"Itigil ang kasal!" *** [S]hane Tahimik lang akong nakatingin sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sobrang saya na sa wakas ay ikakasal na din ako. Isang buwan na rin ang nakakalipas nang magpropose si Greco sa akin at naging saksi si mother Elizza at ang ibang nasa bahay-ampunan nang gabing yun. Hinding-hindi ko makakalimutan yung naging pakulo niya nang araw na yun. Simula nang makatulog sa balikat ni Greco ay binuhat niya ako papasok sa isang kwarto at doon niya sinimulan ang planong maghanda para sa proposal niya. Bago pa lang kami pumunta doon ay pumunta na siya sa bahay-ampunan at hiningi ang pahintulot ni mother Elizza tungkol sa pagpapakasal sa'kin at dahil nagsilbing magulang ko na rin si mother Elizza nang mawala ang pamilya ko. Ang g

