Alam kong pagod at puyat pa si tita kaya nagpresinta na akong ako na ang magbabantay kay Jem ngayong gabi. Noong una ay ayaw niya pang pumayag, pero buti na lang at napilit ko rin siya. Sinabi ko kay tita na hindi siya pwedeng masobrahan sa pagod dahil 'pag sumobra eh baka pati siya ay magkasakit at lalong mag-alala si Jem, napaisip si tita at sinabing uuwi muna sa bahay nila para magpahinga, pero maaga rin daw siyang babalik dito. Magkatabi kami ni Jem sa kama niya habang nakatitig kami sa kisame. Nakaunan ang ulo niya sa balikat ko habang hawak ko naman ang kamay niya. Habang hawak ko ang kamay niya, naalala ko ang mga panahong hinahanap-hanap ko pa ito. Iyong mga panahon na bigla siyang umalis; sobrang gumuho ang mundo ko noon. Kaya hindi ko na talaga kakayanin kung ibang klase ng p

