MasteR. 01

1890 Words
[S]hane Masasayang bata ang nasisilayan ko sa tuwing igagala ko ang paningin ko sa buong paligid. Masayang naglalaro kasama ang iba pang mga bata. Sa araw-araw na pamumuhay ko sa lugar na ito, mas lalong napapalapit ang loob ko sa mga batang ito. Nasanay na lang ako. Daily routine na kung baga. Sa 12 years na nandito ako sa malawak na lugar 'to na napapalibutan ng apat na matataas na pader, hindi na ako umaasang may makakapiling pa akong isang masayang pamilya. Namatay ang pamilya ko noong siyam na taong gulang pa lamang ako. Hindi po sila namatay sa car accident dahil wala naman kaming sasakyan. Namatay sila dahil sa sunog. Naipit sila sa loob ng bahay namin na napapalibutan na ng apoy kasama ang dalawa ko pang nakababatang kapatid. Tanging ako lang sa amin ang nakaligtas. Dahil sa musmos pa lamang ako noon, hindi ko pa alam kung ano ang mga nangyayari sa buong paligid ko.  Haist. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring yun. Pero hindi ko lang mapigilan talaga na maalala sila. Siguro kung hindi nangyari ang insidenteng yun, ano kaya ang buhay ko ngayon? Itong lugar na 'to. Kasama ang iba pang mga bata na abalang inaalagaan kasama ang mga madreng gumagabay sa amin. Dinala nila ako dito sa bahay-ampunan. At dito na ako nakatira simula nang mawalay ako sa mga tunay kong pamilya. Praiseenoecha Arabella Foundation Tahimik lang akong nagmamasid sa mga batang masayang naglalaro habang nakaupo sa ilalim ng isang puno. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, sa kabilang banda, maging masaya. Dahil sa mura nilang edad, malaki ang tyansa nila na may makakasama pa silang pamilya na tururingin silang tunay na bahagi ng pamilya nila. Yung may magmamahal sa kanilang pamilya. Yung mag-aalaga sa kanila. At papalakihin sila ng tama. Pero ako, dito na lang ako sa lugar na 'to hanggang sa tumanda ako. Habang tumatanda ako, paliit din ng paliit ang tyansang may mag-aruga sa akin na tuturingin din akong bahagi ng pamilya nila. Tsk. Sa edad kong 21? Sino pa kaya diba? Nasanay na rin kasi ako. Sa tinagal-tagal ko na ba naman dito, hindi na ako umaasa pa. Kaya mas pinili ko na lang na tulungan dito si mother Elizza sa pagaalaga sa mga bata at iba pang mga gawain. "Kuya Shanny." napatingin ako sa batang kumalabit sa likod ko. Nakangiting nasilayan ko si Euril. Siya ang batang sobrang napalapit na ang loob ko. I treat her as my younger sister. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasilayan ko na magkamukha sila ng kapatid kong si Sheryl. I very miss her. Ayts. Tama na nga ang drama. Masyado na akong nag-eemote sa mga nakaraan ko. "Mamimiss po kita kuya Shanny." bihis na bihis siya ngayon. She's wearing a floral dress and a pink headband. Isa pa 'to ang dahilan kung bakit ako nag-iisang nakaupo dito. Dahil sa pag-alis niya. Mabilis ko siyang niyakap. Naluha ako habang yakap siya. Maging siya rin. "Mamimiss din kita baby Eu." masakit man isipin pero hindi ko siya pwedeng pigilan. Sino ba naman ako para pigilan siya sa kasiyahan niya diba? Ayaw ko namang maging hadlang sa ikasasaya niya. Ang tanging magagawa ko na lang ay tanggapin ito. Kahit masakit. "Kuya Shanny... Ayoko pong mahiwalay sayo." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata. Nakakagigil talaga siya. Ang cute cute ng batang 'to. Mamimiss ko yung kakulitan niya at ang mga ngiting laging nasisilayan ko sa mga labi niya. Pinilit kong maging malakas sa harap niya. Mabilis ko ring pinunas ang mga luha kong nagbabadya na namang lumabas.  "Tahan na.. Kahit ako naman baby ayaw mawalay sayo. Ayaw mo ba nun, may makakasama ka ng pamilya na magmamahal sayo? Sila, kaya nilang ibigay ang mga gusto mo. Titira ka na sa malaking bahay, matutulog ka sa malambot na kama, kakain ka ng masasarap na pagkain, tsaka mara-" bigla akong napahagulhol at hindi na natapos ang sasabihin ko. Niyakap ko ulit siya. Kung pwede lang na ako na lang umampon sa kanya, ginawa ko na.  Iginiya ko na siya papunta sa mga bago niyang mga magulang. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak dahil ang tinuring ko ng nakababatang kapatid ay mawawalay na sa akin. Niyakap ko siya sa huling pagkakataon. Kahit maikling minuto lamang yun ay ramdam na ramdam ko ang lungkot doon. "Let's go." yaya ng bago niyang mama. Kumakalas na ako sa yakap niya ngunit pilit pa rin siyang pumapalag. Huwag mo akong pahirapan ng ganito Eu.  "Eu." tanging naibigkas ng bibig ko. Peste! luha please huwag muna kayong lumabas ngayon. Ayokong sa pag-alis niya, umiiyak ako.  "Ayoko po." kumawala na ako sa yakap niya at tumakbo ng mabilis palayo. Ayokong makita siyang umalis. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko bago pa ako makalayo. Gusto ko muna mapag-isa.  Haist. Buti pa yung mga bituin lagi lang nandyan kahit minsan hindi mo sila nakikita. Basta ang mahalaga lagi silang nandyan para gabayan ka. Stars that sparkling at night. Ang bituin na nagsisilbing mga kaibigan ko at sinasabihan ko ng mga problema sa tuwing ganito ako. Tulad na lang ngayon. Alam kong boring ang mag-isa but who knows, diba? Tsk. Pansin ko lang, kanina pa ako nag-eemote dito. Luha na lang ba palagi? Ang hirap ba naman kasi ng ngumiti. Lalo sa oras na ganito. Magmumukha lang akong baliw kapag ngingiti na lang ako bigla ng walang dahilan. Mas mabuti ng maging malungkot kasi tumawa ka ng walang dahilan. Yung ibang tao ngumingiti at tumatawa lagi pero deep inside lumuluha na pala sila. Ayoko naman maging ganun. Hanggang kaya ko, magiging tapat ako sa sarili ko.  "Alam niyo. Umalis na yung kinukwento ko sa inyong nakababata kong kapatid." tumingala ako sa kalangitan na puno ng nagniningningang mga bituin. Buti pa sila sama-sama. Ako, ito mag-isa. Napangiti na lang ako ng tabingi. "Masakit man pero kailangan ko tanggapin ang katotohanan. Kahit masakit dito." tinuro ko ang dibdib ko. Kasabay nun ang pagpatak ng mga luha ko. Kanina pa ako dito at siguradong hinahanap na ako nila doon. Ayoko namang pag-alalahin sila. Nagiging pabigat na nga lang ako dahil sa tagal ko na dito, dadagdag pa ako. Tumayo na ako para bumalik na sa loob. Medyo malayo-layo rin kasi 'to mula sa mismong foundation bagama't sakop pa rin siya ng lugar. Agad akong sinalubong ni mother Elizza sa harap ng bahay-ampunan. "Nakung bata ka. Saan ka ba galing ha. Kanina pa kita hinahanap. Pinag-alala mo ako." marahan nitong hinaplos ang pisngi ko na mistulang nag-aalala dahil ngayon lang ako nakabalik. Kakasabi ko pa lang na ayaw ko silang pag-alalahin lalo na si mother Elizza, baka kasi atakihin ulit siya sa puso. Dala na rin ng katandaan niya. Simple akong ngumiti. "Mother Elizza, hindi na po ako bata. 21 na po ako. Kaya ko na po ang sarili ko." hay naku. Ngayon ko sa inyo sinasabi na mahal na mahal talaga ako ng mother Elizza ko. Niyakap ko siya ng matagal at mahigpit. Kahit nawala na si Eu sa tabi, nandito pa rin siya para alagaan ako sa kabilang banda alagaan ko. "Kahit na. Delikado pa rin na sa labas. Alam kong 21 ka na, basta para sa akin 12 years old ka pa lang." naflattered naman ako. Kapag ganito talaga ang usapan, ang galing niya mambola. Atleast, mahal ko pa rin siya. 12 years old? Sa kanya lang ako nagiging bata ng ganyan. Ang sarap pa rin sa pakiramdam na nandito pa rin siya at nayayakap ko.  Maaga akong nagising kinabukasan sa hindi malamang dahilan. Wala naman kasing gagawin masyado ngayong araw. Karamihan sa kwartong tinutulugan ko ay tulog pa dahil sa panahon ngayon. Sumilip ako sa bintana at malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Dahil siguro sa buwan ng Hunyo ngayon. May mascientific explanation lang. Lumabas ako sa kwarto namin at pumunta sa malaking sala kung saan ako minsan nagpapahinga kapag ganitong panahon. Tuwing tag-ulan. Kahapon okay pa naman yung panahon pero look, ngayon sobrang lakas ng ulan.  Nakita ko ang bulto ni mother Elizza na papalapit sa pwesto ko. Nakasuot pa 'to ng daster na pangtulog niya. Kami pa lang siguro ang gising?  "Ba't ang aga naman ata gumising ng anak ko?" tumabi ito sa akin at sinuklian ko lang ito ng matamis na ngiti tsaka tumingin sa mga paa ko. "Iniisip mo pa rin ba ang pag-alis ni Euril kahapon?" tango lang ang naibalik kong sagot sa tanong niya. "Tsk. Tsk." hinaplos niya ag likod ko. "Huwag kang mag-alala anak. Bibisita pa rin naman siya dito. Magkikita pa rin kayo." thanks kay mother Elizza sa pangmomotivate niya sa akin.  Kasulukuyan akong nagliligpit ng mga hinigaan sa isang napakalaking kwarto kung saan dito rin ako natutulog. Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko, nasilayan ko ang nag-iisang bagay na nailigtas ko sa trahedyang nangyari sa pamilya ko. Hinila ko ito mula sa ilalim ng kama ko at pinatong sa hita ko. Dahan-dahan ko itong binuksan. Napaluha ako at pumatak ito sa larawan na tinitingnan ko ngayon. Ang kauna-unahan at kahuli-huliang family picture ng aming pamilya. Sobrang miss ko na sila. Marahang hinaplos ko ito at hinalikan.  "Miss ko na kayo." tuloy-tuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko at walang anong mang salita ang binibigkas. "Dapat pala, sumama na lang ako sa inyo noon pa. Sana hindi ko 'to nararanasan at masaya ako ngayon." narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Napatingin ako sa taong pumasok at doon ko napagtanto na isa ito sa mga madre na nangangalaga sa amin dito. Medyo may kabataan pa siya para maging isang madre. Mabilis kong pinunas ang luha ko at mabilis na itinago ang litrato sa box at ibinalik ito sa ilalim ng kama ko. "Shane.. Pinapatawag ka ni mother Elizza." tumango lang ako at pinagpatuloy muna ang pagliligpit sa higaan. Pagkatapos na pagkatapos ko sa ginagawa ko ay pumunta na ako sa opisina ni mother Elizza. Kumatok muna ako sa pintuan bago ako pumasok. Naabutan ko siyang nakadungaw sa bintana. Bago siya tumingin sa kinatatayuan ko ay napansin kong pinunas niya ang luha niya, o sadyang nagpunas lang siya ng mukha? Kung oo, bakit siya umiiyak? "Maupo ka muna anak." bakas sa mukha niya ang lungkot pero ano ang dahilan? Magkasabay kaming naupo. Nakaharap ako sa kanya samantalang siya ay seryoso lang na nakatitig sa kawalan kaharap ako. Nabalot kami saglit ng katahimikan. Dahil sa suffocation, di ko napigilang hindi na magsalita.  "May sasabihin po daw kayo sa akin?" napapitlag siya sa biglaan kong pagsasalita at tumingin sa akin ng seryoso. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si mother Elizza. Sa pagtitig ko sa mata niya, nakita ko roon ang sakit. Sakit na hindi ko alam kung ano ang dahilan. "May problema po ba?" hindi ko mapigilang hindi maintriga sa kinikilos niya ngayon. Naninibago ako pinapakita niya. Hindi naman kasi siya ganyan noon. Ngayon, kita ko ang seryosong si mother Elizza. Umiling lang siya. Nabalot ulit kami ng katahimikan.  May mali. May mali sa kinikilos niya. Napayuko na lang ako at hinintay siyang magsalita at magtapat kung bakit siya malungkot. "Diba gusto mong magkaroon ng isang pamilya na mag-aalaga sayo noon pa man?" napaangat ako ng ulo. Tumango lang ako.  "Malapit nang matupad ang inaasam mong pangarap." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "May taong nagdesisyon na ampunin ka." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD