[S]hane
Pagkatapos na pagkatapos ng lahat-lahat ng paghihirap ko ay inilagay ko na ang ginamit kong towel sa palangganang may tubig at binitbit ito. Saktong pagtayo ko dala ang palanggana ay ang pagsakop ng liwanag sa buong kwarto.
Sa di inaasahang pangyayari. Dala ng pagkagulat. Wala sa sarili kong naitapon ang palanggana sa kanya. Sakto pa sa mukha niya.
Patay.
Sa isang kisap-mata ko pa lang ay nakita ko ng nagmulat siya ng mata at masamang nakatitig sa akin na animong gumawa ako ng isang napakasamang kasalanan. I admit. Kasalanan ko but hindi ko naman sinasadya. Kasalanan yun ng pesteng ilaw na yan. Di ba pwedeng magpaalam muna bago siya bumukas?
And now, I'm totally dead. Paano ko nalaman? Dahil sa mga titig niya pa lang para na siyang mangangain ng buhay. Kung isa lang siyang lobo na nasa harapan ko, kanina niya pa akong sinunggaban.
He stand up habang titig na titig pa rin diretso sa inosente kong mata. Nangangatog na ang labi ko sa takot. Maging ang tuhod ko ay nanghihina na rin. Sa hitsura niya ngayon, parang nawala bigla ang lasing niya.
Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko samantalang siya ay papalapit na ng papalapit na sa akin. At dun lang ako nakagalaw dahil sa pwersang parang itinitulak niya ako paatras. Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. He cornered me using his two arms. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Natatakot ako.
Sa unang araw ko pa lang sa trabaho ko, nakagawa na ako agad ng kapalpakan.
Ang mukha niyang basang-basa at ang dalawang pares ng matang nagbabagang nakatitig sa akin. Nakakapanghina. He hold my chin and turned it brutally. Sumakit pa ang leeg ko sa pagpihit niya sa ulo ko.
"Why are you not looking on me?" sarkastiko niyang turan. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Am I that handsome enough para hindi mo ako matingnan ng diretso?" anong ginagawa niya? Kahit wala pa siyang ginagawa sa akin, naninindig na mga balahibo ko. Ganito ba ako? Ganyan ba siya?
Wala pa rin akong lakas ng loob para magsalita. Pakiramdam ko parang naputol ang dila ko at hindi kayang magsalita. "You know what, you're the 23rd personal assistant hired by my mom and you're my 23rd personal assistant who'll suffer in my hands." nangangatog ang tuhod ko. Nanghihina ang kalamnan ko. Hindi ko madepensahan ang sarili ko. At 23? Dalawampu't tatlo akong naging personal assistant niya.
Napadausdos ako pababa sa sahig at nanghihinang napaupo. Malakas na pagsara ang narinig ko paglabas niya sa kwarto.
Naiiyak ako.
Naghihina.
At natatakot.
***
Punas doon.
Punas dito.
Pagpatak pa lang ng alas-syete kanina ay nagising na ako. Nakatulog na pala ako nang nakaupo sa sahig. At ito ako ngayon, naglilinis dito sa sala. Nakahanda na ang almusal sa dining table ngunit hindi pa rin siya bumabangon.
Tumungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nakakauhaw naman kasi. Oo. Ang pagkakaalam ko, magiging PA niya lang ako but hindi ko naman kasi matiis na hindi gumawa ng mga gawaing-bahay. Kinasanayan ko na rin kasing gawin yun.
Sa kalagitnaan ng pag-inom ko, napabuga ako ng tubig ng marinig ko ang boses niya o ni sir Greco sa kung saan.
"Go to the gym room."
Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan nagmula ang boses niya pero ni anino niya ay wala akong nakita.
"I said get here at the gym." pumailanlang ang galit na tono ng boses niya. Nababaliw na ba ako? Ganun na ba ako kaadik para mag-hallucinate ng ganito? Anong nangyayari sa akin? Kung ganun nga, kailan pa pumasok sa kokote ko na mag-isip ng gym.
Binalewala ko na lang ang bagay na yun. Masyado lang sigurong malawak ang imahinasyon ko.
Naglakad ako papunta sa sala upang ipagpatuloy ang naiwang gawain ng may mabangga akong isang matigas na bagay. Napahawak ako sa noo ko at nagtatakang tiningnan ang matigas na bagay na nakasagupa ng mukha ko.
Sh*t. Laking gulat ko nang malaman ko kung ano ang nasa harap ko. Hindi ano kundi sino.
Isang Greco na nakatopless at pawis na pawis ang buong katawan. Bakas mo sa katawan niya ang kahubugan nito. Patunay nito ang matikas niyang dibdib at ang abs niya. Bakit para atang uminit bigla dito? Wala akong pakundangang tumalikod sa kanya at sinapo ang papapula kong mga pisngi. Ano na naman ba nangyayari sayo Shanny?
