MasteR. 02

2021 Words
[S]hane "Diba gusto mong magkaroon ng isang pamilya na mag-aalaga sayo noon pa man?"  "Malapit ng matupad ang inaasam mong pangarap." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "May taong nagdesisyon na ampunin ka." "Pero po..." "Ito na ang pinakahihintay mo buong buhay mo." *** Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni mother Elizza. Kanina pa ako nakahiga dito pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Buong akala ko, wala nang aampon sa akin. Sa edad kong 'to diba? Nawalan na ako ng pag-asa lahat-lahat. Pero ngayon, nalaman kong magkakaroon na ako ng pamilya. Pamilyang handa akong mahalin. Sa kabilang banda, nagtataka ako kasi sa edad kong 'to may nagkainteres pa sa akin. Hindi sa literal na magkainteres, na may magmamahal pa sa akin. Ayoko namang isipin na may mali. Hindi ko lang talaga maiwasang maging masaya. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil agad-agad kong mamimeet ang aampon sa akin. Nasa sa akin na ang desisyon kung sasama na ako sa kanila o sa makalawa na lang. Ayoko naman kasing iwan agad si mother Elizza. Mamimiss ko pa rin siya kahit papano. Di ko namalayang nakatulog na ako sa kakaisip sa mga mangyayari bukas. Nakapagdesisyon na rin ako sa pagsama ko sa aampon sa akin. Bukas na bukas sasama na ako sa kanila. Hindi naman na sa gusto ko ng umalis dito. Hindi ko lang talaga mapigilan ang excitement. Be ready Shane.  Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga damit ko ng may pumasok sa kwarto. Si mother Elizza. Bakas mo sa mukha niya ang lungkot kahit malayo pa siya sa akin. Umupo kami pareho sa kama ko at hinawakan ako sa mga kamay ko. Mariin siyang tumitig sa mata ko.  "Ready ka na ba anak?" ngiti at tango lang ang nasagot ko. "Nandyan na sila sa labas naghihintay." sila? ibig sabihin hindi lang siya isa. Hindi ako makasagot. Hindi ko mahagilap ang boses ko. Parang umatras ang dila ko. Imbis na sumagot ako ay mas pinili ko na lang na yakapin siya ng mahigpit. "Mamimiss po kita." I heard her sniffs kaya kumalas ako sa yakap niya. Mother Elizza naman e. Huwag mo akong iiyakan. Baka mahawa ako? Kahapon pa ako iyak ng iyak. "Mother Elizza naman e. Huwag na po kayong umiyak. Baka hindi ako niyan makaalis?" niyakap ko ulit siya ng mahigpit at hinimas ang likod niya. I need to comfort her. "I'm sorry anak." kumunot ang noo ko sa sinabi niya na bahagya pang pumiyok sa dulo. Kumalas ako ulit at tumitig sa kanya. Yung titig na may pagtataka. Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang kasalanan. "I'm sorry." ulit niya. Kahit nagtataka ako ay pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya. Pinunas ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko. Baka kasi mamaya, hindi ko na mapigilang hindi umiyak. "Tara na po." lumabas na kami sa kwarto ko bitbit ang isang bag na sakto lang na paglagyan ng damit ko. Hindi ko na pinagkaabalahang dalhin ang isang bagay na naglalaman ng malungkot kong nakaraan. Lahat ng alaala ko dito at noon, iiwan ko na dito. Bubuo na ako ng bagong alaala kasama ang bago kong pamilya na magmamahal sa akin. Na handa akong ituring na anak at parte ng kanilang buhay. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hallway, pabilis ng pabilis din ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kong excitement ba 'to o kaba ang nararamdaman ko? Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Pagbukas pa lang ng malaking pinto sa sala ay natanaw ko na ang dalawang tao na kung hindi ako magkakamali ay mag-asawa. Sa tingin ko ay may edad na rin sila pero hindi mo halata sa mukha nila. Malapit na. Makikita ko na sila. Nakangiti silang tumingin sa amin at tumayo para salubungin kami. Tahimik akong naupo sa tabi ni mother Elizza katapat sila habang nakangiting nakatingin sa akin. Nakakahiya.  "Siya na ba ang sinasabi mo?" tanong ng lalaking kasama niya. Hindi mo maikakaila na kahit may edad na siya, kita mo pa rin ang kagwapuhan nito.  