MasteR. 06

1782 Words
[S]hane "I'm so sorry for what I've done." Bakit ganito siya? Ang bipolar niya. Ginugulo niya ang isip ko. Pabago-bago ang kinikilos niya. Hindi ako makakilos dahil hawak niya pa rin ang braso ko. Iniharap niya ako at umiwas agad ako ng tingin. Hindi ako makatingin sa kanya dahil anumang oras ay pwede akong makaramdam ng kakaiba. Ito siya sa harap ko. Humihingi ng sorry dahil sa ginawa niya kanina. He kissed me earlier. At hindi ko yun inaasahan na gagawin niya sa akin 'yon. Sinsiredad. Nababakas ko sa kanyang boses maging sa mga mata. Bumuntong-hininga siya at bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko. Yumuko siya at ikinuyom ang dalawang kamay. "What is happening to me?" hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil mahina ito. Base sa pagkakaintindi ko lamang ay iyan ang sabi niya. Hindi ako sigurado. Basta ganun. Tahimik siyang umalis sa harap ko. Walang iniwang anumang sabi o utos man lang. As in speechless. *** Kanina pa ako palinga-linga sa buong bahay sa sobrang tahimik. Di ko rin nakikita na nag-aaligid ang aking amo sa lugar kung saan ako. Buong akala ko kanina ay umalis siya pero nandito naman ang kotse niya. Siguro nasa kwarto lang siya? Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga senaryong nangyari kanina. Kakaibang Greco ang nasaksihan ko. Malayo sa alam kong ugali niya. Nakakapanibago lang dahil sa pangatlong araw ko pa lang dito ay ito na lahat ang mga nangyayari. "Shane." a man caught my attention. Ang aking amo. Hindi ako makatingin sa kanya ng tuwid. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero di ko maiwasan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya. Nakapameywang pa siya at nakatingin sa kawalan. "Follow me." ano daw? Follow him? Ano na naman bang pakulo 'to? Huwag niyang sabihing hindi pa siya nadala sa paghalik niya sa akin? Di man lang ako nainform na may part two pala yun. Haist. Wala na akong sinabi kundi ang sumunod na lang sa kanya. Tulad ng dati ay umakyat kami sa ikalawang palapag. Ngunit malayo sa pinasukan namin kanina, na kwarto niya. Lumiko pa kami hanggang sa huminto kami sa kulay kahoy na pinto. Bumungad sa akin ang amoy luma at mukhang hindi ginagamit na kwarto. Actually, maganda siya kapag nalinisan. Maraming sapot ng gagamba sa bawat apat na kanto ng kisame at maalikabok din. "Clean this room..." sinasabi ko na nga ba e. Ano pa bang aasahan ko kundi ang linisin ang naiwan na ng henerasyon na kwartong 'to. Shane. Don't expect other things. Lagi mong itatak sa isip mo na kapag ganito ang usapan, maglilinis ka. Parang hindi ka na nasanay ah. Tsaka iwasan mo na ang magreklamo dahil as if naman na ang kwartong 'to ang magiging kwarto mo. Sa laking 'to? Dah! "Because it will be your room now." shocks! Totoo ba ang narinig ko? Parang nabingi ata ako doon ah? Please pakiexplain. "S-sir?Pero-" "No more buts." Shane. Just calm down. Loading pa. Totoo? Ganito- as in ganito kalaki ang magiging kwarto ko? I can't believe it. No more buts daw. Shanny, without doubt magiging kwarto mo na 'to. Mabilis akong tumakbo pababa upang kunin ang bag ko sa kusina. Nakita kong sumara ang pinto ng kwarto ng akin amo. Sinabay ko na rin dalhin ang panglinis para makapagsimula na ako agad at makapag-ayos ng gamit ko. Akala ko puro lang kamalasan ang mangyayari sa akin kasama ang lalaking 'to? Hindi ko inaasahan na may kaakibat din pala siyang swerte. Expect the unexpected. Makalipas, natapos na rin ako sa paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ko. Hindi