"Sir, kayo po pala yan?" sabi ko habang ganun pa rin ang posisyon ko. Nakakailang siyang tingnan. Oo. Nakita ko siya kagabing mas malala pa dyan. I mean, hindi naman gaano kalala dito. Pero iba pa rin pala ang pakiramdam. Hindi ko afford.
"Diba sabi ko sayo pumunta ka sa gym room?" ano raw? Pumunta ako sa gym room? So, ibig sabihin hindi ako nag-hahallucinate kanina. Totoo talagang narinig ko yung boses niya sa kung saan? Yes! Hindi ako adik.
"Tsk." narinig ko bago niya ako dinaanan. Matagal ako bago nabalik sa ulirat at pumunta sa gym room. Para saan? Ewan. Wala naman kasi siyang sinabi. Basta ang sinabi niya lang pumunta daw ako dito. Period. Wala na.
Bumungad sa akin ang maraming dumbels at mga barbels na nakakalat sa sahig. Yung isang punching bag na dapat nakabitin ay nakabulagta sa sahig. Yung mga jumping rope, ayun! Buhul-buhol.
At sa isang simpleng salita, sobrang kalat. As in sobrang kalat talaga. Ito ba ang sadya niya kaya niya ang pinapunta dito? Ang ligpitin ang lahat ng bagay na nakakalat dito? Itong iba kaya ko pa pero paano naman yung mga barbels? Paano ko yan bubuhatin?
Nakakabaliw na 'to.
Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Ang alam ko personal assistant lang ako dito, bakit pati mga ganitong trabaho kailangan kong gawin? Bakit hindi na lang sila kumuha ng katulong imbis na PA. Personal assistant ako dito hindi instant katulong.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at ipinagpatuloy ang paglalakad papasok sa kwarto.
Wala akong choice.
Inuna ko muna ang mga jumping
rope na ayaw na atang magkahi-hiwalay dahil sa pagkakabuhol nito. Dito pa nga lang sumasakit na ag daliri ko. Nakakangalay naman 'to.
Sinunod ko naman ang punching bag na prenteng nakahiga sa sahig. Pilit kong inaabot ang sabitan niya ngunit hindi ko ata abot. Oo. Matangkad ako. Pero mas matangkad kasi sa akin yung sabitan. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at may nakita akong isang wooden chair sa isang tabi. Kinuha ko yun. Napapagpag ako sa dalawa kong kamay pagkatapos ko sa bagay na yun.
And there it is.
Isa-isa kong pinulot ang mga dumbels at isa-isa rin itong inilagay sa mga lagayan nila. Pinagpapawisan na ako at nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Maya't-maya ang punas ko sa noo ko.
Kailan pa ba ako matatapos dito?
Titig lang ang ibinaling ko sa barbels na nasa sahig. Apat. Apat na barbels ang kailangan kong ligpitin bago ako matapos dito. Nag-isip muna ako ng paraan para mas mapadali ang pagsalansan sa mga pakalat-kalat na barbels na 'toh.
Matapos ang mahaba at mabusising pakikipagdiskusyunan sa malikot kong isip ay sa wakas ay wala akong naisip ng madaling paraan para mas mapabilis ang pagliligpit ko.
Napameywang na lang ako habang nakikipagtitigan pa rin sa barbels na 'to.
Paano ko ba 'to bubuhatin? E ang bigat-bigat nito. Baka makalas lang ang buto ko kapag binuhat ko ang ilang kilong barbel na 'to.
"Sino ba kasing nagsabi sayong ligpitin mo yan?" narinig ko ang tinig na nagmula sa likuran ko. Si Greco na prenteng nakasandig sa may pinto habang may hawak na baso ng tubig. Topless pa rin siya. At wala ata siyang balak magsuot ng shirt o mapa-sando man lang.
'Sino ba kasi? Wala naman siyang sinabi ah.' ang tanga mo talaga Shanny. Oo nga naman. Wala naman siyang sinabing magligpit ka dito ah. Ang sinabi niya lang pumunta daw ako sa gym room. Period. Masyado ka kasing atat.
'Sorry naman. Nagkukusa lang kasi ako.' yan. Yung pakusa-kusa ko nauuwi sa kapalpakan. Oo. Ako na ang dakilang masipag, pero bawas-bawasan naman kasi Shanny. Nagmumukha akong tanga nito e.
"You look like crazy a while ago. Why you're talking to yourself?" lumapit siya sa upuan na inapakan ko kanina. Ulit. Prente na naman siyang naupo.
"Problemado po kasi ako sir." dahilan ko. Ipinatong niya ang dala niyang baso sa upuan at tumayo. Humakbang siya papalapit sa akin. Ya na naman. Yung mga titig niyang ganyan. Titig na titig siya sa mga mata ko habang papalapit sa pwesto ko. Ito na naman siya. Ng malapit na siya akin-
"Sir." napasigaw ako at mistulang aabutin yung kamay niya ng mabanaagan ko na lang siyang nadapa na dahil sa isang barbel na nasa harap niya. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa isip ko dahil-dahil ang epic lang. Agad ko siyang nilapitan at inalalayang makaupo. Muntikan pa siyang matumba. Dahil tanging shorts lang ang suot niya, nakita kong may gasgas sa tuhod niya maging sa palad niya ay meron din.