Sa pagmumuni-muni ko, May isang bagay ang pumasok sa isip ko.  'Ano ang dahilan nila, bakit ako ang naisip nilang ampunin samantalang sobrang dami ng mas bata sa akin dyan?' "Yes." maikling tugon ng babae sa kanya. Sobrang kinis niya. "What's your name again?" itinuon nito ang atensyon sa akin. Ngiting-ngiti. Inangat ko ang ulo ko upang harapin at sagutin ang sagot niya. Nahiya naman ako sa suot kong t-shirt at pants sa suot nila. Halatang mamahalin.  Ngumiti muna ako bago sumagot. "Shane po. Elle Shane Hellioas."  "Sorry for this but..." ang lalaki naman ang tumanong sa akin. Nakangiti rin siya sa akin. Saglit siyang nahinto sa sasabihin niya, mistulang hindi alam ang susunod na sasabihin. "Are you gay?"  "Hon! Don't be rude like that. Sorry Shane. Sadyang mapagbiro lang talaga 'tong asawa ko." simpleng ngiti lang Shanny. Huwag kang papaapekto sa tanong na yun. Huwag mong hahayaan na i-judge ng ibang tao ang kasarian mo.  "Okay lang po."  "So.. Can we go now?" at yun na nga. Nagyaya na nga sila na aalis na. Nauna na silang tumayo at umalis palabas. Humarap ako sa kanya. She hold my cheek and said; "Magpakabait ka anak." hinatid na ako palabas ni mother Elizza. Nakaparada ngayon sa labas ang kulay abong van kung saan ako sasakay kasama sila. Sa huling pagkakataon, yinakap ko si mother Elizza. Pumasok na ako sa van at naupo sa bandang gitna nito. Sumulyap ako sa likod at nakita ko siyang kumakaway sa akin habang papaalis na kami. Nang mawala na siya sa paningin ko, doon na lang ako umayos ng upo. "Don't worry Shane. You can visit them next time." nabuhayan ako sa sinabi niya. So, papayag sila na bumisita pa rin ako sa tahanan ko.  "By the way, hindi pa pala kami nakakapagpakilala sayo. I'm Mrs. Angelie Gonzalo..." tinuro niya ang asawa niya na busy sa pagmamaneho. "And this is my husband Greco Gonzalo Sr." ha? Sr.? Don't tell me na may anak sila? Bakit pa nila ako inampon kung may anak naman pala sila?  'Baka patay na?' sabi ng kabila kong utak. Siguro nga? Kamukha ko siguro ang anak nila, kaya ako ang napili nilang ampunin. Atleast, ngayon alam ko na kung bakit nila ako inampon.  Hindi ako sigurado kung yun nga ang dahilan? Nabalik ako sa wisyu ng biglang bumusina ang kotseng sinasakyan namin sa harap ng puting dambuhalang gate. Sumunod na nangyari ay ikinagulat ko ng sobra. Bumukas ng kusa yung gate at umandar na ulit ang van. Huminto ito sa isang bahay- ay mali! Sa isang puting mansyon. Nakakalula yung laki nito. Nakanganga akong bumaba sa kotse. Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng ganito kalaking bahay sa tanang buhay ko. "We're here." anunsyo ni mama. Simula ngayon, tatawagin ko na siyang mama. Uunahan ko na siya. Magiging mama ko na rin naman kasi siya e. Ang sarap sa pakiramdam na may tinatawag ka ulit na mama. "Follow me Shane. We have something to talk to." sumunod ako agad sa kanya papasok sa mansyon kung saan na rin ako titira. Nadaanan pa namin ang isang fountain na may angel sa gitna. Sobrang ganda naman dito. Gusto ko ng makita ang kwarto ko. Kung maganda sa labas, mas mapapanganga ka sa loob nito. Oh my! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kagandang bahay. Parang ayaw kong idikit ang mga sapatos ko sa black tiles sa sobrang kintab. Kahit kulay itim ang ito, makikita mo pa rin ang sarili mo. Ganun kalinis. Walang bakas ng alikabok. Yung mga handicrafts sa loob, mapapanganga ka na lang ng sobra. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag sa sobrang amaze. Speechless. Totoo ba ang lahat ng 'to? Dito na ba talaga ako titira? Sa ganito kagarang mansyon?  "Take a sit first." lininga-linga ko pa ang atensyon ko sa buong interior ng bahay. Ngayon ko lang napansin, parang walang mga katulong na nag-aaligid. Sa mga pelikula kasing napapanuod ko sa tv, may mga katulong na nagbibigay ng mga inumin sa mga bisita. Bakit dito parang hindi ata uso yun?  Nakakapanibago yung katahimikan? Doon kasi sa bahay-ampunan maingay pero dito kabaliktaran. Kami-kami lang ang naririnig kong boses sa loob ng mansyon. Sila lang ba ang nakatira dito? Sobrang tahimik naman ata? Hindi ba sila nababagot kapag nandito sila? "Are you ready for your first day?" nabaling ulit ang atensyon ko sa magiging future parents ko. Kung tinatanong nila kung handa na ba akong simulan ang pagiging buhay mayaman ko. Aba! Tinatanong pa ba yan? Walang pag-aalinlangang tumango ako at ngumiti. "Opo." "Good to hear that." hindi na ako makapaghintay. Ito na ang matagal kong pinapangarap. Maaabot ko na ang bituin na pilit kong inaabot noon pa man. "Let's just wait him before you start. I think malapit na siyang umuwi." ha? Sino pa ba ang hinihintay nila? May kailangan pa ba akong makilala bago ako maging parte ng pamilya nila? "Sino po?" hindi ko napigilang hindi magtanong. Magiging parte na rin naman ako ng pamilya nila kaya may karapatan akong magtanong about personal. "Our son." natameme ako sandali. Pilit ko pa ring pinoproseso sa utak ko yung sinabi niya. Ano yun? Bakit may ganun? Son. Akala ko ba patay na ang anak nila? Bakit hihintayin pa namin? 'Sino ba kasing nagsabing patay na ang anak nila?" napasapo ako sa noo ko sa 'king isip dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko kanina. Ayts! Ang tanga mo talaga Shanny. Bakit kasi inisip mong patay na ang anak nila? Pero... napangiti ako ng wala sa oras. Son? Isa lang ang ibig sabihin ng sinabi niya. Bukod sa magigi na akong parte ng pamilya nila. Magkakaroon na rin ako ng kapatid. Ang saya. Dahil doon mas lalong nadagdagan ang excitement na nararamdaman ko. Hindi na ba masyado atang matagal na siyang hinihintay? Maya-maya may narinig na kaming busina ng sasakyan mula sa labas. Siya na siguro yan? Gusto ko na siyang makita ng personal? Ano kaya ang hitsura niya? Ang dami ng tanong sa isip ko. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Napatingin ako doon. Totoo ba 'tong nakikita ko? Isang lalaking nakaformal at may suot na shades na naglalakad papalapit sa amin ay magigi ko ng kapatid? Kahit malayo pa siya sa amin, bakas na ang kagwapuhan nito. May pinagmanahan naman kasi.  Nang makalapit na siya sa amin, dahan-dahan niyang inalis ang suot niyang shades. Kasabay nun ay ang pagbagal ng ikot ng oras at mundo ko. Siya lang ang nakikita ko. Magiging kapatid ko na ba talaga siya? Ganito kagwapong nilalang, magiging kapatid ko? Pwedeng huwag na lang?  Napakagat ako sa labi ko.  Prente itong naupo sa harapang sofa na kinauupuan ko. Pinatong nito ang kanina niyang suot na shades sa maliit na round table na katabi ng kulay gintong sofa na inupuan niya. "What are you doing here?" seryoso nitong sabi. Parang may inis sa boses niya? "Ahmm.. This is our son. Greco. Greco Gonzalo Jr." so.. Siya ang tinutukoy na Jr. Ganito siguro kapogi ang papa niya dati. Binaling ko ang tingin sa papa niya na kanina pa nagbabasa ng magazine. Sinusuri ko kung magkamukha ba talaga sila? Bakit hindi? Tumingin ako sa mama niya. Oh my! Magkamukha sila ng mama niya. "Stop calling me Jr." tumingin ito sa akin. "And who is this?" tumaas ang kilay nito ng tumingin sa akin. Kahit ang sungit niya, gwapo pa rin siya.  "Hi! I'm Shane. Elle Shane Hellioas." lalapit sana ako dito para makipagkamay pero parang wala ata siyang balak makipagshake-hands kaya umayos na lang ako ulit ng pagkakaupo. Ang sungit niya pala. Sayang naman, ang pogi niya pa naman. "I don't care. I mean, why is he here? For what reason?" kung pwede ko lang sabihin na 'ako yung bago mong kapatid'. Pero huwag na lang nakakahiya naman sa kanila. Baka kasi isipin nila na masyado ma akong madaldal. Remember your limitation Shanny. Kahit magiging parte ka na ng pamilya nila, huwag mo pa ring kakalimutang sampid ka lang dito. Ang saklap naman ng sampid. Basta wala ka pa ring karapatan. "He's here..." nandito nga ako dahil- " because he'll be your new personal assistant. " ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD