MasteR. 05

1780 Words
[S]hane Humakbang ako paatras at mabilis na nagtago sa likod ng pader kung saan hindi nila ako madaling makikita. Bawat halinghing at ungol nila ay rinig na rinig ko. Hangos na halos malagutan na ng hininga.  "F*ck! You bit my lower lip." napapikit ako sa biglang pagsalita ng babae. Napangiti ako. Ganon ba siya kaadik makipaghalikan na halos kagatin niya na ang labi nito? Kung ganito ang ugali niya hindi ko alam na talaga alam ang gagawin ko.  "Sorry." narinig ko ang bawat yabag nila na papalapit sa kinatataguan ko. Nasilayan ko ang mga labi nila na magkadikit. Marahas na tinanggal ng lalaki ang butones ng blouse ng kahalikan niya. Dahan-dahan naman ang paglapat ng likod nito sa pangmahabaang sofa at walang sawa pa rin sa paghahalikan. Hindi ko na kaya pang panuorin 'to. Ulit. Unti-unti ang paghakbang ko paatras upang hindi nila mapansin ang presensya ko. Sa kasamaang-palad ay natabig ko ang vase na nakapatong sa mesa na malapit sa akin.  'Oh my..' bulalas ko sa isip ko habang dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kanilang dalawa. Dalawang pares ng mata ang nakatitig sa akin. Nagtataka. Galit.  'Ang tanga mo talaga Shanny. Pati ba naman vase nasagi mo pa.'  "You!" duro nito. "S-sir." I'm totally dead. Please. Kill me. Bakit ba kasi pinanuod ko pa sila sa private thing na ginagawa nila? Dapat sa simula pa lang umalis na ako at natulog na lang sa kung saan. Remember. Wala pa akong kwarto. Umalis ang babae na hindi nagpapaalam. Binangga pa nito ang balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.  Ngayon. Ngayong kami na lang dalawa ang nandito sa malaking mansyon na 'to. Balot ng dilim at tanging ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan namin.  Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Tulad kagabi. Yung tingin niyang mistulang mangangain ang isang lobo at handang sunggaban ang kanyang biktima. Naramdaman ko ang lamig ng pader na kinapapatungan ng likod ko. Pinagitnaan niya ako gamit ang dalawang braso niya. "Alam mo ba ang ginawa mo?" hindi ako makasagot. Sa tono ng boses niya, halatang nagpipigil lamang siya ng galit. He gritted his teeth. "Ba't di ka makasagot? Natatakot ka?" nanginig at nanlamig ang buo kong katawan nang ilapat niya ang daliri niya sa labi ko. Nakakapanuyo ng lalamunan. Nahihirapan akong huminga.  "Binitin mo ako- at dahil yun sayo." bahagya akong napanganga sa dahan-dahan niyang pagbaba ng daliri niya.  Anong nagyayari sa akin? Nanginginig na naman ang katawan ko. Naghihina ang tuhod ko na kahit anumang oras ay pwede akong bumigay.  Inilapit niya ang bibig niya sa harap ng ilong ko. Amoy na amoy ko ang amoy mint at alak na hininga niya. Sobrang lapit nito. Isang maling galaw ko lang ay pwedeng maglapat ang ilong at labi niya or worst pwede pang maglapat ang mga labi namin. Nakatitig pa rin siya sa mata ko habang ganun pa rin ang aming posisyon. Walang nagtatangkang magsalita. Maging siya. Sa sobrang tahimik ng lugar. Rinig na rinig ko ang kabadong kabog ng dibdib ko.  Nagitla ako sa pagsalita niya. "Don't you ever do this again. Dahil kapag nagkataon, hindi malayong ikaw ang paparausan ko." tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Mas lalong nanghina ang tuhod ko at tuluyang dumaosdos pababa. Napaupo ako sa sahig habang siya naman ay nakaluhod sa harap ko. He carress my cheek with his right hand. "You fag." Iniwan niya akong naluluha gamit ang salitang yun. Hindi ko napigilang hindi mapahikbi.  