"Sh*t." mahinang bulalas niya.
***
Napangiwi siya sa sakit ng idinampi ko ang bulak na may alcohol sa palad niyang may gasgas. Alcohol? Kanina tumingin ako sa first aid kit pero tanging ethel alcohol lang ang available. Wala betadine.
"Masakit po ba sir?"
"Are you f*****g serious with your question?" ito na nga nag-aalala oh. Siya pa yung may ganang magalit. Bahagya kong idiniin ang bulak sa palad niya. Naiinis ako.
"Ahh! Be gentle."
"Parang gasgas lang kung maka-aray parang ang laking sugat." I murmured. Bulong lang baka kasi masapak ako ng amo kong 'to.
"May sinasabi ka?"
"Wala po."
Maya't-maya ang tingin niya sa akin habang nilalagyan ko ng band aid ang sugat niya. Hindi tulad ng titig niya kagabi at kanina. Iba. Parang, parang ano. Ewan. Di ko maexplain.
"Tapos na po sir." sambit ko ng matapos na. Walang sabi-sabi siyang tumayo at tinalikuran ako.
'Hindi man lang marunong magpasalamat.'
Napaismid na lang ako.
***
Ito na naman ako, tulad kagabi. Nag-iisa. Walang kausap at parang baliw na nakatulala. Narinig ko kasi kanina na lumabas yung kotse niya bandang tanghali at hanggang ngayon wala pa rin siya.
Mas mabuti na rin siguro- Hindi! Hindi 'to maganda. Dahil ngayon ko lang naalala na wala pa pala akong tutuluyang kwarto. Remember? Natulog ako kagabi sa kwartong pinagdalhan ko kay Greco kagabi. At yung malaki kong bag, nakatengga lang doon sa loob ng cabinet sa kusina. Nakakalimutan ko kasing magsabi sa tuwing nagkakausap kami.
Hay naku! Ganito na lang ba ako dito lagi. Laging mag-iisa? Nagmistula tuloy ako ang may-ari ng bahay dahil ako lagi ang naiiwan dito. Feel at home. Sa nilalaki-laki ng bahay, wala namang taong nakatira. Siguro ng wala pa ako dito, laging walang tao 'tong bahay. At tsaka natitiis niya bang mag-isa lang siya dito? Hindi ba siya nabobored?
'Bakit ba curious na curious ka?' ito na naman ang malikot kong pag-iisip. Hindi ako curious. Nag-aalala lang ako sa kanya dahil baka may mangyari sa kanyang masama. Mamaya baka ako pa ang sisihin, trabaho ko 'to e. Ang alagaan siya.
'Kahit hindi mo ginusto.'
Hatinggabi na naman pero wala pa rin siya. Ganito ba talaga ang gawain niya sa buhay niya? Ang magbulakbol. Puro trip lang ang alam niya sa buhay niya. Ni hindi ko man lang siyang nakitang may pinagkakaabalahang mahalagang bagay.
Binuksan ko ang tv upang mabawasan ang nagpaparamdam kong antok. Wala akong mahanap na matinong mga palabas kaya pindot ako ng pindot.
Pindot.
Lipat.
Pindot.
'Nasaan na ba siya?' Huwag niyang sabihin na uuwi na naman siyang lasing tapos igigiya ko na naman siya papunta sa kwarto niya. Tapos pupunasan ko ulit siya. Tapos matatapunan ko na naman siya ng tubig. Ayts. Ayoko ng maulit yung kagabi.
Hindi ko alam kung bakit uminit bigla ang pisngi ko sa naalala kong senaryo kagabi. Hindi maalis sa isip ko yung matitigas- Shut up Shane! Mali ang iniisip mo. Hindi nakakatakam- Hindi! Mali. Wala akong nakita kagabi. Isa yung pagkakamali para sa akin. Bilang isang batang lumaki kasama ang maraming madre, hindi ako magpapadala sa pa-abs niya.
Shanny, abs lang yun. Period. Huwag kang magpapadala. Never kang magpadala.
Sa sobrang kakaisip ay may narinig akong bigkang ungol. Hindi naman sa marumi ang isip ko. Hindi na ako naghahallucinate. Totoong may naririnig akong ungol. Sinundan ko kung saan banda nanggagaling yung ungol. Dahan-dahan. Dahan-dahan lang sa paglalakad.
At doon ko napagtanto kung saan nanggagaling yung ungol.
Si Greco may kahalikang babae.
Hindi ako pwedeng magkamali, si Greco yung lalaki.
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