[S]hane
"Ahmm.. This is our son. Greco. Greco Gonzalo Jr."
"Hi! I'm Shane. Elle Shane Hellioas."
"I don't care. I mean, why is he here? For what reason?"
"He's here because he'll be your new personal assistant. "
Personal Assistant? Pero walang sinabi sa akin si mother Elizza na magiging katulong ako ng lalaking 'to. No way.
Bakit hindi nila agad sinabi sa akin na magiging PA lang pala ako. Kaya pala sa simula pa lang nagtataka na ako dahil sa biglaang pag-aampon sa akin. Ganito pala ang mangyayari?
Ang sakit-sakit. Umasa lang ako. Buong akala ko pa naman magkakaroon na ako ng tuturinging pamilya pero ano ako ngayon? Umasa.
"Otherwise, pumayag na rin si Shane para maging personal assistant mo. Look at yourself Greco. You look mess." mga boses na nagsisigawan sa malaking mansyon ang naririnig ko na lang. Unti-unti itong bumabagal. Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na tanggapin ang mga panunumbat ng lalaking 'to sa akin. Gusto kong umiyak dahil sa mga masasakit na binabato niya sa akin.
"Damn ma! Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na I don't need a personal assistant. I can manage myself without that kind of idiot." nanatili pa rin itong nakatingin sa mama niya habag duro-duro ako. Maging ako nagulat rin sa rebelasyong 'to. Maging ako ayaw ko ring makasama ang lalaking nasa harapan ko habang nilalait ang pagkatao ko.
Andun na e. Nasa tuktok na sana ako e. Pero bakit bigla ata akong nahulog sa paanan ng bundok. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
"I know. Whether you like it or not. Magtatrabaho siya bilang personal assistant mo. And that's final." yun ba talaga ang plano nila kaya nila ako inampon? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na bakit ako pa ang napili nilang magtrabaho. Marami namang iba dyan na pwedeng kunin nila bilang PA. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Hindi ko maitatak sa utak ko na ganito ang mangyayari sa akin kapag lumabas na ako sa kinasanayan kong lugar. Now, I'm stepping out on my comfort zone. Hindi ako sanay. Nakakapanibago.
Ibinaling nito sa akin ang tingin. Isang matalim na tingin na halos matusok na ang buo kong katawan. "I'll make you suffer." huling sambit nito bago padabog na lumabas sa mansyong ito. Napayuko na lang ako ng hindi malamang dahilan. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay sa likod ko. Hindi ko na siya kailangan tingnan dahil hindi na kailangan.
"I'm sorry Shane. Everything gonna be alright." sabi ni kasabay ang paghagod sa likod ko.
***
"I want to apologize sa mga sinabi ng anak ko kanina." kasalukuyan kaming kumakain dito sa dining area nila. Sobrang dami ng pagkain na nakahain sa harapan namin kahit tatlo lang kaming kakain. Pero hindi yun ang pinagtuunan ng buo kong pansin. Base sa titig sa akin ni ma'am Angelie. Haist. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ulit ng mama. Pero isa lang palang kahibangan ko sa isip yun. So I decided to call her ma'am Angelie sa kadahilanang magiging amo ko na siya.
Ayaw ko pa sanang pumayag pero anong magagawa ko? Wala. Kung tatakas din lang naman ako, useless lang. Dah! They already signed the contract para sa pag-ampon sa akin. Imbis na maging anak, napunta ako sa pagiging PA ng lalaking yun. Mukhang dragon. Ay mali. Mukhang demonyo. Maliitin niya na ang lahat sa akin huwag lang ang kabaklaan ko. Nandito na ako e. Kailangan ko ng tanggapin ang kapalaran sa labas ng kinasanayan kong buhay.
"Okay lang po yun. Unexpected lang po siguro." sambit ko at uminom ng tubig sa harapan ko. Patapos na rin akong kumain. Pinilit ko pa ring ubusin yung pagkaing nasa harap ko kahit wala akong gana.
Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Sa dinami-dami ng nilalang sa mundo ako pa talaga ang napili niyang paglaruan. Bakit ako pa? Maliit lang naman ang naging kasalanan ko. Baka nga hindi pa yun kasalanan? Yung pagiging bakla ko. Ginusto ko bang maging ganito? Ginusto ko bang lait-laitin ng lalaking yun dahil naging ganito ako? Buong buhay ko, hindi pa tinatapakan ang pagkatao ko.
"We'll go home later. Just wait for him to come back." nasamid ako sa sinabi ni ma'am Angelie kahit wala na akong kinakain. Anong ibig nilang sabihin?
Hindi sila nakatira dito? Sh*t. Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari mamaya, baka ikamatay ko na? Pagdating namin dito kanina wala akong napansin na mga katulong maging ngayon.
Ang pinagtataka ko lang, sa ganito kalaking bahay isa lang ang nakatira. How? Kaya niyang mabuhay mag-isa? Ngayong titira na rin ako sa malaking mansyon na 'to kailangan kong tiisin ang lahat. Lahat-lahat. Base sa mga salita niya sa akin mukhang hindi ko kakayaning makisama sa demonyong yun. Angel in disguise.
"Po!" hindi ko napigilang hindi maibulalas ang pagkagulat ko sa isa na namang rebelasyon. Please. Sabihin niyo na lahat para alam ko na. "Ang ibig niyo pong sabihin hindi po kayo nakatira dito?"
"Yes. But don't worry Shane, Greco is a good person. He will take care of you." shocks. Puro kasinungalingan ang lahat ng yan. Hindi niya ba nakita kung paano ako laitin nun? He will take care of me? Baka nga magkasakit pa ako ng dahil sa kanya? Hindi pa naman ako nagsisimula, nahihirapan na ako.
Napatango na lang ako.
"I trust you Shane. I believe you can change him. I know how rude Greco is. But please, just understand him." wala na akong masasabi pa. Wala na rin naman akong magagawa e. Wala rin akong karapatan pang magreklamo pa. Useless din.
***
Tahimik lang akong nakaupo dito sa sala. Balot na balot ng katahimikan. Nag-iisa. Walang kasama. Kanina pa sila umalis pagkatapos naming kumain. Nakapaghugas na rin ako ng pinagkainan at wala na akong gagawin. Ang tangi na lang ay ang hintayin siyang makabalik. Simula ng umalis ito hindi pa siya bumabalik. Padilim na rin sa labas.
9:00 PM
Nababagot na ako kakahintay. Ang sakit na rin ng puwet ko kakaupo. Kanina kumain na rin ako at naglibot na sa buong bahay, nagbabakasakali na pagkatapos ko ay babalik na siya. Ngayon, wala pa rin siya.
12:00 AM
Dinalaw na ako ng antok. Lahat-lahat na. Hanggang ngayon wala pa rin siya. Pasulyap-sulyap ako sa malaking orasan na nakadikit sa pader. Hatinggabi na. Yakap-yakap ko ang unang nakapatong sa sofa. Kung may pakiramdam lang 'to kanina pa 'to uminda dahil sa sobrang diin sa pagkakahawak ko. Naiinip na ako higit sa lahat nakakaramdam na rin ako ng pagka-inis.
Kakasimula ko pa lang sa trabaho tapos ganito na agad ang pinaparanas nila sa akin. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? linggo? buwan? Sh*t. Baka hindi na ako makaabot ng buwan sa mga dadanasin ko dito. Swertehan kung aabot ako ng taon kasama ang lalaking yun. Haist. Ngayon lang ako nakakilala ng ganung tao.
"Nasaan na ba siya?" nasabi ko na lang sa sarili ko at maya't-maya ang tingin sa orasan.
2:30 AM
Napamulat ako ng mata sa narinig kong ingay mula sa labas. Ingay ng engine ng kotse kasabay ang ilaw na tumatama sa madilim na interior ng bahay. Kaninang ala-una nagulat ako dahil bigla na lang namatay ang lahat ng ilaw maging ang lamig na nagmumula sa malaking aircon ay naglaho rin. Kaya ito ngayon, sobrang dilim at medyo mainit din.
Kasunod nun ay ang pagbukas ng main door at ang pagpasok ng isang lalaki na mababakas mong mukhang lasing dahil halos masubsob na ito sa sahig pagkasara pa lang nito sa malaking pinto. Walang pag-aalinlangang linapitan ko siya at aalalayan na sana ng galit nitong tinabig ang kamay ko.
"Get off me." umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw nito. Pulang-pula ang mukha nito. Hinayaan ko na lang siyang maglakad kahit pagewang-gewang pa. Natigil ako sa pagmasid sa kanya ng lumuhod siya kasunod nun ang pagsuka niya malapit sa hagdan.
Napakunot ang mukha ko at nilapitan siya ulit. Hindi na siya umangal pa at tuluyan ko ng ipinatong ang braso niya sa kabila kong balikat at hinawakan siya sa bewang niya. Dahan-dahan ko siyang inakyat sa hagdan kahit hirap na hirap na ako. Ramdam ko rin ang init ng katawan niyang nakadikit sa katawan ko.
May nakita akong unang pinto pagkarating namin sa ikalawang palapag. Dahan-dahan ko itong binuksan. May nakita akong malaking kama sa gitna ng kwarto at doon ko siya inihiga.
"Faggot." papatalikod na sana ako ng marinig ko ang salitang yan mula sa kanya. Tiningnan ko siya ngunit pikit na pikit na ang mata niya at nakadipang nakahilata sa kama. Trip niya ba talaga ako?
Pahakbang na ang isa kong paa ng tawagin niya na naman ako.
"Faggot." tawag niya ulit. Hindi ko na siya pinagkaabalahang lingunin at pinagpatuloy na ang paglakad palabas ng kwartong 'to. Pipihitin ko na sana ang ang doorknob ng sambitin niya na naman ang nakakabanas na salitang yun. Nakakamot sa batok na hinarap ko siya. Nagulat ako dahil nakita ko na siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakayuko. Ina-unbutton niya ang suot niya long sleeves.
"Clean me." matamlay niyang sabi at pabulagtang nahiga ulit sa kama. Tuluyan ng naka-unbutton ang suot niya at lantad na lantad na ang matitigas niyang abs sa ginawa niyang yun.
Umiwas ako ng tingin.
"P-po?" utal kong tanong at hindi pa rin nakatingin sa kanya. Kahit bakla ako at may abs siya dyan sa katawan niya, ayoko pa ring mabahiran ng kalaswaan ang mata ko. Hindi na siya kumibo pa. Kahit narinig ko naman ng malinaw ang sinabi niya. Narinig ko na lang na humilik siya ng malakas.
Wala na akong nagawa pa at lumabas na sa kwartong yun upang kumuha ng tubig at towel na ipangpupunas ko sa kanya. Hindi na ako nagtagal. Bumalik na ako sa kwarto agad. Hindi ko inasahan ang sunod na bubungad sa pagpasok ko sa kwartong pinagpasukan ko sa kanya. Naka-unzip na kasi yung suot niyang pants at bahagya na itong nakababa. Don't get me wrong. Wala akong balak galawin siya. Bilang isang bata na lumaki kasama ang maraming madre, kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang mga malalaswang bagay na yan.
Pikit-mata kong inihubad ang suot niyang pang-itaas. Idinampi ko sa walang malay niyang mukha ang bimpo at dahan-dahang pinunasan ito. Sinunod ko ang katawan niya pagkatapos sa mukha. Marahan ko itong pinunasan ito na waring iniingatan na huwag siyang magising dahil sa ginagawa ko. Ng mapadako ako sa sinasabi kong abs niya ay halos hindi ko na idikit ang kamay ko dito. Parang may kuryenteng dumadaloy sa mga braso ko ng hindi ko alam ang dahilan.
Ito na. Kahit ayaw ko kailangan pa ring gawin. Pipilitin ko pa ring linisin ang buo niyang katawan kahit pinapawisan na ako. Idagdag pa na nakapatay ang airconditioner dito sa loob o sabihin na nating sa buong bahay.
Ulit. Dahan-dahan kong ibinaba ang suot niyang pants. Matagumpay ko naman itong naitanggal. Nag-isip muna ako kung itutuloy ko pa ba ang paglilinis sa katawan niya. Tagaktak na ang pawis ko sa noo. Sa huli wala pa rin akong nagawa. Ngayong amo ko na siya, kailangan sundin ko ang lahat ng ipag-uutos niya gaya na lang ngayon.
Idinampi ko ang bagong pigang bimpo sa hita niya at kasabay nun ang pag-ungol niyang malakas. Napaatras ako ng kaunti ngunit itinuloy ulit ito makalipas ang konting segundo. Kahit ungol siya ng ungol sa bawat pagdampi ng bimpo sa katawan niya, tinapos ko pa rin ang gawain kong ito.
Pagkatapos ko siyang punasan, iginala ko ang tingin sa buong kwarto at doon ko napansin ang isang closet. Lumapit ako dito at binuksan. Napanganga na lang ako sa nakita ko. Paano ko siya bibihisan kung walang laman 'tong closet na 'to.
Bumalik ako sa pwesto niya at wala ng nagawa kundi ang kumutan na lang siya na ang tanging suot lamang ay boxer.
Pagkatapos na pagkatapos ng lahat-lahat ng paghihirap ko ay inilagay ko na ang ginamit kong towel sa palangganang may tubig at binitbit ito. Saktong pagtayo ko dala ang palanggana ay ang pagsakop ng liwanag sa buong kwarto.
Sa di inaasahang pangyayari. Dala ng pagkagulat. Wala sa sarili kong naitapon ang palanggana sa kanya. Sakto pa sa mukha niya.
Patay.
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