Tumigil siya sa paglalakad. "Stop crying." napatingala at napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin. "Ayoko sa lahat ang may naririnig na umiiyak." at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pinunasan ko ang luha kong nagbabadya na namang tumakas sa mga mata ko. Peste naman kasi e.  'Huwag ka ngang paaapekto dun Shanny.' Alam mong ngayon mo lang naranasan ang laitin ng ganun. Masasanay ka rin sa kanya. Sa ngayon kailangan mo lang ay ang mag-adjust. Mag-adjust sa mga susunod niya pang gawin sa'yo. *** Tahimik akong nagtitimpla ng tsaa ng aking amo. Ang pagbangga lamang ng kutsara sa tasa ang naririnig kong ingay dito. Kakatapos ko pa lamang magluto ng almusal para sa aking amo at kasulukuyang nakaupo dito sa harap ng mahabang dining table. Kanina pa ako naiilang sa mga tingin ng aking amo. Prente siyang nakaupo sa upuan. Yung parang bawat galaw ko ay nakamasid lang siya. Nakakailang. "Ito na po yung tsaa niyo." walang sabi-sabing kinuha niya ito sa kamay ko. Maglalakad na sana ako papunta sa sala ng bigla niya akong tawagin. "May kailangan pa po ba kayo sir?" magalang ko ditong tanong. Uminom muna ito ng tsaa bago sumagot.  "Pumunta ka sa kwarto ko mamaya." ano daw? Tama ba ang dinig ko? Pinapapunta niya ako sa kwarto niya? At ano naman ang gagawin ko dun?  'Relax Shanny.'  Narinig ko ang pag-usod ng upuan paatras. Naglakad siya patungo sa second floor at paniguradong patungo na siya sa kwarto niya. *** Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa sala, iniisip kung bakit niya ako pinapapunta sa kwarto niya.  Pupunta ba ako? Kapag hindi naman ako pumunta baka magalit siya?  'Mag-isip ka Shane.'  Bumuntong-hininga muna ako bago pagdesisyunan ang pagpapapunta niya sa akin. Kabado akong umakyat sa hagdan. Hindi mapakali at iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kapag nakapasok na ako sa kwarto niya. Kahit ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi magdalawang-isip. Pero wala akong magagawa. Trabaho ko 'to. Gulat akong napalingon sa lalaking nakasandig sa pader pagkarating na pagkarating ko pa lang sa ikalawang palapag.  Naghihintay ba siya kaya siya nasa bungad? Dumoble ang kaba ko sa nakita kong suot niya. He's only wearing a bathrobe. Para saan? Sa ngayon pa lang, nagtataka na ako kung bakit yan ang suot niya.  "What took you so long?" pinagsaklop nito ang dalawang bisig ko at naglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kanya. Huminto siya sa isang kulay pulang pinto at pinihit ang siradora nito. Pero.. Ang akala ko yun yung kwarto niya? Napatingin ako sa isang pinto di kaluyuan sa amin kung saan doon ko siya dinala noong nakaraang gabi.  Ulit. Tahimik akong pumasok sa kulay pulang pinto at nabungaran ang isang madilim na kwarto. Kulay itim na mga kurtina. Isang malaking kama na nakapwesto sa gitna ng kwarto. Marami ring nakastock na iba't-ibang klaseng mga wine. At isang lalaking nakadikwatro sa isang maliit na sofa. Mali. Magarang sofa.  "Ano po ang kailangan niyo sir?" sa kabila ng kabang nararamdaman ko, nagawa ko pa rin ang magsalita. Tanging labi at ibabang parte ng katawan niya lang ang nakikita ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng dilim. Hindi siya sumagot sa tanong ko imbis ay ngumisi lamang siya. Isang nakakapangilabot na ngisi. Ano ang ibig iparating ng ngisi niyang yun? Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Nag-aalab na mga mata. Yun ang nakita ko sa kanya. Nakakatakot. Bakit ganito? Bakit laging nauulit ang pangyayaring ito.  Sobrang lapit niya na sa akin. Wala na rin akong maatrasan. Kinakapos na ako ng hininga. Pinadaan niya ang daliri niya simula sa ilong ko pababa sa labi ko. Anong ginagawa niya? Nang yari na 'to kagabi.  "Naaalala mo pa ba ang ginawa mo kagabi?" oo. Naaalala ko pa. Yun sana ang gusto kong sabihin ngunit hindi ko mahagilap ang boses ko idagdag mo pa na nakapatong pa rin ang daliri niya sa labi ko. Napayuko na lamang ako ngunit saglit lamang iyon dahil muli niyang inangat ang ulo ko.  "Nakita mo naman siguro kung anong ginawa namin kagabi diba? Ang gusto ko- gawin natin yun ngayon." Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya. At ang kasunod nun ang paglapat ng labi namin sa isa't-isa. Hindi ako makagalaw. Ni ang kumontra ay hindi ko magawa. Nagsimula siyang pagalawin ang labi niya. Pilit niyang pinapasok ang dila niya sa bibig ko. Kinagat niya ang labi ko at matagumpay niyang nagawa ang balak niya. Naramdaman ko ang kamay niyang gumagapang sa likuran ko pababa sa pang-upo ko. Hindi 'to totoo. Isa lamang 'tong bangungot. Please. Kung hindi man 'to totoo, sana gisingin niyo na ako agad. Buong buhay ko hindi sumagi sa isip ko ang maranasan 'to. Ganito ba talaga ang buhay kapag lumabas ka sa kinasanayan mong lugar? Mararanasan mo ang mga hindi mo inaasahan?  'Nagmamakaawa ako.' isang patak ng mga luha ang dumagsa palabas sa namumugto kong mga mata.  "Sh*t." kumawala siya sa pagkakahalik sa akin. Nakuha kong huminga kahit papaano. Umatras siya palayo sa akin at naghilamos gamit ang kamay niya. Marahas siyang bumuntong hininga.  "Clean my room." narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Ibinuhos ko ang lahat ng luha ko. Napahagulgol na lamang ako kakaiyak.  Bumaba ako upang kunin ang panglinis sa ibaba at mabilis ring bumalik ulit sa kwarto niya. Binuksan ko ang ilaw upang mas mapabilis ang paglilinis ko. Singhot ako ng singhot habang naglilinis.  Hindi na rin ako nagtagal roon at agad na bumaba. Kumuha ako ng tubig sa ref at isinalin sa isang baso. Nakakauhaw ang mga nangyayari. Hindi pa nangangalahati ang araw pero nangyari na ito.  Napaupo ako sa stool chair. Pagod na ininda ang mga pangyayari.  'Shane.' Ito na ba ang tinutukoy niyang pahihirapan niya ako tulad sa mga nagdaang personal assistant niya? O ito pa lang ang simula ng pagpapahirap niya sa akin? Ngayon pa lang sa pinapakita niya, hindi ko na matatagalan pa ang mga susunod na pwede niya pang gawin sa akin. "I'll make you suffer."  Ganito ba siya kabait. Tsk. Niloloko ba nila ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi ng mama niya nang una kaming magkita. Na buong akala ko, magkakaroon na ako ng pamilya ngunit nagkamali ako. Lahat ay isang paasa. Napunta ako sa pagsisilbi sa lalaking malademonyong lalaki na nagngangalang Greco.  Greco Gonzalo Jr. Narinig ko ang yabag ng mga paang papalapit sa pwesto ko. Inangat ko ang ulo ko at walang duda na tama ang naging hula ko.  Aalis na sana ako nang biglang hawakan niya ang braso ko. Nanumbalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. "Wait. Just forget what happened earlier." ibang-iba ang tono ng pananalita niya ngayon. Sobrang pormal. Malayo sa kaninang Greco na kaharap ko. Mula sa pagkakahawak niya sa braso ko ay ang biglang pagyakap niya ng mahigpit sa akin.  "I'm so sorry for what I've done." sinseridad. Yun ang nababakas ko sa boses niya. Nababaliw na ba ako? O sadyang totoo lang talaga ang mga naririnig ko ngayon? "Greco is a good person. He will take care of you." Bakit ganito? Ito ba yun? Bakit kakaiba ang kinikilos niya? Hindi siya ang kaharap ko? Hindi siya 'to? No. I'm just hallucinating. Bakit siya nakayakap sa akin?  ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD