Ilang araw na ang lumipas at halos tatlong linggo na nang simulan ang chemotherapy ni Jem. Akala ko magiging okay agad siya, pero nagkamali ako; mas lalo pa siyang nanghina dahil sa epekto ng pagki-chemo niya. Sabi ng doctor ginagawa daw nila lahat ng makakaya nila para maging successful ang gamutan kay Jem, pero nakikita naman daw namin ang epekto; nanghihina ang katawan niya at kailangan naming maging handa sa posibilidad na ang mismong katawan na ni Jem ang bumigay. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Alam kong hindi bibigay ang katawan ni Jem dahil malakas siya, kayang-kaya niyang labanan iyon tulad ng sinabi niya sa 'kin. Sa mga nagdaang araw, talagang kitang-kita ko na ang pagod sa katawan at mukha ni Jem. Walang sigla siyang nakatitig lang madalas sa kisame na parang ang lalim n