pa nga nangangalahati ang lagayan ng damit ko dahil sa laki nito. Ngayon masasabi kong hindi na siya naiwanan ng henerasyon sa ganda nito. Pabalang akong nahiga sa kama at mariing ipinikit ang mga mata. Nadala ako ng antok dahil noong nakaraang araw ay wala akong maayos na tulog kahihintay sa pag-uwi ng aking amo. Isang malakas at paulit-ulit na katok ang gumising sa tulog kong diwa. Napatingin ako sa bintanang nakabukas bago buksan ang pinto. Bumungad sa akin si sir Greco na pulang-pula ang mukha. Natuon ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom. "Sorry po sir." pinangunahan ko na siya sa pagbulyaw niya sa akin. Dahil base pa lang sa mukha niya ay galit na galit na siya. Mula sa pulang-pula niyang mukha at sa nakakuyom niyang mga kamao nakikita ko din ang pag-igting ng panga niya. Hindi ko maiwasang hindi titigan ito. He kinda looks hot. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para mawala ang kung anong naiisip ko. Hot? No Shane. Hindi pa ba siya hot sa 6 pack abs niya? Damn! Ano ba itong mga iniisip ko! Jusko layuan sana ako ng tukso! Sa ganitong panahon, may gana pa siyang mag-topless. Idagdag mo pa ang nakabukas na 15 airconditioner sa loob ng bahay. 'Shanny. Tumino ka nga. Pinapagalitan ka na nga ng amo mo, may gana ka pa ring lumandi.' "What took you so long!" mabilis kong dinepensahan ang sarili ko. "Nakatulog lang po ako sir. Sorry po talaga." "Tsk." inilahad niya ang palad niya at inabutan ako ng pera. Napatingin ako sa kanya. Wala pa ring pinagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Bumili ka sa labas ng in-canned beer. Naubusan na ako ng stock." Ha? Bumili sa labas ng ganitong oras at panahon? Nahihibang na ba 'tong amo ko? Umiling-iling ako at nagpout. Hindi naman sa tinatamad ako pero hindi naman ata tama na utusan niya ako sa ganitong sitwasyon. It's just an in-canned beer. Hindi ba siya mabubuhay kung hindi siya makakainom niyan ngayon? "What? Ayaw mo?" tumaas ang isa niyang kilay at mukhang nagtataka sa inaasal ko ngayon sa harap niya. Umiling ako ulit at wala ng nagawa kundi ang sundin ang ipinag-uutos niya. Tumabi siya at walang imik na dumaan ako at nagtungo palabas ng mansyon. Huminto ako saglit at kumuha ng payong. Tumingin ako sa malimlim na ulap at nagbabadya ulit na pagbuhos ng ulan. Bumuntong-hininga ako bago magpatuloy sa paglalakad. Palabas na ako sa gate nang bumuhos ang malakas na ulan. Napapahagod na lamang ako sa braso dahil sa lamig ng simoy ng hangin na kasabay ng pag-ulan. Malayo pa ang lalakarin ko bago ako makarating sa supermarket. 'Okay lang yan Shane. Trabaho mo 'to at kailangan mo lang sundin ang utos niya sayo.' Napatingin ako sa relo ko. "8:43." sabi ko. Alas-nuebe nang makarating ako sa supermarket. Mahirap maghanap ng beer dito dahil sa may kalakihan ito. May nakita akong dalawang binata na nagbabangayan at wala akong nagawa kundi ang magtanong kung nasaan nakalagay yung mga in-canned beer. Lumapit ako dito. "Ang tigas talaga ng ulo mo Kiko, sinasabi ko sayo. Kapag sinabi kong bawal. Bawal!" "Ano ba yan. Pati ba naman ikaw,pinagbabawalan ako. Alam mo para kang lola ko." "Lola mo kung lola mo. Nasa minor age ka pa lang para uminom ng alak no." napakamot na lang yung kausap niyang lalaki. Ang cute nilang tingnan sa totoo lang. "Uhm.. Excuse me." tumingin sa akin yung maputing lalaki. Ngumiti ito sa akin. "Pwede magtanong?" "Bawal." masungit na sabi sa akin ng isang lalaki ng hindi kaputian. Base sa pagkakaalala ko siya yung Kiko. "Ang sungit mo talaga."humarap ito sa akin at ngumiti ulit. "Ano po ba yun?" "Itatanong ko lang sana kung.