Palagi akong naniwala noon na babalik si Jem kahit pa umalis siya nang hindi nagpapaalam sa akin. Naniwala ako at natupad naman ang nasa isip ko, bumalik siya at nagmahalan kami. Kaya ngayon, gusto kong maniwala na gagaling si Jem, kasi baka sakaling gumaling nga talaga siya. Baka sakaling magkaroon ng himala at bigla siyang maging cancer free. Nagtiwala ako at naghintay kay Jem nang sobrag tagal pero bakit ganito ang pagbalik niya? Bakit parang agad-agad gusto na ulit siyang bawiin sa akin? Sobrang sakit at sobrang nakakatakot ng kalagayan niya. "Mommy, ang sakit... sobrang sakit nanaman..." pag-inda ni Jem kay tita habang nakahawak siya sa tiyan niya. Lumapit ako sa kanila. "Anong nangyayari?" "Nurse!" Sumigaw si tita at saka lumabas sa kwarto ni Jem. Hinawakan ko ang isang kama

