MasteR. 07

1534 Words
[S]hane Kaya mo yan Shanny. Kaya ko to. *** *dingdong *dingdong Minulat ko ang mata ko dahil sa naririnig kong tunog ng doorbell mula sa gate. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang nakangiting mail sender. "Good morning po sir. May package po para kay Mr. Greco Gonzalo." pinirmahan ko muna yung paper bago ko kunin ang isang maliit na box na dala-dala niya. Pagpihit ko ng doorknob hindi na ito nakalock kaya mabilis na akong nakapasok. Natuyo na lang ang damit ko sa ulan. Medyo kumikirot ang ulo ko ngunit hindi ko na lamang yun ininda. Walang mangyayari sa akin dito kung mag-iinarte ako. "From, Sofia Arazabel Melgar. To, Greco Gonzalo." basa ko sa nakasulat sa kahon. Bigla akong nacurious kung ano ang laman nito at kung sino ang taong 'to. Girlfriend niya siguro? Pero mukhang malabo dahil sa ugali pa lang ni sir wala ng magkakagusto sa kanyang babae kahit anong kinagwapo niya. Gwapo? Hindi naman sobra. Hindi naman kulang. Sakto lang. "What's that?" rinig kong boses ng isang lalaki. Magtatanong pa ba ako kung sino? Nakita kong pababa siya ng hagdan at tanging suot lang ay pajama at sando. Gulo-gulo pa ang buhok niya. Kakagising niya pa lang siguro? "Para sayo daw po." kinuha niya ito sa akin at hindi pa nagtatagal ay ibinalik niya rin naman sa akin. Hindi niya man lang ba bubuksan? "Itapon mo yan sa basurahan." "Pero sayang po 'to sir." "Kung ayaw mo, sayo na." "Pero po para po sayo 'to." Lumapit siya sa akin. Mukhang nagalit ko ulit ata siya? "Ba't ba ang kulit mo? Give me that." inilahad ko ito sa kanya at marahas niyang inagaw sa akin. Pumunta siya ng kusina at hindi ko alam kung ano ang gagawin niya doon. "Ba't wala pang breakfast?!" galit niyang sigaw mula sa kusina. Napayuko na lang ako sa paglabas niya mula doon. Gusto ko sanang depensahan ang sarili ko. Ano ba ang karapatan ko para magreklamo? Isa lang akong dakilang PA niya. Gusto kong sabihin na hindi niya ako pinapasok kagabi at kakapasok ko pa lang kaya di pa ako nakakapagluto ng almusal niya. "Ngayon lang po ako nakapasok." nakayuko kong sabi. Hindi ko mapigilang hindi laruin ang daliri ko. Natatakot ako sa pamamaraan ng tingin niya. "So sinisisi mo pa ako ngayon?" kitang-kita ko na ang mga ugat niya sa leeg sa pagsigaw. Nabibingi na rin ako. "Hindi naman po sa-" "Bilisan mo. Nagugutom na ako." hindi ko alam kung bakit lumabas na lamang ang mga luha ko sa mata. Mabilis ko itong pinunasan baka makita pa ako ni sir Greco. 'Okay lang yan Shanny.' Nagluto na ako ng magiging almusal niya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko habang nagluluto. Humihikbi na rin ako kakaiyak. Nakita ko ang kartong ipinadala kanina sa basurahan. Medyo punit na ang lagayan nito pero okay pa naman. Tinapon pa rin din pala niya. Inilapag ko ito sa table at inalis ang kulay pink na ribbon na nakatali dito. T-shirt. Isang white shirt kung saan may nakalagay na infinite symbol sa harapan. Simple lang siya pero mukhang mamahalin. Sayang naman kung tinapon niya lang 'to. Hindi ba siya marunong mag-appreciate sa taong nag-effort para lang mabigyan siya ng regalo? Tapos pababayaan niya lang ng ganito. Napabitaw ako sa shirt na hawak ko nang may naamoy akong sunog. "Yung niluluto ko." napakamot na lang ako sa batok ko dahil sa hitsura ng hotdog na sobrang itim na dahil sa pagkakasunog. Overcooked. *** Sakto lang pagkatapos ko sa paghahanda ng almusal niya ay yun din ang pagbaba niya galing kwarto. Itinabi ko muna yung shirt kanina. Sayang naman kasi kung hindi yun mapapakinabangan, diba? Tahimik siyang kumakain at nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya habang kumakain. Sa totoo lang, gutom na gutom na ako. Kanina pa kumakalam yung tiyan ko. Kagabi pa kasi ako hindi kumakain. "Why are you looking at?" ang suplado niya talaga kahit kailan. Bakit bawal ba siyang tingnan habang kumakain? Ang sarap niya lang kasi titigan. "Wala po sir." hindi ko inalis ang ngiti ko. "Your nose!" "Po?" "It's bleeding." pinunas ko ang ilong at may nakita nga akong dugo sa kamay. Bakit may dugo? Tumingin ako kay sir na nag-aalala. Hindi ko malaman kung bakit lumalabo ang paningin ko hanggang sa dumilim ang lahat. *** Kinusot-kusot ko ang dalawa kong mata at bahadyang bumangon. May dumausdos na bagay mula sa noo ko na nagtakip sa mga mata ko. Towel. Doon ko lang naramdaman ang pagkahilo ko. Medyo nanlalabo pa rin ang paningin ko. Teka. Paano ako napunta dito? Paano ako napunta dito sa kwarto ko? Huwag niyong sabihin na binuhat ako ni sir papunta dito? Oh my.. Nakakahiya. Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang aking amo na may dalang tray. Inilapag niya ito sa katabing maliit na round table at umupo sa bandang gilid ng kama sa tabi ko. Nagulat ako sa biglaang paglapat ng kamay nito sa noo ko. Hindi ako makapaniwala na--- Basta! Di ko maipaliwanag. Ang hirap iexplain. "Hindi ka na masyadong mainit." sabi nito at inalis ang kamay sa noo ko. Di ko maitangging mapatitig sa mga mata niya. Ito na naman siya. Mabait na naman siya sa akin. Parang kanina lang sinisigaw-sigawan niya ako but look. Ito siya ngayon sa harap ko, concern sa kalagayan ko. "Ano po bang nangyari kanina, sir?" tanong ko. "You fainted and you're sick." "Hindi po ako pwede magkasakit." kung minamalas ka nga naman Shanny oh. Bakit ngayon pa? Kapag nagkasakit ako, wala akong magagawa ng maayos na trabaho. "Tsk." inabot niya ang isang mangkok ng lugaw. Isang kutsara ng lugaw. Sinubo niya ito sa akin. Hindi na ako umangal dahil gutom na ako. "Alam kong gutom ka na." tumango na lang ako at itinuloy ang pagkain. Napapangiti na lang ako sa sarili kong isipan. Ang swerte ng babaeng mapapangasawa niya. Kahit sobrang sama ng ugali niya, hindi pa rin pala mawawala ang kabutihan niya sa puso. "Inumin mo 'tong gamot mo para gumaling ka agad." inaamin ko. Hindi ko maiwasang kiligin sa pakikitungo niya sa akin. Ngayon na lang kasi may nag-alaga ulit sa akin kapag may sakit ako. "Why are you smiling?" yan na naman siya. Sinusungitan niya na naman ako. "Ngayon lang po kasi ulit may nag-alaga sa akin ng ganito." "Tsk. Pasalamat ka amo mo ang nag-aalaga sayo." napatawa na lamang ako sa tinuran niya. Kahit papaano napapagaan niya ang pakiramdam ko. "Magpahinga ka na." humiga na ako ulit at kinumutan niya na ako. Napapangiti ako. Ang sarap lang kasi isipin na ganun pala siya kabait na tao. Eto na ba ang tinutukoy ni ma'am Angelie? Na hindi lang puro kasalbahihan ang meron siya. Malakas pa rin ang buhos ng ulan hanggang ngayon. Nanginginig na ako sa sobrang lamig. Ibinukon ko ang kumot ko at nagbaluktot sa paghiga. Kahit sa sobrang lamig na aking nararamdaman mas pinili kong matulog na lamang. Diba sabi nga ng aking amo ay kailangan kong magpahinga para gumaling ako agad, para makabalik na ako sa trabaho ko at alilain niya na naman ulit. Ganyan naman ang mga tao diba? Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko at unti-unti nabalot ng dilim ang paligid ko. Isang mabigat na bagay ang nakadagan sa akin dahilan para hindi ako makahinga ng maayos. Lumingon ako sa katabi ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa madilim ang buong kwarto. Malakas din ang buhos ng ulan sa labas. Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap nito. Imbis na maalis ko ay mas lalo lang itong sumiksik sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Nakakakiliti. Sinubukan ko sa pangalawang pagkakataon. "Let me hug you for a while." ungol niyang sabi. Doon ko napagtanto kung sino itong nakayakap sa akin. Si sir Greco. Hindi ako makahinga ng maayos. Maraming bumulusok na mga katanungan kung bakit ko siya katabi ngayon, higit sa lahat yakap niya ako. Bakit siya nandito? Pangatlong subok na pag-alis ko sa braso niyang nakayakap sa akin ay tsaka doon ako nagtagumpay. Mabilis akong gumilid at tumalikod papalayo sa kanya. Pinagpapawisan ako. Hindi. Epekto lang 'to ng gamot na ininom ko kanina. Hindi dahil sa kanya. 'Huwag kang ganyan Shanny. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit siya nandito.' Don't assume too much. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Ex--- Hindi ko natapos ang paghinga ko ng malalim sa paghila niya sa akin papalapit sa kanya. Pigil ang hininga. "Huwag na huwag mo ulit susubukang lumayo sa akin." bulong nito. Nakakapanindig-balahibo ang boses niya. Para siyang nang-aakit. No! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Natural lang para sa kanya ang ganung boses. Wala siyang nais iparating sayo. Mali ang nangyayari ngayon. Hindi 'to tama. Kailangan ko ulit lumayo sa kanya hangga't maari. Know your limitation Shanny. Pumadausdos ako pababa sa kama ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap niya sa akin. At ang sunod na nangyari, kinabig niya ako papalapit sa kanya. Yung puntong malapit ko na siyang mahalikan. Kahit madilim kitang-kita ko ang alab ng mga mata niyang nakatitig sa akin. Seryoso. Ramdam ko rin ang bawat paghinga niya. Hindi ko alam kung ba't nagkakaganito ang puso ko? Naghihirumintado ang t***k ng puso ko. Ang bango niya. "Hindi ka ba talaga marunong makinig?" ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD