[G]ust Tulala akong nakatitig sa kulay puting kisame na kinaroroonan ko ng dalawang taon. Walang magawa at nakatulala lang sa kawalan. I suffered alot. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang lahat ng kahibangan ko noon. Ilang beses ko nang magtangkang magpakamatay pero pinipigilan ako ng mga nurse na nag-aalaga sa akin. Ano bang pakialam nila sa pinagdaanan ko? They even don't have any idea. Napahagulgol na lang ako habang sinasariwa ang nangyari two years ago. Ang dumi-dumi ko na. Pinatay ko ang taong pinakamamahal ko. Nawala ako sa sarili ko. Dumilim ang paningin ko dahil sa sobrang galit na lumukob sa buong pagkatao ko. Naunahan ako ng galit kaya ko napatay si Shane. Sobrang pinagsisihan ko ang lahat ng yun. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. "You know what. Wala kang kas