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit yung lalaki na nagsusungit kanina pa. "Kung tatanungin mo kung boyfriend ko 'to, hindi! Kaibigan ko lang siya." "Tumigil ka nga." napakamot ako sa batok at naiilang na ngumiti sa kanila. Ang kulit naman nila. Siguro sobrang close nila talaga sa isa't-isa? "Pagpasensyahan niyo na po 'tong kaibigan ko. Sadyang may sayad lang po yan sa pag-iisip." hininaan niya ang huli niyang sinabi para hindi siguro siya marinig ng kasama niya. Nakakatuwa silang kausap. Kahit sandali, nakalimutan ko ang alalahanin ko. "Ano nga po yun ulit?" "Gusto ko lang sana tanungin kung saan nakalagay yung mga in-canned beer?" napansin kong biglang ngumiti ang kasama niyang lalaki. Meron bang nakakatuwa sa tinanong ko? Wala naman siguro? "Alam ko po." presenta nito. "Samahan po kita." biglang piningot ng isa yung Kiko. Ganito ba talaga kakulit ang dalawang 'to? "Kapag sinabi kong bawal. Bawal! Bayaran mo na nga 'to doon sa cashier." Sinamahan niya ako sa kung saan nakalagay nga yung mga alcoholic drinks. Sinamahan niya na rin ako magbayad sa cashier. Nakakatuwa siya kakwentuhan kasi ang daldal niya. Masyado siyang maraming kwento. Nalaman ko rin na Shy ang pangalan niya. Ang saya kasi parehas nagsisimula sa S yung pangalan namin. Paglabas namin sa supermarket ay nakiusap sa akin yung lalaki kung pwede humingi daw siya ng beer pero agad siyang hinatak ni Shy palayo. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at naglakad na rin ako pauwi. Lumalakas na rin ang ulan at kailangan ko na magmadali sa paglalakad. Napansin kong alas-diyes na ng gabi. Masyado akong nawili sa pakikipagkwentuhan sa kanila kanina. Balik ulit ako sa dati. Nakarating ako sa mansyon na basang-basa dahil mas lalong lumakas ang ulan. May bagyo na siguro? Patay na ang mga ilaw sa buong bahay. Nag-alala ako ng sobra baka nasarahan na ako. Kumatok ako ng ilang ulit sa pinto pero walang bumubukas dito. Nilapag ko muna sa harap ng pinto yung pinabili niyang mga beer at umikot sa likod ng mansyon. Sinubukan ko ring buksan yung pinto pero nakalock din. Pumunta ako sa tapat ng kwarto niya at tinawag ang pangalan niya ng ilang ulit. Wala akong natanggap na boses mula sa kanya. 'Tulog na ba siya?' Bakit siya natulog kung alam niya namang nasa labas pa ako. Sinadya niya ba talaga yun? Mali. Hindi. Kahit masama ang ugali niya, hindi niya gagawin ang ganitong bagay sa akin. Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya pero hindi pa rin talaga siya sumasagot. Bumalik na lang ako sa harap ng bahay at nagkubli sa isang sulok. Nilalamig na ako. Sobrang basang-basa na rin ako. Kahit nakapayong na ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Naiiyak ako. Gusto kong makisabay sa malakas na buhos ng ulan. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Kasabay ng pagtulo ng ulan mula sa ulo ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. "K..ka.. kal.. ma ka la.. lang S..sha.. ne.. Ma..magi.. ging.. okay din a.. ang la.. la.. hat." nanginginig kong sabi sa sarili ko. Isa lang 'to sa mga pagpapahirap niya sayo. Diba sabi niya naman sayo dati papahirapan ka niya hanggang sa sumuko ka? Ito na siguro yung sinasabi niya. Yung pahihirapan ka niya. "I'll make you suffer." *hachoo* Okay ka lang diba? Kaya mo yan. Ulan lang yan. Di ka dapat magpatalo sa lamig. Titila din yan. Konting hintay lang. Kaya mo yan Shanny. Kaya ko to. ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD