cockroach!! Cockroach!!" malakas niyang sigaw sabay talon papunta sa ibabaw ng mesa. "Kill that monster!!" tinuro-turo niya pa ang tinatawag niyang monster at hindi mapakali sa ibabaw ng kinalalagyan niya.
Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay napalit ng kasiyahan. Nakakatuwa siya tingnan na natatakot sa ipis. Haist. Minsan naisip ko tuloy kung bakit may mga taong takot sa ipis. They are just cockroaches. Isa lang nananahimik na insekto.
"I said kill that fre*k!!" hindi ko mapigilang natawa sa hitsura niya. Then, it burst out. Mas lalo akong natawa nang biglang lumipad yung ipis papunta sa kanya. Mabilis siyang yumakap sa akin at naging dahilan yun ng pagtigil ko sa katatawa.
He seriously look on me. "Why are you laughing?" seryoso niyang tanong. Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil pilit kong pinipigilan ang tawa ko.
"Tsk." tinalikuran niya ako. But suddenly, he shouted again. "F*ck you cockroaches!! I will kill you all!!" nawala na siya sa paningin ko maging ang ipis na kinatakutan niya kanina.
Saan na kaya pumunta yun?
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto ko upang madalhan ko na ang aking amo ng pananghalian. Kaya siguro yun bumaba kasi gutom na ata siya?
Ginamit ko ang kaliwa kong kamay upang kumatok sa pinto ng kwarto niya. Walang sumagot. Ikalawa ay wala pa ring sumagot. Pinihit ko na lamang ang siradora nito at pumasok. Walang tao sa loob ng kwarto.
Saan siya pumunta?
Hanggang sa may marinig akong pagaspas ng shower sa bathroom. Hinintay ko siyang matapos maligo at tahimik na nagmasid sa buong kwarto. Hindi na siya tulad ng dati na madilim kahit nakabukas ang ilaw. Sa gitna na pagliligalig ng mata ko ay may nasagi itong mga basag na bagay sa isang sulok.
Sayang naman yung mga nasira. Hindi ba siya marunong magpahalaga sa isang bagay? Sigurado mahal din ang mga yun.
"What are you doing here?" napatingin ako sa kanya. Tanging nakatapis lang na tuwalya ang suot niya. Tumutulo pa pababa ang tubig na nagmumula sa basa niyang buhok. Dumadaloy sa katawan niyang parang perpektong inukit tulad ni Machete.
Kahit ilang beses ko ng nakita ang katawan niyang hubad, hindi ko pa ring mapigilang mamangha sa magandang hubog nito. Mula sa dibdib papunta sa kanyang mga braso at tiyan. Perpektong-perpekto.
"Ehem." nabalik ako sa ulirat ng tumikhim siya. Kinuha niya ang sando niyang nakapatong sa kama at nakakaakit na isinuot ito. "Alam mo kung bakit kami nag-away?" salita niya. Sino ba ang tinutukoy niya? Yung babae ba kanina? Mukha nga dahil siya lang naman ang nakita kong kaaway niya. Sino pa ba diba?
"Hindi po."
"Tsk. Every man needs happiness. We always find ways to fulfill that feeling whether we hurt their feelings." ha? Happiness? Lahat naman siguro deserve ang maging masaya diba? Tsaka libre lang maramdaman ang ganung bagay. Hindi bawal.
Pero hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Masyadong malayo sa una niyang sinabi.
Kahit nakakasakit na siya ng damdamin ng iba?
"And that happiness needs satisfaction. Pleasure in me but not in you. Pleasure is what I need to satisfy my buried drowning demons inside me. Needs of my body, not my heart."
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